Caraitan Integrated School-Badoc

Caraitan Integrated  School-Badoc This is the Official page of Caraitan Integrated School

08/06/2026
08/06/2026

Balik eskwela na ngayong araw! πŸŽ’πŸ“š

Kasama ninyo ang sa panibagong taon ng pagkatuto, pagtuklas, at pag-abot ng mga pangarap. Hangad natin ang maayos, at matagumpay na balik-eskwela para sa bawat mag-aaral, g**o, magulang, school staff, at buong komunidad.

May tanong o concern tungkol sa pagbubukas ng klase? Makipag-ugnayan sa ating OBE Hotlines o bumisita sa pinakamalapit na OBE Public Assistance Command Center, Regional o Division Office, o paaralan sa inyong lugar.

Tingnan ang mga hotline dito: https://www.facebook.com/share/p/1H86vMxA7Q/

8 JUNE 2026Welcome back, CIS Learners!Today marks the start of a new journey filled with learning, growth, and opportuni...
07/06/2026

8 JUNE 2026

Welcome back, CIS Learners!

Today marks the start of a new journey filled with learning, growth, and opportunities. Let us work together to create a safe, productive, and inspiring school environment where every learner can thrive.

Have a wonderful first day and a successful school year ahead!

05/06/2026

Salamat, Brigada Eskwela Heroes! ❀️

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga g**o, mag-aaral, magulang, local officials, government agencies, at education partners na boluntaryong nakibahagi sa .

Ang inyong oras, lakas, at malasakit ay patunay na kapag sama-sama, mas marami tayong magagawa para sa edukasyon.

Dahil sa ating bayanihan, mas ligtas, mas maayos, at mas handa ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskwela.

LIBRENG GUPIT PARA SA MGA MAG-AARALBilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase at sa patuloy na...
02/06/2026

LIBRENG GUPIT PARA SA MGA MAG-AARAL

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase at sa patuloy na paghahatid ng serbisyong may malasakit sa lahat, ang LGU Badoc na pinangungunahan ni Hon. Mayor Virgilio Calajate ay magsasagawa ng Libreng Gupit para sa mga mag-aaral ng Badoc.

πŸ“… Petsa: Hunyo 3, 2026 (Miyerkules)
πŸ• Oras: 1:00 PM
πŸ“ Lugar: CIS Covered Court

Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral, magulang, kabataan, at mga residente ng komunidad na makiisa sa gawaing ito.

Maraming salamat sa LGU Badoc sa patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating mga mag-aaral.

31/05/2026

Tara na!
Maki-Brigada Eskwela bukas sa Caraitan Integrated School-Badoc!

Sama-sama para sa ligtas at handang paaralan!

πŒπ€πŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐍𝐆 π‚π€π‘π€πˆπ“π€π πˆππ“π„π†π‘π€π“π„πƒ π’π‚π‡πŽπŽπ‹β€“ππ€πƒπŽπ‚Naghahanda na ang Caraitan Integrated School–Badoc pa...
28/05/2026

πŒπ€πŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐍𝐆 π‚π€π‘π€πˆπ“π€π πˆππ“π„π†π‘π€π“π„πƒ π’π‚π‡πŽπŽπ‹β€“ππ€πƒπŽπ‚

Naghahanda na ang Caraitan Integrated School–Badoc para sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027 sa pamamagitan ng pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026.

Inaanyayahan ang mga magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, at volunteers na makiisa at magbahagi ng kanilang oras, serbisyo, mga kagamitan, at suporta upang sama-samang maihanda ang paaralan para sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.

Layunin ng Brigada Eskwela na masig**o ang isang ligtas, malinis, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral bago magsimula ang klase. Sa pamamagitan ng bayanihan at pagkakaisa ng komunidad, inaasahang magiging matagumpay at makabuluhan ang pagbubukas ng panibagong taong panuruan.

Ayon sa paaralan, mahalagang maipakita ang sama-samang pagkilos ng komunidad dahil ang edukasyon ay responsibilidad ng lahat.

Patuloy na hinihikayat ang lahat na makiisa sa gawaing ito para sa kapakanan, kaligtasan at magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.

Address

#8
Badoc
2904

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caraitan Integrated School-Badoc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category