25/06/2026
๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐ผ๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ ๐ผ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐ผ
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, disiplinado, at kaaya-ayang kapaligiran sa paaralan, mahigpit na ipinatutupad ang sumusunod na mga patakaran sa pagpasok at pananatili ng mga magulang, tagapag-alaga, bisita, at iba pang stakeholder.
๐ฐ. ๐ถ๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐
๐จ. ๐บ๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐-๐๐๐๐๐
Ang dalawang (2) gate ng paaralan ay bubuksan sa ganap na 6:30 ng umaga.
Ang lahat ng gate ay isasara sa ganap na 7:30 ng umaga upang masig**o ang kaayusan at seguridad sa oras ng pagsisimula ng klase.
๐ฉ. ๐บ๐ ๐ถ๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐
Ang Main Gate lamang ang bubuksan sa mga sumusunod na oras:
10:30 ng umaga โ Kindergarten
11:00 ng umaga โ Grades 1 at 2
11:30 ng umaga โ Grades 3 hanggang 6
Pagkatapos makabalik sa paaralan ang mga mag-aaral mula sa lunch break, hindi na sila papayagang lumabas muli ng paaralan maliban kung may pahintulot mula sa punong-g**o o sa awtorisadong opisyal ng paaralan.
Ang gate ay muling isasara sa ganap na 1:00 ng hapon.
๐ฐ๐ฐ. ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐
*Hindi pinahihintulutan ang pananatili ng mga magulang, tagapag-alaga, at iba pang bisita sa loob ng paaralan habang isinasagawa ang klase, maliban kung may opisyal na transaksyon o pahintulot mula sa administrasyon.
*Ang sinumang magulang o bisita na may pakay sa paaralan ay kinakailangang dumaan sa security o guard on duty bago payagang makapasok.
*Hinihikayat ang mga magulang o guardian na magsuot ng maayos at disenteng kasuotan sa paghahatid at pagsundo ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan at pagiging angkop ng kapaligiran sa paaralan
๐ฐ๐ฐ๐ฐ. ๐ฝ๐๐๐๐๐๐'๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐
Para sa kaligtasan at seguridad ng lahat:
Ang lahat ng magulang at bisita ay kinakailangang:
*Magtala ng kanilang pangalan, oras ng pagpasok, layunin ng pagbisita, at oras ng paglabas sa Visitor's Logbook
*Magsuot ng Visitor's Pass habang nasa loob ng paaralan.
Ang Visitor's Pass ay dapat isauli sa guard o sa parehong gate na pinasukan pagkatapos ng kanilang transaksyon.
๐ฐ๐ฝ. ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐
*Ang lahat ng bisita ay kinakailangang pumasok at lumabas sa parehong gate na kanilang ginamit sa pagpasok.
*Tanging mga magulang o tagapag-alagang awtorisado ng magulang ang maaaring magsundo ng mga mag-aaral.
*Kung may pagbabago sa susundo sa mag-aaral, kinakailangang ipagbigay-alam ito sa adviser o sa opisina ng paaralan bago ang oras ng uwian.
๐ฝ. ๐ถ๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐
Ang lahat ng opisyal na transaksyon sa paaralan ay tatanggapin lamang sa mga araw ng pasok mula:
8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐:
*Paghingi ng mga dokumento;
*Konsultasyon sa administrasyon; at iba pang opisyal na transaksyon.
๐ฝ๐ฐ. ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐
Upang hindi maantala ang pagtuturo at pagkatuto:
*Hindi maaaring istorbohin ang mga g**o habang sila ay nagsasagawa ng klase.
*Ang mga magulang na nagnanais makipagpulong sa g**o ay hinihikayat na magpaalam o magtakda muna ng iskedyul ng pagpupulong.
*Ang pakikipagpulong ay maaaring isagawa pagkatapos ng klase o sa itinakdang oras na napagkasunduan ng g**o at magulang.
๐ฝ๐ฐ๐ฐ. ๐ท๐๐๐
๐๐
๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐
*Maaaring dalhan ng pagkain ang mga mag-aaral sa oras ng tanghalian.
*Ang mga mag-aaral ay kakain lamang sa loob ng kanilang silid-aralan o sa iba pang itinalagang lugar ng paaralan.
*Hindi pinahihintulutan ang mga magulang o bisita na kumain o magsagawa ng picnic sa loob ng paaralan maliban kung ito ay bahagi ng opisyal na gawain ng paaralan.
๐ฝ๐ฐ๐ฐ๐ฐ. ๐ท๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐
Ang lahat ng magulang, tagapag-alaga, bisita, at iba pang stakeholder ay inaasahang:
*Sumunod sa lahat ng umiiral na patakaran ng paaralan;
*Igalang ang mga g**o, kawani, at iba pang mag-aaral;
tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at katahimikan sa loob ng paaralan; at
*Makiisa sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang isang ligtas, disiplinado, at child-friendly na kapaligiran.
๐๐๐๐๐๐๐:
Ang mga patakarang ito ay ipinatutupad para sa kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng lahat ng mag-aaral, g**o, kawani, magulang, at iba pang bumibisita sa paaralan. Ang pakikiisa at mahigpit na pagsunod ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at epektibong kapaligiran sa pagkatuto.