26/05/2023
Goodluck to those future student leaders of Eastern!
CALL FOR CANDIDATES IN THE UPCOMING SSLG ELECTIONS S.Y. 2023-2024
Hello, Easternian! Are you an aspiring student leader who has ambitions to bring change in our school and be the voice of the student body? Great news! The Supreme Student Government (SSG), to be renamed as the Supreme Secondary Learner Government (SSLG), is looking for candidates in the upcoming elections to be held on June 15-16.
Students are encouraged to form parties, and you may already file your candidacy for the following positions: President, Vice President, Secretary, Treasurer, Auditor, Protocol Officer, Public Information Officer in Filipino and English, and Year Level Representative. Should you have any concern or interest, you may contact Ms. Maricel Columna-Umayam – SSG Adviser.
May we have a fresh line up of courageous, strong-willed student leaders for the upcoming school year!
01/11/2022
HAPPY HALLOWEEN, EASTERNIANS! 🎃
Ano'ng mas nakakatakot, makita siyang may mahal nang iba o makita ang score mo sa periodic exams? Charot. Kahit ano pang results, proud ang Eastern Family sayo for doing your very best! :))
For now, relax ka muna and join us as we celebrate the annual Halloween season in Silangan.
Happy Halloween, Easternians!
You can access our frame here!
https://twb.nz/ebnhshalloween
30/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat Easternians! Malugod naming ipinapakilala at binabati ang mga mahuhusay, matatapang at mapagkakatiwalaang mga nanalo na mga kandidato para sa SSG Elections 2022-2023 na ginanap noong Setyembre 27-28, 2022.
Sila ang mga matitibay, malalakas at nagwaging titindig upang panindigan ang kanilang mga pangako at platapormang inihatag nila mula sa halalan para sa mga estudyante ng ating paaralan.
Kilalanin sila at alamin ang mga botong nakuha nila upang magtagumpay at manaig sa laban!
Ang mga sumusunod na kandidato ang inaasahang uupo sa kanilang nakaatang na posisyon bilang mga bagong SSG Officers ng Eastern Bacoor National High School.
President:
•PATRICK JAMES D. BUENAFE
Vice President:
•PATRICK S. CLEOPE
Secretary:
•EUNIQUE MAE D. PAMINTUAN
Treasurer:
•SOPHIA FENELLA D. DE LOS SANTOS
Auditor:
•RANDOLPH D. MENDOZA
PIO in Filipino:
•MA. ANGELICA S. SUELO
PIO in English:
•RADCHELA MAY IVY N. MANANSALA
Protocol Officer:
•BEA C. VALENZUELA
G7 Representatives:
•JACELLE L. POLANCOS
•MA.STEFHANIE L. PANCHO
•MA.CRISTINA V. ABITANG
•REIMIELLE JENSINE R. HERNANDEZ
G8 Representatives:
•PRINCESS MYLAH D. HERNANDEZ
•RODOLFO CHARLES M. NAVIO
•LASHLEY C. ABAD
•LIANA GHERI ANNE G. REMIGIO
G9 Representatives:
•REIGN JENESIS R. HERNANDEZ
•WYNNAH FRANCEZCA DE JESUS
•ARGEN C. ARNADO
•BREANNA ZOPHIA A. BENTIR
G10 Representatives:
•ZAILEE BUSTAMANTE
•KATE CHRISTINE S. DE GUZMAN
•LADY MIKAELA S. MACARANAS
•JASMINE M. OLVIDA
30/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat Easternians! Nais ipabatid ng Youth COMEA (Youth Commission on Elections and Appointments) na matagumpay, maayos at payapa nating naisagawa ang SSG Elections nitong nakaraang Setyembre 27-28, 2022.
Matapos ang pangangampanya ng mga kandidato sa pamamagitan ng ating mga online platforms, pormal nang bumoto ang 2,492 na mag-aaral ng Eastern Bacoor National High School mula sa ika-7 hanggang ika-10 baitang ng parehong SET A at SET B ng mga seksyon.
