10/02/2023
UPDATES | Pagtatapos ng Cluster -Based In-Service for Teachers
Natapos ngayong araw ang 5 day INSET ng mga g**o sa Cluster 1 ng Baggao East District na kinabibilangan ng Santor E/S, Baggao East Central School, Marus E/S at Birao E/S.
Sa huling araw ng nasabing training ay ginanap ang demonstration teaching ng mga napili at boluntaryong g**o.
Dito ay hindi naman nagpahuli ang Grade 5 Adviser ng BES na si Ms. Kimberly D. Badajos,T-1 sa pagtuturo ng asignaturang Matematika sa Ika-Apat na Baitang.
Inobasyon,interbensyon at istratehiya ang nakalap ng bawat isa sa pakikinig at pakikilahok sa bawat sesyon mula umpisa hanggang sa huling araw ng training na kinabibilangan din ni Mrs. Jenelyn C. Peralta,T-2 at Grade 1-Adviser sa pagdiskurso kung paano gumawa ng SIM o Strategic Intervention Materials .
Ngayon ay handa na muli ang mga g**o ng Birao Elementary School sa pamumuno ni Gng. Mary-Jane A. Piga,HT-1 sa pagtuturo at paghubog ng mga mura at inosenteng isipan ng mga bata gamit ang iba't- ibang inobasyon,interbensyon at istratehiya.