09/08/2026
Gawain: Ang Pangarap sa Ibayo
Panuto: Basahin at suriin ang maikling senaryo sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong sa pamamagitan ng pag-comment sa post na ito gamit ang format na ito:
Apelyido, Pangalan
Baitang at Pangkat
Mga Sagot:
1.
2.
3.
Ang Senaryo:
Si Mang Jun ay isang skilled welder sa isang lokal na talyer sa lalawigan. Ang kanyang buwanang kita ay sapat lamang sa pagkain at kaunting bayarin ng pamilya. Nais niyang mapagtapos ng kolehiyo ang kanyang tatlong anak, kaya naman nang makakita siya ng recruitment ad sa Facebook para sa isang lehitimong kompanya sa Middle East na nag-aalok ng triple ng kanyang kasalukuyang sweldo, nagpasya siyang mag-apply at agad namang natanggap.
Makalipas ang isang taon, nakalipat na sa mas maayos na bahay ang kanyang pamilya at nakabili ng mga bagong gadget ang kanyang mga anak para sa pag-aaral. Gayunpaman, dahil sa magkaibang time zone, madalas ay hindi sila nagkakatugma ng oras sa pagtawag. Ang kanyang panganay na anak ay napansin ng mga g**o na madalas nang lumiban sa klase at bumababa ang mga marka dahil sa kawalan ng personal na gabay ng ama, habang ang kanyang asawa naman ay nakararamdam ng labis na stress sa pagiging solo parent.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging positibong implikasyon sa ekonomiya ng pamilya ni Mang Jun (at sa pangkalahatang konsumo ng bansa) ng kanyang pangingibang-bansa?
2. Ano-ano ang mga negatibong implikasyon sa pamumuhay at pamilya na ipinakita sa senaryo?
3. Kung ikaw ang isa sa mga anak ni Mang Jun, ano ang maaari mong gawin o ipangako sa iyong mga magulang upang masig**o na hindi masasayang ang sakripisyo ng iyong ama sa ibang bansa?
⚠️ Paalala: Ang inyong mga sagot ay dapat binubuo ng 5 hanggang 8 pangungusap sa pangkalahatan. Maging magalang sa pagtugon. Ang deadline ng pag-comment ay mamayang 11 AM, ngayong araw. Sagot na lamang ang ilalagay sa comment section, ngunit lagyan ito ng bilang.
Iwasan ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI). Sagutin ang gawain ayon sa iyong kaalaman. Iwasan din ang pagkakapareho ng iyong sagot sa iyong kaklase.