01/09/2024
Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga mag-aaral at kanilang mga magulang na nakilahok sa pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA na may temang, Filipino: Wikang Mapagpalaya. Ito ay isang pagkakataon upang bigyang-pugay ang Filipino bilang opisyal na wika ng Pilipinas at upang muling pag-isipan ang ating pambansang identidad.
Sinimulan ang program sa pagdarasal, pagkanta ng pambansang awit at ibinida din ang iba't ibang palarong pinoy. Nagkaroon din ng pagkakataon na magtanghal ang ating mga mag-aaral at sabayan kinanta ang "AKO AY MAY LOBO", pinagsaluhan din namin ang iba't ibang pagkain pinoy at nagbigay karangalan sa mga mag-aaral na nagpakita ng kani-kanilang galing sa parada at indibidwal na pagpapakilala ng kanilang mga pambansang kasuotan.
Muli, maraming salamat po at MABUHAY ANG MGA FILIPINO at ang bansang PILIPINAS 🇵🇭