KMAP - CBNHS Salinas

KMAP - CBNHS Salinas

Share

This is the official page of Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan (KMAP) CBNHS-SALINAS.

04/10/2025

Maligayang Kaarawan ng mga G**o, Ginoong Ivan Cantela! ๐ŸŽ‰

Isang mainit-init na pagbati ng maligayang kaarawan ng g**o sa aming iginagalang na G**o sa Araling Panlipunan at Tagapayo ng KMAP, Ginoong Ivan Cantela.๐Ÿ’™

Ang inyong sigla sa pagtuturo, malikhain at makabagong pamamaraan, at malasakit sa mga mag-aaral ay tunay na inspirasyon sa amin.

Bilang aming KMAP Adviser, labis naming pinahahalagahan ang inyong pamumuno, pagiging huwaran, at dedikasyon sa pagpapalago ng aming organisasyon. Ang inyong pagiging maunawain, masipag, at magiliw sa pagtuturo ay nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa sa amin na pagbutihin ang aming pag-aaral at pakikitungo sa kapwa.๐Ÿ“š

Nawaโ€™y maging masaya, makabuluhan, at puno ng biyaya ang kaarawan ng mga g**o. Hiling namin ang patuloy ninyong kalusugan, kasiyahan, at tagumpay sa inyong propesyon bilang isang g**o na tunay na may puso at dedikasyon sa serbisyo.
๐Ÿ’™๐Ÿซก
Muli, Maligayang Kaarawan ng G**o sa inyo, Ginoong Ivan Cantela! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚




**ongPilipinoParasaBatangPilipino



๐Ÿ–ผ๏ธ:Gerald Varron(KMAP PRESIDENT)
โœ๏ธ:Gerald Varron (KMAP PRESIDENT)

Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 03/10/2025

Maligayang Araw ng mga G**o!

Ngayong araw, Oktubre 3, 2025, araw ng Biyernes, ay ipinagdiwang sa CBNHS Salinas ang Araw ng mga G**o. Sa selebrasyong ito, sama-samang nagkaisa ang mga g**o at mag-aaral upang bigyang-pugay at pasasalamat ang mga g**o na nagsisilbing gabay, inspirasyon, at pangalawang magulang ng bawat estudyante.๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ

Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang paggalang at pagmamahal sa pamamagitan ng mga handog na programa, awitin, at simpleng sorpresa na nagbigay saya sa kanilang mga g**o. Ang nasabing pagdiriwang ay hindi lamang isang okasyon ng kasiyahan, kundi isang makabuluhang paalala na ang dedikasyon, sakripisyo, at malasakit ng mga g**o ang siyang nagsisilbing ilaw at lakas ng kabataan tungo sa kanilang kinabukasan.


**ongsalinashines


**ongPilipinoParasaBatangPilipino

12/09/2025

091325 | Curtneyโ€™s Day!

HAPPY BIRTHDAY! (์ƒ์ผ ์ถ•ํ•˜ํ•ด์š”!) ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚โœจ

Curtney Guerra | Grade 9-Representative

Dear Curtney,

We, your KMAP Fam, just want to let you know how happy we are to celebrate this special day with youโ€”even from afar. You deserve all the love, laughter, and happiness in the world today and always.

We truly hope that all your prayers and wishes will come true in the right time. Youโ€™ve been such an inspiration to us, and weโ€™re so grateful for the joy and light you bring into our lives.

Please enjoy your day to the fullest, create memories youโ€™ll always cherish, and remember that you are never aloneโ€”weโ€™re always here to support you, cheering you on in every step of your journey. ๐Ÿ’๐Ÿ’–

๐Ÿ“:Gerald Varron | President
๐Ÿ–ผ๏ธ:Gerald Varron | President

05/09/2025

Sa pagdiriwang ng National Teachers' Month na may temang "Together4Teachers: Celebrating the Heart of Education", buong puso ang pakikiisa ng City of Bacoor National High School โ€“ Salinas at ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan sa pagkilala sa di-matatawarang ambag ng mga g**o sa paghubog ng kabataan at ng kinabukasan ng bayan.

๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ Sa bawat aralin, gabay, at pang-unawaโ€”ang mga g**o ang tunay na puso ng edukasyon.
Ngayong buwan, ating ipagdiwang ang kanilang dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtuturo.

๐Ÿ’ Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na makiisa sa mga aktibidad na inihanda bilang pasasalamat at pagpupugay sa ating mga g**o! Antabayan lamang ang iba pang anunsyo sa ating Facebook Official Page.

