15/10/2025
Resistensiya palakasin, kaalaman pagyamanin upang Influenza-like Illnesses ay maiwasan natin.
A complete elementary school located at Amballo South, Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya
15/10/2025
Resistensiya palakasin, kaalaman pagyamanin upang Influenza-like Illnesses ay maiwasan natin.
15/10/2025
Teachers' Day Celebration 🥳
02/10/2025
Congratulations sa lahat! 🥳
02/10/2025
Wala pong pasok bukas mula Kindergarten hanggang Grade 6. Mag-ingat po tayo.
Upon the recommendation of the PDRRMC (Disaster Preparedness and Disaster Response Clusters), classes at all levels, including work in schools, both public and private are suspended tomorrow, October 3 in the province of Nueva Vizcaya due to the impending effects of Tropical Storm Paolo.
Nueva Vizcaya, Laging Handa!
01/10/2025
As of 5 AM, October 2, the whole province is now under TCWS No. 1 due to Tropical Cyclone Paolo 🌧
Public Kindergarten Classes are suspended.
Full Report:
https://www.facebook.com/share/p/172MF23PzQ/
Full Ground Demonstration Video at Pabbalat Festival. You all did an awesome job, ARES babies! 👏
Thank you to all the teaching and non-teaching staff, parents, stakeholders and most especially to our energetic young learners for taking part in the success of this presentation. Indeed, you've proven that cooperation and unity makes every goal/endeavor into reality. Congratulations! 🥳 🫶
ctto: Rochelle P. Belmis
ARES babies ground demonstration entry, CUT Version 😅
Full video to follow. 🤭
ctto: Rhean H. Bilog
May pasok pa rin po ang Grade 1 to 6. Kindergarten ang wala po.
24/09/2025
Kinder babies, wala kayong pasok ngayon. Grade 1 hanggang 6, may pasok pa rin kayo. See you! 👋
As of 5 AM, September 25, the whole province is now under TCWS No. 1 due to Tropical Cyclone Opong ☔
Classes in public kindergarten schools are suspended as per DepEd Order 22, Series of 2024.
Full Report:
https://www.facebook.com/share/p/1GmQdWqEmJ/?mibextid=wwXIfr
24/09/2025
Lider na nagbabalik sa eskwelahan kung saan siya nagsimula — Mam Berlina Valdrez Pascua. 😍
LATHALAIN I BERLINA: Huwarang Pinuno, Mapusong G**o
Bilang bunsong anak sa walong magkakapatid, lumaki si Berlina Valdrez Pascua sa buhay na puno ng sakripisyo. Sa pawis ng kanyang ama sa bukid at sa pagtitinda ng kanyang ina sa palengke, natutunan niya ang tunay na halaga ng sipag at tiyaga. Ang kahirapan na minsang humadlang, siya ring nagbukas ng landas tungo sa kanyang mga pangarap.
Edukasyon ang naging ilaw at sandata niya laban sa dilim ng kahirapan. Mula sa pagtatapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Singian bilang Valedictorian, sa pagiging 5th Honorable Mention sa Saint Jerome Academy(SJA) sa hayskul hanggang sa pagtanggap ng medalya bilang Cum Laude sa kolehiyo ng Nueva Vizcaya State University Bayombong Campus (NVSU). Hindi siya tumigil sa pag-aaral at nagtapos ng Master's Degree sa Educational Management sa Aldersgate College, pinatunayan niyang walang imposible sa pusong determinado. Ang kanyang tagumpay ay bunga ng sakripisyo, dasal, at walang sawang paniniwala sa sarili.
Responsableng g**o ang kanyang sinimulang maging pagkakakilanlan. Taong 2014, nagboluntaryo siya sa Amballo Resettlement ES bilang g**o sa kindergarten. Napermanente sa kagawaran taong 2015 sa Mababang Paaralan ng Palayan. Mula roon, unti-unti siyang yumabong hanggang sa maging isang ganap na punongg**o noong 2022 sa Mababang Paaralan ng Singian — eskwelahang sa kanya unang humubog. Nakapasa siya ng National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) taong 2024 at mas lalong sumidhi ang kagustuhang magsilbi. Bawat aral na itinuro, bawat g**o't batang inakay—lahat ay nagiging patunay ng kanyang wagas na dedikasyon.
Lider na may pananampalataya, hindi lamang siya nagtuturo ng kaalaman kundi ng pag-asa. Gabay niya ang salita ng Diyos mula Proberbio 16:3—“Commit to the Lord whatever you do and your plans will succeed.” Sa bawat hamon ng pagiging g**o at pinuno, ito ang nagsilbing ilaw sa kanyang paglalakbay.
Inspirasyon niya ang kanyang pamilya—ang asawa niyang si Joseph Sabio Pascua at anak na si Yuan Deondrie. Sila ang lakas na nagbibigay kulay sa kanyang mga pangarap at dahilan upang patuloy na magsikap. Ang bawat ngiti ng kanyang anak ay paalala na ang bawat paghihirap ay may ginhawang darating.
Ngayon, bilang punongg**o sa paaralang una niyang pinagsilbihan, dala niya ang pangarap na mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Layunin niyang palakasin ang ugnayan ng mga g**o, magulang, at komunidad—dahil naniniwala siyang ang tagumpay ng paaralan ay bunga ng pagkakaisa ng lahat.
Ang nais niyang iwan sa bawat isa: “Pagkakaisa at pagkakaunawaan.” Nais maalala si Berlina hindi lamang bilang pinuno, kundi bilang punongg**o na may pusong nakikinig at kamay na laging handang gumabay. Sa kanyang pamumuno, tiyak na masisilayan ang bukas na mas maliwanag para sa mga bata—ang tunay na pag-asa ang bayan. #
May pasok na po bukas.
23/09/2025
Sa Family Day, pamilya ang bida sa hapag!