26/08/2026
Bugtong, bugtongโฆ
Walang pakpak, akoโy lumilipad.
Walang mata, laging umiiyak.
San man magtungo, dala ko ay anino.
Ano ako?
Matagal nang kaakibat ng ating pagka-Pilipino ang bugtongโmula sa panahon na tanging salita lamang ang naglalakbay, hanggang sa kasalukuyang panahong ang wikaโy patuloy na humahabi ng ating pagkakakilanlan.
Bago pa man dumating ang internet at makabagong teknolohiya, buhay na buhay ang bugtong bilang bahagi ng ating libangan, pakikipag-ugnayan, at pang-araw-araw na pamumuhay. Sa mga simpleng hulaan, nagkakaroon ng saya ang mga tahanan at pamayanan, habang nahahasa ang talino, imahinasyon, at pagkamalikhain ng mga Pilipino.
Sa bawat hulaan, palayain ang isip mula sa tanikala. Sa bawat sagot, yakapin ang ating wika bilang ilaw ng pagkakaisa. Ang bugtong ay hindi lamang palaisipanโitoโy sagradong pamana, isang tinig ng kasaysayan na humahamon sa ating talino at damdamin.
Bilang pakikiisa sa Buwan ng Wika, makiisa tayo sa muling pag-alala sa saya ng mga bugtong, talino, at pagkamalikhain ng mga Pilipinong nagpaunlad nito. Sa panahong mabilis nang nagbabago ang ating paraan ng pakikipag-ugnayan, buhayin nating muli ang isang tradisyong minsang naging buhay na bahagi ng kasiyahan ng ating bayan.
๐ฉ Ilagda ang iyong sagot sa seksiyon ng mga komento.
๐ฃ๏ธ Sapagkat sa bawat tugon, tayoโy nagiging bahagi ng mas malaking kuwento ng ating bayanโat sa bawat bugtong na ating binubuhay, muli nating binibigyang-buhay ang isang piraso ng ating pagka-Pilipino.
Halinaโt makiisa sa Bugtong ng Bayan! Maki-hula, makiisa, at sama-sama nating buhayin ang isang pamanang patuloy na nag-uugnay sa atin sa ating wika, kultura, at kasaysayan.
โโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโโ
๐จ: Rhyzza Loraine Sy [WCCI-PSTN PRO]
โ: Fernando Jr. Sibayan [WCCI-PSTN Creatives Member] | Riccy Gail Canlas [WCCI-PSTN Secretary]