UNO-R Integrated School N-10

UNO-R Integrated School N-10

Share

This is the official page of UNO-R Integrated School N-10.

Photos from Starlight N-10's post 20/08/2026

๐—œ๐—ฆ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ง๐—– ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€

๐”๐๐€๐๐† ๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐†. Isinagawa ng Integrated School N-10 ang Parent-Teacher Conference (PTC) at pamamahagi ng mga report card para sa Unang Kalahati ng Unang Termino La Salud Building, Agosto 20.

Layunin ng programa na mabigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga magulang at g**o sa pagsubaybay sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral.

Dagdag pa rito, ipinamalas sa programa ang Augustinian Core Values ng Komunidad at Katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga magulang at g**o upang matulungan ang bawat mag-aaral at maipakita ang kanilang tunay na progreso, kaugnay nito, sinusuportahan din ng programa ang Sustainable Development Goal 4 (De-Kalidad na Edukasyon) sa pamamagitan ng pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at patuloy na suporta sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Balita | Maive Gallo
Mga Litrato | Jerry Terry


Photos from Starlight N-10's post 19/08/2026

๐—จ๐—ก๐—ข-๐—ฅ ๐—œ๐—ฆ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐˜‡๐—ฒ๐—ธ๐—ถ๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ผ

๐‹๐€๐Š๐๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐’๐€. Nakiisa ang mga g**o at piling mag-aaral ng Integrated School N-10, kasama ang mga mag-aaral sa Baitang 11-12, kolehiyo, organisasyong panrelihiyon, at mga kawani ng University of Negros Occidental-Recoletos sa โ€œWalk for Healingโ€ bilang paggunita sa Kapistahan ni San Ezekiel Moreno, mula Capitol Lagoon hanggang University Gymnasium, Agosto 19.

Sinimulan ang alay-lakad bilang pagpapakita ng pagkakaisa at panalangin para sa mga may karamdaman, partikular na sa mga pasyenteng may kanser. Nakiisa rin dito ang mga mag-aaral mula sa Baitang 10 San Possidius at Santa Rita ng Cascia.

Sinundan ito ng isang banal na misa sa University Gymnasium na pinangunahan ni Rev. Msgr. Ronaldo S. Quijano, STHD, Vicar General ng Diyosesis ng Bacolod, kasama ang mga paring Order of Augustinian Recollects.

Nagtapos ang misa sa panalangin sa pamamagitan ni San Ezekiel Moreno at pagbabasbas sa banal na relikya.

Binigyang-diin sa pagdiriwang ang Augustinian Core Value na Community, na makikita sa sama-samang paglalakad at pagdarasal para sa kapwa, gayundin ang Sustainable Development Goal 3 (Mabuting Kalusugan at Kagalingan) sa pagbibigay-pansin sa kalusugan at kapakanan ng mga taong may karamdaman.

Balita | Jerry Terry
Mga Litrato | Sophia Perez, Zian Oraiz


Photos from Starlight N-10's post 19/08/2026

๐—•๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด 9 ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ

๐’๐€๐Œ๐€-๐’๐€๐Œ๐€, ๐๐€๐๐“๐€๐˜-๐๐€๐๐“๐€๐˜. Lumahok ang mga mag-aaral ng Baitang 9 mula sa Integrated School N-10 sa seminar na Gender and Development na inorganisa ng Student Development Placement Center na may temang "Beyond Stereotypes: Building a Culture of Respect, Rights, and Equal Action in Our School," at na idinaos sa La Salud Activity Center, ika-18 ng Agosto.

Matapos ang panalangin at pag-awit ng pambansang awit, nagbigay ng pambungad na pananalita si G. Lorence Macahilig, ang Guidance Counselor ng Baitang 9-10, na sinundan naman ng isang icebreaker.

Sumunod dito ang talakayan ni G. Ezra Lloyd Eda, kung saan tinalakay ang mga paksa tungkol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagkakakilanlan, kalakip ang mga impromptu na aktibida.

Hinikayat ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga saloobin sa bahagi ng Question and Answer, na sinundan naman ng paggawad ng sertipiko kay G. Eda.

Nagtapos ang programa kasama ng mensahe ni G. Macahilig.

