Ang Bukal

Ang Bukal

Share

Opisyal na Pahayang Pangmag-aaral sa Filipino ng CBNHS-Springville

Photos from Ang Bukal's post 10/12/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | CBNHS-Springville, idinaos ang United Nations 2025

Isinagawa ngayong Martes, Disyembre 9, 2025, ang programa para sa United Nations (UN) kung saan tampok ang iba’t ibang gawain na layong palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pandaigdigang usapin, bilang bahagi ng finals, sisimulan na ang pagpili sa mga pinakamahusay na mag-aaral na nagpakitang-gilas at aktibong lumahok sa nasabing programa.

Tumulong din ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa pag-aayos at pangangasiwa ng naturang programa, na nagbigay-daan sa maayos at maorganisadong pagdaloy ng mga aktibidad, inaasahang ang mga mapipiling estudyante ay magiging inspirasyon sa kanilang kapwa mag-aaral sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng kahanga-hangang pagtatanghal ng CBNHS-Springville Drum and Lyre Band na ipinamalas ang kanilang husay sa musika at pagtugtog ng iba’t ibang instrumento.

Para sa panimulang mensahe, tinawag agad ang Officer-in-Charge (OIC) na si Dr. Edwin Ugali, na hindi lamang nagpuri sa makukulay at mahusay na napiling kasuotan ng mga mag-aaral na tunay na nagpapakita ng mayamang kultura ng iba’t ibang bansa, kundi nagpasalamat din sa dedikasyon, aktibong pakikilahok, at walang sawang suporta ng buong paaralan upang maisakatuparan ang programang ito nang may kaayusan at tagumpay.

Sinundan naman ito ng mensahe mula kay Master Teacher I, Gng. Diana DS Velasco, na buong puso ring nagpahayag ng pasasalamat sa ipinakitang pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral, g**o, at organisasyon upang maging matagumpay at makabuluhan ang buong programa.

Sinundan naman ito ng mensahe mula sa School Parent-Teacher Association (SPTA) President, Bb. Cecillia S. Matundan, na buong puso ring nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa ipinakitang suporta, dedikasyon, at pagtutulungan ng mga magulang, g**o, at mag-aaral, na nagbigay daan upang maging matagumpay, makabuluhan, at puno ng inspirasyon ang patimpalak na isinagawa sa paaralan.

Agad namang ipinakilala ni Bb. Jezalyn Abao ang mga hurado para sa programang ito, una si OIC Dr. Edwin Ugali, kasunod ang SPTA President na si Bb. Cecillia S. Matundan, sunod ang G**o ng Filipino ng Baitang 10 na si Ginoong Lawrence Capagalan, at panghuli si Gng. Charlyn Saycon, na sama-samang magbibigay ng patas at makatarungang hatol sa lahat ng kalahok.

Sinimulan na ang pagrampa sa entablado ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10, na buong sigla at husay na ipinapakita ang iba’t ibang kultura, tradisyon, at sining ng mga bansang kanilang pinili, na nagbigay ng makulay at kahanga-hangang karanasan sa lahat ng manonood.

Kasunod naman ang tanong at sagot para sa mga nagwagi mula sa nangungunang 10, agad na ipinahayag ng mga hurado ang kanilang mga tanong, at ang mga nakapasok sa nangungunang 10 ay sinagot ito nang may husay at talino.

At sa huli, opisyal na idineklara ang mga kampyon ng patimpalak, kung saan hinirang na Mr. UN 2025 si AJ Salaverria mula sa 8-Bougainvillea, at Ms. UN 2025 si Aiyesha Moyano mula sa Baitang 8-Hyacinth, na parehong nagpakita ng kakaibang husay, galing, at inspirasyon sa buong kompetisyon.

Ulat ni | Kashmira Bantilan
Mga larawan ni | Johanna Kate Matundan

10/12/2025

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 | BALITANG BUKAL: CBNHS-SPRINGVILLE, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG PALIGSAHAN PARA SA MR. AND MS. UNITED NATIONS 2025

‎Inihahandog ng Ang Bukal ang Balitang Bukal, ang eksklusibong dokumentasyon ng ginanap na paligsahan para sa Mr. and Ms. United Nations 2025 nitong Martes, ika-9 ng Disyembre, 2025.

‎Ating panoorin si G. Yash Rovin De Marucut sa episode na ito ng Balitang Bukal.


