16/08/2026
๐ข CLASS SUSPENSION ANNOUNCEMENT ๐ข
In accordance with Memorandum Circular No. 012-2026 issued by Mayor Strive Revilla, classes are suspended today for all levels.
๐ Important Reminder for the Second Unit Test:
The Second Unit Test for Term 1 will proceed as scheduled starting tomorrow (August 18, 2026), following the original schedule of subjects.
๐ป Today's Online Review Session:
In place of face-to-face classes, students will have an Online Synchronous Review via Zoom to help prepare them for the upcoming exams.
โข Class starts at 8:00 AM.
โข Preschool to Grade 10 โ Review will be conducted via Zoom.
โข Grade 11 and Grade 12 โ Review will be conducted via Google Meet.
โข The Zoom link will be posted in your child's Google Classroom/Quipper account.
Parents and students are kindly asked to check Google Classroom/Quipper ahead of time and ensure a stable internet connection for the review session.
๐ฆ Cashier's Office:
The Cashier's Office remains open today for those who need to transact business.
Thank you for your understanding and cooperation. Let's make the most of today's review session to help our learners prepare well for the Second Unit Test. ๐
For questions or concerns, please don't hesitate to reach out to the school office.
Stay safe, everyone! God bless us all!
MEMORANDUM CIRCULAR No. 012-2026
Alinsunod sa masusing rekomendasyon mula sa ating City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), na walang tigil na nagbabantay sa ating sitwasyon, at gayundin sa pinakahuling ulat mula sa PAGASA-DOST, ipinababatid po natin na SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS (pampubliko at pribado) sa buong Lungsod ng Bacoor ngayong Lunes, ika-17 ng Agosto 2026 dahil pa rin sa patuloy na masamang panahon dulot ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon) na maaaring maging sanhi ng mga pagbaha at iba pang sakuna.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang lahat ng ating mga paaralan na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 14, s. 2026. Mangyaring mag-shift po tayo sa modular distance learning, performance tasks, projects, o make-up classes, kung ano man ang angkop, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.
Ang kaligtasan ng bawat Bacooreรฑo ang ating pangunahing prayoridad. Hinihiling ko po ang lahat na manatili sa inyong mga tahanan, maging alerto, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa ating pamahalaang lungsod.
Paalala sa mga magulang na huwag hayaang lumabas at maligo sa ulan, lalo na sa baha, ang mga bata upang maiwasan na sila ay magkasakit. Kung hindi maiwasan ang paglusong sa baha, magpunta agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar upang mabigyan kayo ng kaukulang gamot kung kinakailangan. Samantalahin din natin ang panahong ito upang makapaghanda sa iba pang posibleng epekto ng paparating na bagyong Inday sa ating mga tahanan.
Sama-sama po tayong manalangin na nawaโy malampasan natin ang pagsubok na dala ng paparating na bagyo sa ating lungsod at sa buong bansa. Mag-ingat tayong lahat at patnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal.
Ang kautusang ito ay epektibo kaagad.
sgd.
City Mayor STRIKE B. REVILLA, PhD, Hc
Chairperson, City DRRM Council
City of Bacoor, 17 August 2026