10/12/2025
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | CBNHS-Springville, idinaos ang United Nations 2025
Isinagawa ngayong Martes, Disyembre 9, 2025, ang programa para sa United Nations (UN) kung saan tampok ang iba’t ibang gawain na layong palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pandaigdigang usapin, bilang bahagi ng finals, sisimulan na ang pagpili sa mga pinakamahusay na mag-aaral na nagpakitang-gilas at aktibong lumahok sa nasabing programa.
Tumulong din ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa pag-aayos at pangangasiwa ng naturang programa, na nagbigay-daan sa maayos at maorganisadong pagdaloy ng mga aktibidad, inaasahang ang mga mapipiling estudyante ay magiging inspirasyon sa kanilang kapwa mag-aaral sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng kahanga-hangang pagtatanghal ng CBNHS-Springville Drum and Lyre Band na ipinamalas ang kanilang husay sa musika at pagtugtog ng iba’t ibang instrumento.
Para sa panimulang mensahe, tinawag agad ang Officer-in-Charge (OIC) na si Dr. Edwin Ugali, na hindi lamang nagpuri sa makukulay at mahusay na napiling kasuotan ng mga mag-aaral na tunay na nagpapakita ng mayamang kultura ng iba’t ibang bansa, kundi nagpasalamat din sa dedikasyon, aktibong pakikilahok, at walang sawang suporta ng buong paaralan upang maisakatuparan ang programang ito nang may kaayusan at tagumpay.
Sinundan naman ito ng mensahe mula kay Master Teacher I, Gng. Diana DS Velasco, na buong puso ring nagpahayag ng pasasalamat sa ipinakitang pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral, g**o, at organisasyon upang maging matagumpay at makabuluhan ang buong programa.
Sinundan naman ito ng mensahe mula sa School Parent-Teacher Association (SPTA) President, Bb. Cecillia S. Matundan, na buong puso ring nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa ipinakitang suporta, dedikasyon, at pagtutulungan ng mga magulang, g**o, at mag-aaral, na nagbigay daan upang maging matagumpay, makabuluhan, at puno ng inspirasyon ang patimpalak na isinagawa sa paaralan.
Agad namang ipinakilala ni Bb. Jezalyn Abao ang mga hurado para sa programang ito, una si OIC Dr. Edwin Ugali, kasunod ang SPTA President na si Bb. Cecillia S. Matundan, sunod ang G**o ng Filipino ng Baitang 10 na si Ginoong Lawrence Capagalan, at panghuli si Gng. Charlyn Saycon, na sama-samang magbibigay ng patas at makatarungang hatol sa lahat ng kalahok.
Sinimulan na ang pagrampa sa entablado ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10, na buong sigla at husay na ipinapakita ang iba’t ibang kultura, tradisyon, at sining ng mga bansang kanilang pinili, na nagbigay ng makulay at kahanga-hangang karanasan sa lahat ng manonood.
Kasunod naman ang tanong at sagot para sa mga nagwagi mula sa nangungunang 10, agad na ipinahayag ng mga hurado ang kanilang mga tanong, at ang mga nakapasok sa nangungunang 10 ay sinagot ito nang may husay at talino.
At sa huli, opisyal na idineklara ang mga kampyon ng patimpalak, kung saan hinirang na Mr. UN 2025 si AJ Salaverria mula sa 8-Bougainvillea, at Ms. UN 2025 si Aiyesha Moyano mula sa Baitang 8-Hyacinth, na parehong nagpakita ng kakaibang husay, galing, at inspirasyon sa buong kompetisyon.
Ulat ni | Kashmira Bantilan
Mga larawan ni | Johanna Kate Matundan
28/11/2025
27/11/2025
21/11/2025
16/11/2025
15/11/2025
15/11/2025
09/11/2025
09/11/2025
07/11/2025
07/11/2025