Matapos ang mabusisi at maayos na pagbibilang ng mga boto sa loob ng dalawang araw, narito na ang opisyal na resulta ng nasabing halalan.
Makikita sa mga larawan sa ibaba ang detalyadong bilang ng mga boto mula sa lahat ng mga estudyanteng bumoto sa mga araw ng eleksyon at ang opisyal na bilang ng kabuuang boto na nakuha ng bawat kandidato.
Taos puso naming binabati ang lahat ng mga tumakbong kandidato ngayong SSG Elections 2022-2023 at nagpapasalamat ang Youth COMEA kasama ang ating COMEA Commissioner na si Gng. Lovely Sanchez De Duzman sa pakikiisa at pagsuporta ng mga g**o at ng ating Punong-g**o na si Dr. Alfredo N. Sarabusab.
26/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Isang malamig na gabi Easternians!
Malamig man ang inyong mga gabi, naririto naman ang K*K (Kilusang Kabataan para sa Kinabukasan) upang ipakita ang kanilang naglalagablab na damdamin para ipahayag ang kanilang paninindigan sa kanilang pagtakbo para maupo at mapabilang sa pwesto ng isa sa mga SSG Officers na maglilingkod sa ating paaralan.
Ngayong nalalapit na ang halalan, kilalanin sila at kanilang mga plataporma tungo sa kanilang campaign video!
23/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat Easternians! Nais ng COMEA-EBNHS ipabatid sa inyo na ang nalalapit na halalan ng ating mga bagong SSG Officers ay gaganapin sa Setyembre 27 at Setyembre 28 ng kasalukuyang taon.
Inaasahan po namin ang inyong boluntaryong pakikiisa at masidhing suporta sa pagsasagawa ng isang matiwasay at matagumpay na halalan. Nawa'y suportahan niyo po ang mga kandidatong napupusuan niyo at nararapat sa puwesto.
Kaya naman sa darating na halalan, ang lahat ng bumubuo ng COMEA sa pamumuno ng ating COMEA Commissioner na si Gng. Lovely Sanchez De Guzman, makakaasa po kayong kami ay maghahatid at magseserbisyo nang isang balanse, pantay, patas at walang kinikilingang halalan.
Kaya't ano pang hinihintay niyo? Kilalanin na ang ating mga kandidato at pumili ng inyong dapat iboto!
23/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Magandang Umaga, Easternians!
Narito na ang mga pinal at opisyal na mga mahuhusay, magigiting at mapagkakatiwalaang miyembro na bumubo ng Youth COMEA (Youth Commission on Elections and Appointments) sa pamumuno ng ating Youth COMEA Commissioner na si Gng. Lovely Sanchez De Guzman.
Inaasahan po naming lahat ang inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa pagdaraos ng isang maayos at matagumpay na halalan. Maraming Salamat po!
18/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Magandang araw Easternians! Malugod na ipinakikilala ng EBNHS SSG Comelec ang magkatunggali para sa posisyong PRESIDENT
Mula sa partido SIBOL, narito si Buenafe, Patrick James D. at sa kabilang partido na K*K si Francisco, Prince Roemar B.
Ipakita natin sa kanila ang inyong masigabong suporta para sa darating na halalan!
18/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Magandang araw Easternians! Malugod na ipinakikilala ng EBNHS SSG Comelec ang magkatunggali para sa posisyong VICE PRESIDENT
Mula sa partido SIBOL, narito si Cleope, Patrick Al S. at sa kabilang partido na K*K si Sabalza, Sergy Ann E.
Ipakita natin sa kanila ang inyong masigabong suporta para sa darating na halalan!
18/09/2022
Kasangga sa laban, sigaw Silangan!
Magandang araw Easternians! Malugod na ipinakikilala ng EBNHS SSG Comelec ang magkatunggali para sa posisyong SECRETARY
Mula sa partido SIBOL, narito si Pamintuan, Eunique Mae D. at sa kabilang partido na K*K si Arevalo, JJ Louisse Andrea
Ipakita natin sa kanila ang inyong masigabong suporta para sa darating na halalan!