Photos from Ang Bukal's post 28/11/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa at Pagpapahalagang Pilipino, Masaganang Ginanap sa CBNHS-Springville

‎Bilang pakikiisa at pakikibahagi sa Buwan ng Pagbasa at Pagpapahalagang Pilipino, isinagawa ang isang makabuluhang programa nitong Biyernes, ika-28 ng Nobyembre, ganap alas-9 ng umaga sa City of Bacoor National High School-Springville.

‎Ang pagdiriwang ay isinakatuparan sa pagkakaisa ng English, Filipino, at Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Department. Masigasig na ginanap sa presensya nina Alson Montalbo at Taranee Viñas bilang mga mag-aaral na tagapagdaloy ng palatuntuban.

‎Binuksan ang programa sa pangunguna ng Members of Church of God International (MCGI) Chorale na nagpamalas ng husay sa paggalaw at sining sa pagkanta, na sinundan ng paghimig ng Lupang Hinirang, Himno ng Bacoor, at Himno ng CBNHS-Springville.

‎Matapos ang panimulang seremonya, nagbigay mensahe si Dr. Edwin Ugali, ang Officer-in- Charge (OIC) ng CBNHS-Springville. Kaniyang binigyang diin ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program. Mula sa kaniyang pahayag, nabanggit niya na ang ARAL Program ay para matutong bumasa ang mga mag-aaral at upang malaman nila ang paraan sa pag-unawa ng mga binabasa. Inilahad niya na nararapat dumalo ang bawat estudyanteng kasapi nito, sapagkat napansin niya na iilan lamang ang nakikiisa. Gayundin, binigyang pansin niya ang mga nagwagi sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2025 at Division Meet 2025, kung saan hinikayat niya ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang pagpapamalas ng kahusayan.

‎Sumunod na nagbigay talumpati si Gng. Cecilia Matundan, Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA). Kaniyang isinakatuparan ang Feeding Program na kaagapay ng ARAL Program at bukas para sa mga mag-aaral na bahagi nito. Wika niya na hindi dapat ma-degrade ang mga kabataang kasapi ng aktibidad na ito, sa halip gamitin ito para matuto at para makahabol sa mga asignatura. “Bilang estudyante, pahalagahan din natin ang values,” ani niya. Sa pagtugon sa Filipino Values Month, inilahad niya na ang pagkatao ay base sa ginagawa ng isa sa kaniyang kapwa.

‎Mula naman sa pahayag ng English Department Coordinator na si Gng. Christine Joy Elazegui, nararapat pahalagahan ng bawat isa ang pagbasa at ang kabutihan sa bawat isa. Isinalaysay niya na ang pagbasa ang tulay sa iba’t ibang oportunidad at nararapat taglayin ang aksyon para sa mabuting tao.

‎Kasunod nito, nakibahagi rin si Bro. Benedict Reyes, MCGI Bible Readers Society Servant. Tinalakay niya na bilang mag-aaral, dapat lamang magsigawa ang lahat ng mabuti hindi lamang sa ninanais kundi sa bawat isa.

‎Hindi nagpahuli si Gng. Ruby Razon, SPTA Treasurer sa pagbibigay mensahe. Binigyang pansin niya ang kahalagahan ng pagbasa sa masining na pamamaraan. “Reading is power,” wika niya. “Reading is a whole foundation of who you’re gonna be someday,” dagdag niya.

‎Matapos ang mga makabuluhang talumpati, binigyang pagkilala ang mga nagwagi sa mga patimpalak na idinaos bilang pagtugon sa Buwan ng Pagbasa at Pagpapahalagang Pilipino. Ang mga mag-aaral ay binigyan ng sertipiko sa gabay ng English, Filipino at EsP deparment at mga samahang pangmag-aaral.

‎Dagdag pa rito, ang mga mag-aaral ay binigyan ng regalo na nagmula rin sa taos-pusong pakikibahagi ng kapwa mag-aaral sa gabay ng ESP Department sa ilalim ng Project Tulong Aral Gift Giving (Outreach Activity). Gayundin, nagpamalas ng angking galing ang English Club sa kaninang pampasiglang biglang na pagsayaw.

‎Malugod na nagbigay partisipasyon ang mga mag-aaral sa kompetisyon ng pagganap ng mga karakter na kaugnay sa temang base sa kanilang baitang. Para sa ika-7 baitang, ipinakita nila ang sining sa panitikang “Ibong Adarna”, habang “Florante at Laura” naman sa ika-8 baitang, “Romeo and Juliet” para sa mga mag-aaral sa ika-9 baitang, at “Greek Mythology” sa ika-10 na baitang.

