12/09/2026
Buwan ng Wikang Pambansa 2026!
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Noong Agosto 28, 2026 buong galak nating ipinagdiriwang sa Citiville Christian Academy ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 - isang pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa ating Wikang Filipino, kultura, pagkakakilanlan, at makabagong teknolohiya.
Sa pamamagitan ng iba't ibang gawaing inihanda ng ating mga mag-aaral, naipamalas nila ang kanilang pagkamalikhain, talino, husay, at pagmamahal sa sariling wika. Mula sa paggawa ng poster at slogan, pagpapakilala ng iba't ibang dayalekto, pagbigkas ng tula, at iba pang makabuluhang gawain, naging makulay at makabuluhan ang ating pagdiriwang.
Sa panahon na mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence, patuloy nating itinataguyod ang paggamit ng Wikang Filipino bilang tulay sa kaalaman at pananaliksik, habang pinahahalagahan ang ating kultura at pagka-Pilipino.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang kulturang Pilipino!
Mabuhay ang kabataang may talino, puso at pagmamahal sa bayan!❤🇵🇭