28/09/2026
Taos-puso ang aming pasasalamat sa RES SPTA Officers, sa pangunguna ni Gng. Aida Polvoriza, sa kanilang oras, pagsisikap, at malasakit para sa Real Elementary School.
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Kap. Brian BJ Aganus sa kanyang mapagkawang-gawang donasyon ng pintura na naging malaking tulong sa pagsasakatuparan ng gawaing ito.
Ang inyong suporta at pakikiisa ay malaking ambag sa pagpapanatili ng isang malinis, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta at pagmamahal sa ating paaralan!
Ma. Theresa C. Ramos
Principal II
Dr. Nereus V. Malinis
Parent Supervisor