‎Ang mga nagwagi ay ipinahayag at binigyang sertipiko bilang pagkilala sa pagtatanghal ng pagpupunyagi. Nagkaroon din ng oath taking ang mga opisyales ng EsP at English club.

‎Ganap alas-12 ng tanghali, disenteng nagwakas ang programa nang matiwasay sa pangwakas na pananalita ni Bb. Emelia G. Maguddayao at sa tulong ng paggabay ng mga nangangasiwa at partisipasyon ng mga bumubuo sa English, Filipino, at EsP department at samahang pangmag-aaral.

‎Ulat ni | Reah Barrion
‎Mga larawang kuha nina | Reah Barrion at John Arvie Bartolome


Photos from Ang Bukal's post 27/11/2025

Malugod na pagbati sa mga nagwagi sa DSPC 2025!

‎Malugod naming binabati ang mga nagwagi sa DSPC 2025 na sina Sheherazadd Lessandria Lagrio sa pagkamit ng Ikalawang Puwesto sa Pagsulat ng Lathalain-Sekundarya, si Remielle Ann Bodiong sa pagkamit ng Ikalawang Puwesto sa Paglalarawang Tudling-Sekundarya, Phoebe Nashley Go na nagkamit ng Ikatlong Puwesto sa Pagsulat ng Editoryal-Sekondarya, si Nicole Danielle Villa sa pagkamit ng Ikaapat na Puwesto sa Photojournalism-Secondary, at si Zavina Abogado sa pagsungkit ng Ikalimang Puwesto sa Science and Technology Writing-Secondary.

‎Ginanap itong Division School Press Conference (DSPC) noong Nobyembre 17–18, 2025 sa Bacoor National High School - Molino Main.

‎Pinapaabot namin ang aming pasasalamat sa mga School Paper Adviser (SPA) na sina Bb. Maria Micaela Palcios at Maam Wannebep C. Mamungay sa pagtulong at pagsuporta sa amin mula sa pagsasanay hanggang sa kompetisyon na aming kinaharap. Gayundin, sa ating Officer-in-Charge, Dr. Edwin U. Ugali sa patuloy na pagsuporta.

‎Muli, pagbati sa mga nagwagi at kwalipikado sa Regional Journcamp 2025. Patuloy magsikhay at magbigay ng tamang landas para sa mamamayan!

Photos from Ang Bukal's post 21/11/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | ARAL Program ng CBNHS-Springville, pinalalakas ang suporta sa Pagbasa at Pagkatuto

‎Ipinagpapatuloy ng CBNHS–Springville ang ARAL Program noong Lunes, Martes, at Huwebes, upang mabawasan ang learning gaps ng mga estudyante habang kapansin-pansin ang paggabay ng mga g**o at aktibong partisipasyon ng mga kabataan ngayong Biyernes, Nobyembre 21, 2025.

‎Noong mga nakaraang linggo ng pagpapatupad ng programa, unti-unting napapansin ang pag-unlad ng mga estudyante sa pagbabasa at pag-unawa na tumutulong sa kanila na makapag-isip ng mga ideya ng mas maayos at paghahanda sa iba’t ibang gawaing pang-akademiko.

‎Ipinapakita rin ng mga g**o sa Kagawaran ng Filipino at Ingles ang kanilang dedikasyon sa pamamagitan ng pabibigay nila ng mas mahabang oras sa pagtuturo at angkop na mga gawain sa nagpapalawak sa kasanayan ng kabataan sa literasiya at kritikal na pag-iisip at pag-unawa.

‎Bahagi rin ng tagumay ng programa ang walang katapusang suporta ng School Parent-Teacher Association (SPTA), na nagdadala ng lakas at inspirasyon sa mga mag-aaral sa bawat sesyon, at sa ganitong paraan ay naipapakita na ang edukasyon ay bunga ng sama-samang pagkilos at malasakit mula sa pamilya, paaralan, at buong komunidad.

‎Sa pagpapatuloy ng ARAL Program, sama-samang pagsisikap ng paaralan, g**o, magulang, at mga mag-aaral, nananatiling matatag ang layunin ng programang ito, ipinapakita ng CBNHS-Springville na may malinaw na direksyon at konkretong hakbang ang pagkamit ng mas makabuluhang edukasyon para sa lahat.

