02/06/2025
๐ข Santahay Brigada Pagbasa 2025 na! ๐๐๐๐ฅ
Tara, Magbasa Tayo!๐๐๐๐
Inaanyayahan ng Sta. Margarita National High School ang lahat ng stakeholders at supporters na maging bahagi ng Brigada Pagbasa 2025! Isa itong programa na naglalayong palakasin ang kakayahan sa pagbasa ng ating mga mag-aaral, lalo na ang mga may espesyal na pangangailangan. Sa pakikipagtulungan ng komunidad sa pagpapalakas ng suporta para sa mga programa ng paaralan sa pagbasa: Project VITAL FORCE, Project SANDY, at Project AKAP: Aklat ang Pangarap, magagawa nating mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng ating mga kabataan. Ang inyong oras, tulong, at donasyon ay napakahalaga sa tagumpay nito.
Paano kayo makatutulong?๐ช
๐ Mag-volunteer: Maging reading partner o storyteller sa mga estudyante. Tulungan sila sa mga reading sessions, magkwento, o gabayan sila sa pag-unawa ng mga babasahin.
๐ Mag-donate: Magbigay ng mga bagong libro o pre-loved books (sa maayos na kondisyon) para sa AKAP. Ang inyong donasyon ay magiging bahagi ng lumalaking librarya ng paaralan. Maaari rin kayong mag-donate ng mga gamit pang-eskwela.
๐ Suportahan ang mga reading sessions: Bisitahin ang paaralan at makiisa sa mga aktibidad. Ang inyong presensya ay magbibigay-inspirasyon sa ating mga mag-aaral.
๐ I-promote ang Brigada Pagbasa: Ipakalat ang impormasyon sa inyong mga kaibigan, kamag-anak, at komunidad.
Kailan at Saan?๐๐
๐Saan: Sta. Margarita National High School
๐Kailan: Hunyo 9-13, 2025, at patuloy sa buong taon!
Sama-sama nating itaguyod ang pagmamahal sa pagbasa at tulungan ang ating mga mag-aaral na makamit ang kanilang pangarap! ๐๐๐ช๐ฅ
Makipag-ugnayan sa amin sa 09567324188 para sa karagdagang impormasyon.