Bukod dito, mariing itinaguyod ng sesyon ang Sustainable Development Goal 5 (Pagkakapantay-pantay ng Kasarian) at ang Augustinian Core Value na Interioridad sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mag-aaral na magnilay sa kahalagahan ng paggalang at pagpapahalaga sa bawat indibidwal, anuman ang kanilang kasarian.

Balita | Janella Alcosaba
Mga Litrato | Queenie Mondia


18/08/2026

| In view of the Feast of St. Ezekiel Moreno, Patron Saint of the Order of the Augustinian Recollects in the Philippines, tomorrow, which coincides with the ISO 21001:2018 Stage 2 Visit, please take note of the following reminders:

1. Participants for the Feast Day activities are those identified by the Campus Ministry Office (MEM-CMO502-039).

2. Classes at all levels will be suspended tomorrow to give everyone the chance to participate in the activities for the Feast Day of St. Ezekiel.

However, for College of Education and College of Information Technology, classes for major courses will be conducted from 7:30AM-12NN. Classes in these colleges will be suspended starting 1PM only.

3. Offices will resume after the Holy Mass and will continue until the last hour in the afternoon in view of the ISO Stage 2 Audit.

4. In case it rains, the Walk for Healing will be held inside the vicinity of the University.

15/08/2026

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—š๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป, ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ

๐†๐ˆ๐๐“๐Ž๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜. Umarangkada ang magkapatid na sina Sabrina Fatima at Patricia Grace Gapulan mula sa Unibersidad ng Negros Occidental-Recoletos (UNO-R) matapos sungkitin ang dalawang gintong medalya sa Provincial Inter-School Taekwondo Championships na ginanap sa Tanjay, Negros Oriental, ika-15 ng Agosto.

Sa loob lamang ng pitong araw, mabilis na umangat ang magkapatid na sina Sabrina, mag-aaral sa ikalimang baitang, at Patricia, mag-aaral sa ikatlong baitang, mula sa kanilang pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasunod, sa Visayas Age Group Taekwondo Championship noong Agosto 8-9 sa Iloilo City patungo sa sukdulang tagumpay.

Bukod sa kanilang sariling tagumpay, ang panalo ng magkapatid ay nagpapatibay sa patuloy na kahusayan ng UNO-R sa paglinang ng mga batang atleta.

Balita | Aerielle Maraรฑon
Disenyong Grapiko | Elisha Nicor


15/08/2026

Happy Miss Pearl Day! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Wishing you a day filled with joy, laughter, and meaningful moments with your loved ones. Thank you for your dedication, passion, and commitment to shaping young minds. May this year bring you good health, happiness, success, and countless blessings.

Have a wonderful birthday celebration!

Greetings from your UNO-R Integrated School N-10 family!

Photos from Starlight N-10's post 14/08/2026

๐—๐—›๐—ฆ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜†

๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ. Ipinamalas ng mga Baitang 7-10 mula sa Integrated School N-10 ang kanilang pagiging makabayan bilang mga Pilipino para sa Larong Pinoy ng Araw Ng Lahi na nakatuon sa temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Kayamanan ng Impormasyon," sa University Gymnasium, ika-14 ng Agosto.

Nagsimula ito sa isang masiglang sayaw na pinangunahan ng mga miyembro ng Samahang K at La Salud Dance Troupe, na tumulong sa bawat mag-aaral na mag-inat ng katawan at magkaroon ng sigla bago ang unang laro.

Pagkatapos ng sayaw nagsimula ang mga Larong Pinoy, nagtatampok ng Pera o Bayong, Pagpunta sa Palengke, Karera sa Sako, at Hatakan-Lubid.

Ang ikasunod ng programa, ay ang mensahe ng katuwang na punongg**o si G. John Carlo Tomesa, at ang huling bahagi ang pagkanta ng Alma Mater.

Bukod rito, nagkakaroon ng pantay na pagkakataon ang bawat mag-aaral na sumali sa anumang uri ng palakasan, basta't sila ay may kagustuhang lumahok sa Sustainable Development Goal 5 (Pagkakapantay-pantay ng Kasarian) kung saan nakikilahok ang lahat na estudyante, at na lumilikha ng ligtas na kapaligiran para na nagtataguyod ng mga pagpapahalagang Augustinian Core Value ng Komunidad.