‎ni | Kashmira Bantilan

16/11/2025

𝗣𝗔𝗗𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗦𝗣𝗖 2025, 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗣𝗥𝗜𝗡𝗚!

‎Malugod naming ipinapaabot ang pinakamataas na pagsuporta sa lahat ng mag-aaral na sasabak sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2025 ngayong Nobyembre 17-19.

‎Nawa’y maging sinag ang inyong panulat sa paglalantad ng katotohanan, at maging sibat ang inyong mga salita sa pagtatanggol ng katarungan. Sa bawat paglikha ng talata, itanim ang adhikaing maghatid ng liwanag; sa bawat kuhang larawan at balita't kuwentong isinusulat, ibuhos ang lakas ng loob at talas ng pag-iisip.

‎Dalhin ninyo ang dangal ng paaralan, ang sigla ng komunidad, at ang tinig ng kabataang handang magsilbi lagi't lagi para sa bayan. Harapin ang hamon nang buong tapang, talino, at paninindigan—suportado kayo ng aming puso’t tiwala!

‎Sulong, padayon, at patuloy na magniningning para sa Inang Paaralan at bayan!

Photos from Ang Bukal's post 15/11/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | SPTA, pinangunahan ang Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Magulang sa CBNHS-Springville

‎Ginanap ngayong Sabado, ika-15 ng Nobyembre, 2025 sa City of Bacoor National High School-Springville ang General Assembly sa pangunguna ng School Parent-Teacher Association (SPTA).

‎Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang panimulang panalangin na pinangunahan ni Vilma K. Ramos, isang opisyal sa Lupon ng mga Tagapamahala ng SPTA.

‎Pagkatapos nito, nagsagawa ang mga opisyal ng SPTA ng isang maikling ehersisyo upang ihanda ang mga magulang sa mga gawain sa pagpupulong at pasiglahin ang buong pagtitipon.

‎Kasunod ng masiglang ehersisyo bilang pampasigla ng pagtitipon, nagbahagi ng mensahe si Gng. Diana S. Velasco, Dalubg**o I, upang batiin at kumustahin ang mga magulang. Binanggit niya ang kahalagahan ng pagtitipon, sapagkat ito ang okasyon para sa pamamahagi ng mga natamong marka ng mga mag-aaral para sa ikalawang markahan.

‎Kasunod nito, ibinahagi ni Ruby J. Razon, Tagapamahala ng Pananalapi ng SPTA, ang talakayan hinggil sa Educational Trip, o mas kilala bilang field trip. Tinalakay niya ang mga lugar na bibisitahin ng mga mag-aaral, pati na rin ang iskedyul kung kailan magaganap ang nasabing aktibidad, upang mabigyan ng malinaw na gabay ang mga magulang sa pagpaplano at paghahanda.

‎Sinundan naman ito ng maikling mensahe ni Kathleen Ventura, Awditor ng SPTA kung saan ipinaliwanag ang mga pamamaraan para sa pagbabayad ng mga magulang kaugnay ng nakatakdang field trip. Ipinahayag din niya ang mga detalye upang masig**o na malinaw at maayos ang proseso para sa lahat ng kalahok sa nasabing field trip.

‎Sa gitna ng pagtitipon, binahagi ng mga opisyal ng SPTA ang kanilang mga naging donasyon upang masuportahan ang matagumpay na pagtitipon at palakasin ang layunin ng programa para sa mga magulang at g**o.

‎Pagkatapos, nagbigay ng mensahe si Gng. Clarisse Janairo tungkol sa nakatakdang field trip na gaganapin sa Disyembre 6, 2025, Sabado, na naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman, karanasan, at kasiyahan sa mga estudyante habang pinapalakas ang samahan sa pagitan ng mga g**o at mag-aaral, at hinihikayat ang lahat na maging responsable at aktibong kalahok sa bawat bahagi ng programa.

‎Sunod, iprinisenta ang mga destinasyon na pupuntahan ng mga mag-aaral sa field trip, at ipinaliwanag naman ni Jun R. Marasigan, miyembro ng Lupon ng mga Tagapamahala ng SPTA, ang mga detalye ng biyahe sa araw ng field trip.

‎Sa huli, nagpapasalamat ang SPTA sa mga dumalo at nagpaabot ng paanyaya sa lahat na patuloy na makiisa sa mga susunod pang aktibidad at programa ng samahan.