MABUHAY ANG MGA G**O NG BAYAN! ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ
๐ŸŽ

๐Ÿ“ธ Ibahagi ang inyong mensahe, larawan, o alaala kasama ang inyong g**o gamit ang hashtag:
**ongSalinashines **ongPilipino **ongPilipinoParasaBatangPilipino

31/08/2025

083125 | Ruiโ€™s Day!

HAPPY BIRTHDAY! (์ƒ์ผ ์ถ•ํ•˜ํ•ด์š”!) ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚โœจ

Rui Prudencio | Grade 9-Representative

Dear Rui,

We, your KMAP Fam, just want to let you know how happy we are to celebrate this special day with youโ€”even from afar. You deserve all the love, laughter, and happiness in the world today and always.

We truly hope that all your prayers and wishes will come true in the right time. Youโ€™ve been such an inspiration to us, and weโ€™re so grateful for the joy and light you bring into our lives.

Please enjoy your day to the fullest, create memories youโ€™ll always cherish, and remember that you are never aloneโ€”weโ€™re always here to support you, cheering you on in every step of your journey. ๐Ÿ’๐Ÿ’–

๐Ÿ“:Gerald Varron | President
๐Ÿ–ผ๏ธ:Gerald Varron | President

Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 29/08/2025

๐ŸŒ๐Ÿ“– SAMPAYAN NG KASAYSAYAN ๐Ÿ“–๐ŸŒ | Ikawalong Baitang

Ngayong Agosto 29, 2025, ipinagpatuloy ng mga mag-aaral ng Ikawalong Baitang ang kanilang paglalakbay tungo sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan sa pamamagitan ng BAKAS (Buhay at Aral ng Kasaysayan).

Sa Ikalawang Araw ng BAKAS, tampok ang pagtalakay sa Mga Mahahalagang Kabihasnan sa Daigdig na nagbigay-daan sa pag-usbong ng ibaโ€™t ibang aspeto ng pamumuhay ng taoโ€”mula sa politika, ekonomiya, sining, hanggang sa agham at kultura. ๐ŸŒฟ๐Ÿ›๏ธโš–๏ธ

๐Ÿ‘ Ang gawaing ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2025 na may temang โ€œDiwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan.โ€ Isang paalala na ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi lamang pagbabalik-tanaw, kundi paghuhubog din ng mas matatag at makabuluhang kinabukasan. โœจ




Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 29/08/2025

๐Ÿ“šโœจ Historia-Quiz Bee 2025: Final Round (Ikapitong Baitang) โœจ๐Ÿ“š

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan 2025 na may temang โ€œDiwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataanโ€, matagumpay na isinagawa ngayong Agosto 29, 2025 ang Final Round ng Historia-Quiz Bee sa kani-kanilang klase. ๐ŸŽ‰

๐Ÿ‘ Narito ang mga nagwagi at tinanghal na KAMPEON sa patimpalak:

๐Ÿ† Kiyoko Luisa L. Indaya
๐Ÿ† Maia Angela F. Maranion
๐Ÿ† Lorraine B. Caldo
๐Ÿ† Arwen Sophia C. Vallejos
๐Ÿ† Dhanica R. Palmon
๐Ÿ† Dona Grace O. Bustarde
๐Ÿ† Shinichi Luis M. Garcia

Isang pagbati at pagpupugay sa inyong lahat! ๐ŸŽ–๏ธ Ang inyong talino at sipag ay tunay na patunay na buhay at patuloy na sumisigla ang diwa ng kasaysayan sa puso ng kabataan. โค๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ




Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 28/08/2025

๐ŸŒ BAKAS: Mga Mahahalagang Kabihasnan sa Daigdig
๐Ÿ“… Agosto 28, 2025 | Buwan ng Kasaysayan
๐ŸŽ‰ Tema: "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan"

Ngayong araw, ipinamalas ng mga mag-aaral sa Ikawalong Baitang ang kanilang kaalaman, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kasaysayan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng BAKAS: Mga Mahahalagang Kabihasnan sa Daigdig.

๐Ÿ“– Tampok sa aktibidad ang mga sinaunang kabihasnan na nag-iwan ng mahalagang bakas sa kasaysayan ng mundo.

Sa pamamagitan ng mga visual presentation, maikling talakayan, at malikhaing outputs, naipakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng bawat kabihasnan sa paghubog ng kasalukuyang lipunan.

๐Ÿ‘ Isang masigabong pagbati sa lahat ng kalahok at g**o na naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang!

Ang kasaysayan ng daigdig ay salamin ng ating pag-unlad bilang sangkatauhan.

Ang mga larawan ay kuha ni Gng. Shinedy De Guzman.








Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 14/08/2025

๐Ÿ–ผ๏ธ๐Ÿง PHOTO-EXHIBIT, GALLERY WALK at HISTORIA-QUIZ BEE 2025 โ€“ Elimination Round

๐Ÿ“š BUWAN NG KASAYSAYAN 2025
๐ŸŽ‰ Tema: "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan"
๐Ÿ“… Agosto 14, 2025

Ngayong araw, ipinamalas ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ang kanilang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kasaysayan sa pamamagitan ng tatlong makabuluhang gawain.

Tampok sa eksibit ang mga larawan, impormasyon, at malikhaing presentasyon tungkol sa Kasaysayang Lokal ng Bacoorโ€”mula sa mga makasaysayang lugar, mahahalagang pangyayari, hanggang sa mga kilalang personalidad na nag-ambag sa kasaysayan ng lungsod. Isang paglalakbay sa nakaraan na nagbibigay saysay sa kasalukuyan!

Isinagawa rin sa kani-kanilang mga klase ang elimination round ng Historia-Quiz Bee, kung saan sinubok ang talas ng isipan ng mga mag-aaral sa larangan ng kasaysayan. Ang mga magwawagi ay magpapatuloy sa susunod na yugto ng patimpalak!

๐Ÿ‘ Isang masigabong pagbati sa lahat ng kalahok at g**o na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad!

Ang kasaysayan ay hindi lamang binabasaโ€”ito ay isinasabuhay at ipinapamana.

Ang mga larawan ay kuha nina Bb. Regine Magbanua at Gng. Annaliza Villarin







Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 12/08/2025

๐Ÿ“ธ PHOTO-EXHIBIT: MGA LIDER NG EKONOMIYA
๐Ÿ“… Agosto 12, 2025 | Buwan ng Kasaysayan

๐ŸŽ‰ Tema: "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan"

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan, itinanghal ngayong araw ang isang Photo-Exhibit ng mga mag-aaral sa Ika-Siyam na Baitang na tampok ang mga naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas at ang kanilang mga nagawa sa larangan ng ekonomiya.

Sa bawat larawan at paliwanag, masusuri ang mga hakbang, programa, at patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng bawat administrasyonโ€”mula sa mga reporma sa agrikultura, imprastruktura, kalakalan, hanggang sa mga tugon sa krisis.

๐ŸŽฏ Layunin ng exhibit na:

๐Ÿ“ŒPalalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysayan ng pamahalaan at ekonomiya,

๐Ÿ“Œ Pahalagahan ang kontribusyon ng bawat lider sa pag-unlad ng bansa, at

๐Ÿ“Œ Hikayatin ang kabataan na maging mapanuri at makabansang mamamayan.

๐Ÿ‘ Isang masigabong pagbati sa lahat ng kalahok sa exhibit!
Ang kasaysayan ay hindi lamang nakaraanโ€”ito ay gabay sa kinabukasan.

Ang mga larawan ay kuha nina Gng. Charmagne Olba at Gng. Justine Fay Refuerzo.

Photos from KMAP - CBNHS Salinas's post 09/08/2025

๐Ÿ“œ Pakinggan, SALINASHINES! ๐Ÿ“œ
Sa bagong kabanata ng ating kasaysayan sa taong pampaaralan 2025, ipinapakilala ang

โœจPiling-Pili at Opisyal na mga Tauhanโœจ

Hindi lamang sila pang-profile picture โ€” sila ang magiging bida sa ating mga proyekto, kaganapan, at mga kuwentuhan sa buhay sa organisasyon.

๐Ÿ“ฃ Kilalanin ang Pangulo na tulad ni Andres Bonifacio โ€” matatag kahit pagod, ang Pangalawang Pangulo na may karisma at estratehiya gaya ni Apolinario Mabini, at ang Kalihim na parang mensahero ng ating bayan โ€” handang magtala ng bawat mahalagang pangyayari.

Sila ang grupo na may talino, puso, at mahabang pasensya โ€” para sa iyo, para sa atin, at para sa bayan (at sa lahat ng school events ๐Ÿ˜…).

Kayaโ€™t SALINASHINES?โœจ๐Ÿชฉ Ihanda ang inyong palakpak, hiyawan, at makasaysayang pagtanggap sa:
๐Ÿ”ฅ 2025 KMAP OFFICERS! ๐Ÿ”ฅ
Isang taon ng makabuluhang plano, makasaysayang pasabog, at sorpresang tatatak sa ating kasaysayan ๐Ÿ‘€๐Ÿ’ฅ.

๐Ÿ–ผ๏ธ: Gerald Varron โ€” President
โœ๏ธ: Mariano, Mark โ€” P.I.O



Want your school to be the top-listed School/college in Bacoor?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Mercury Street , Camella Homes, Salinas 2D, Bacoor City, Cavite
Bacoor
4102

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm