25/06/2026
ALS Baggao Graduation
(Batch 2025)
Isang makabuluhang seremonya ang ginanap ngayong Hunyo 24, 2026 sa VGH Memorial Gymnasium kung saan 149 na mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) ang matagumpay na nagtapos sa Elementary at Junior High School levels. Ang tema ng pagtatapos ngayong taon ay “Pilipino Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”
Mula sa kabuuang bilang, 43 graduates ay mula sa Baggao North District, kabilang ang mga mag-aaral mula sa Brgy. Tallang, Taguntungan, Remus, Alba, Dalin, J. Pallagao, C. Versoza, Agaman Norte, Agaman Sur, Sitio Malisi, at Camunayan Sta. Margarita.
Dinaluhan ang seremonya ng mga opisyal mula sa Department of Education at Schools Division Office (SDO Cagayan) sa pangunguna nina Chief Education Supervisor Rogelio H. Pasinos.
Nagpakita rin ng buong suporta ang LGU Baggao sa pangunguna nina Mayor Leonardo C. Pattung. Sa kanyang mensahe, muling tiniyak ni Mayor Pattung ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng ALS.
Nagsilbing Guest Speaker si Ms. Cristina D. Centeno, isang produkto ng ALS na kasalukuyang g**o ng ALS SHS sa Baggao National Agricultural School.
PASASALAMAT AT PAGKILALA
Ma’am Ana Luisa Abila Sabugal (Principal II) — District In Charge, sa kanyang matatag na pamumuno at walang sawang suporta.
ALS Teachers ng Baggao North District:
Sir Federico Fronda
Sir Jimmy Cabisares
Ma’am Deb Corpuz Upano
Ma’am Jonabel Apay Narag (ALS LGU Teacher)
Ang pagtatapos na ito ay patunay ng tagumpay ng ALS sa Baggao North — isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat mag-aaral. Mabuhay ang ALS Baggao North District Graduates Batch 2025!