Ulat ‎ni | Kashmira Bantilan
‎Mga larawang kuha ni | Johanna Matundan


Photos from Ang Bukal's post 15/11/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | CBNHS-Springville, matagumpay na naisagawa ang Second Quarterly Card Distribution

‎Matagumpay na idinaos ng City of Bacoor National High School-Springville ang Second Quarterly Card Distribution ngayong Sabado, Nobyembre 15, 2025. Muli itong dinagsa ng mga magulang at tagapangalaga mula sa baitang 7 hanggang baitang 10, na buong siglang tumugon upang alamin ang akademikong progreso ng kanilang mga anak para sa ikalawang markahan.

‎Naging maayos at organisado ang daloy ng distribusyon, kung saan malugod na sinalubong ng mga g**o ang bawat magulang upang talakayin ang pag-unlad at pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.

‎Ilan sa mga g**o ay nagsagawa rin ng maiikling pagpupulong upang mabigyang-linaw ang mahahalagang obserbasyon sa performance ng mga bata, gayundin ang mga hakbang upang higit pang mapaunlad ang kanilang pagkatuto sa susunod na bahagi ng taon.

‎Bilang pagkilala sa sipag at dedikasyon ng mga mag-aaral, ipinagkaloob din ang mga sertipiko sa mga nakapagtamo ng karangalan sa markahang ito—isang mabilis ngunit makabuluhang pagpupugay sa kanilang pagsusumikap at patuloy na pag-abot sa kahusayan.

‎Patuloy na naninindigan ang CBNHS-Springville sa layunin nitong suportahan ang paghubog sa kalidad ng edukasyon at pagtataguyod ng matatag na ugnayan sa pagitan ng paaralan at komunidad.

09/11/2025

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | Sinuspinde ng Malacañang, sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 106, ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa Lunes, Nobyembre 10, 2025, sa National Capital Region, Cordillera, at Rehiyon I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII dahil sa hagupit ng Super Typhoon Uwan na nagdadala ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan sa Luzon.

Samantala, suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga nabanggit na rehiyon, gayundin sa Rehiyon VI, VII, at Negros Island Region sa Nobyembre 10 at 11, 2025, araw ng Lunes at Martes.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at nakaantabay sa ulat ng lagay ng panahon.

09/11/2025

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, itinaas na sa Signal No. 3 ang Cavite bunsod ng patuloy na paglakas ng bagyong Uwan at magdudulot ito ng malalakas na pag-ulan at hangin sa mga susunod na oras. Maging maingat at alerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.

Mag-iingat at manatiling ligtas, Camellans!

07/11/2025

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | Ayon kay Bacoor City Mayor Strike Revilla, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Lunes, ika-10 ng Nobyembre, 2025, sa mga pampubliko at pribadong paaralan bunsod ng masamang panahon.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatiling ligtas at manatiling nakaantabay sa mga susunod pang anunsiyo.

07/11/2025

𝗦𝗨𝗟𝗢𝗞-𝗔𝗞𝗟𝗔𝗧𝗔𝗡: 𝗣𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗼𝗸 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼

‎Bilang tugon sa layuning mapaunlad ang antas ng literasi ng mga mag-aaral, inilulunsad ng Kagawaran ng Filipino ang proyektong “Sulok-Aklatan”—isang book drive para sa bawat Camellan ng CBNHS-Springville.

‎Layunin ng proyekto na makalikom ng limampung (50) aklat na makatutulong sa paglinang ng kaalaman at pag-ibig sa pagbabasa ng bawat kabataang Camellan. Aming hinihikayat ang lahat na maghandog ng mga nobela, maikling kuwento, teksbuk, o anumang babasahing makapagpapalawak ng kamalayan ng kabataan.

‎Aming inaanyayahan ang lahat na suportahan ang aming proyekto upang patuloy na makapagbahagi ng iba't ibang aklat na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at dunong sa iba't ibang asignatura.

‎Para sa mga katanungan sa proyektong ito, i-message lamang ang page na ito ng Filipino Club; ang koordineytor sa Filipino, Ginoong Niksen Capagalan; at koordineytor sa Pagbasa, Emelia Maguddayao.

‎Ngayon pa lamang, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng makikibahagi at makikiisa! 💛



Want your school to be the top-listed School/college in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Camella Springville West, Molino 3, Bacoor City, Cavite
Bacoor
4102