Nasa ibaba ang mga antas na nakatanggap ng pagkilala:

Pera o Bayong
๐Ÿ…Miggy Zulueta (10-SJS)

Pagpunta sa Palengke
๐Ÿฅ‡Baitang 8
๐ŸฅˆBaitang 10
๐Ÿฅ‰Baitang 9
๐Ÿ…Baitang 7

Karera sa Sako
๐Ÿฅ‡Baitang 8
๐ŸฅˆBaitang 9
๐Ÿฅ‰Baitang 10
๐Ÿ…Baitang 7

Hatakan-Lubid
๐Ÿฅ‡Baitang 9
๐ŸฅˆBaitang 8
๐Ÿฅ‰Baitang 10
๐Ÿ…Baitang 7

Kabuuan
๐Ÿฅ‡Baitang 8
๐ŸฅˆBaitang 9
๐Ÿฅ‰Baitang 10
๐Ÿ…Baitang 7

Balita | Maria Daguisonan, Jerry Terry
Mga Litrato | Janell Cantanilla


Photos from Starlight N-10's post 14/08/2026

๐—๐—›๐—ฆ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ถ

๐๐€๐†-๐€๐‹๐€๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐’๐€๐˜๐’๐€๐˜๐€๐. Nagdiwang ng kultura at nagbigay-pugay ang mga mag-aaral sa Baitang 7-10 ng Integrated School N-10 para sa Araw ng Lahi na may temang "Wikang Filipino at AI: Katuwang sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" sa University Gymnasium, ika-14 ng Agosto.

Matapos ang masiglang panimula sa pamamagitan ng Pambungad na Pagpasok, lalong sumigla ang palatuntunan dahil sa mga pang-aliw na bilang nina Micah Mendoza at Asket Catacutan mula sa Baitang 9, ng Teatro de la Salud, at ng La Salud Dance Troupe (LSDT) kasama si Johan Robit mula sa Baitang 10.

Sinundan ito ng panalangin at pag-awit ng pambansang awit ng La Salud Chorale, at ng mga pagtatanghal-musikal nina Jeiane Samante at Cattaleya Tupas mula sa Baitang 8.

Pinangunahan naman ni G. Karl Pastor, ang Koordineytor sa Filipino, ang pagpapakilala sa Lupon ng mga Hurado para sa patimpalak na Lakan at Lakambini.

Matapos aliwin ng duetong pang-tinig nina Frichae Tordesillas at Rowen Sison mula sa Chorale, natuon ang mata ng lahat sa malaking screen para sa pagpapalabas ng film parody ng bawat antas.

Nagkaroon din ng duetong pang-tinig sina Johan Robit at Charles Urbano at pagtatanghal ng LSDT na sinundan naman ng pagkilala sa mga nagwagi.

Bukod dito, pinalakas ng nasabing aktibidad ang diwa ng Augustinian Core Value ng Komunidad at ang Sustainable Development Goal 16 (Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na Institusyon) habang nagsasama-sama ang mga mag-aaral upang ipagdiwang ang kultura bilang isang pamayanan.

Narito ang mga mag-aaral na kinilala sa bawat kategorya:

Trailer Parody
๐Ÿฅ‡10-SS
๐Ÿฅˆ9-SADO
๐Ÿฅ‰9-BMSJ

Paskilan
๐Ÿฅ‡8-SJOS
๐Ÿฅˆ8-BVSA
๐Ÿฅ‰8-BMSNT

Sining ng mga Kulay (E-Poster)
๐Ÿฅ‡Blue Arellano (9-BFDJ)
๐ŸฅˆAlexandra Adolfo (10-BHU)
๐Ÿฅ‰Lia Bautista (9-SADO)

Kawangis Bayani
๐Ÿฅ‡Chris Sesbreรฑo (8-SJOS)
๐ŸฅˆKer Mori (8-BMSJ)
๐Ÿฅ‰Rvi Delgado (10-SP)

Lakan ng Lahi
G. Joshua Liagoso

Lakambini ng Lahi
Gng. Shanna Villamin

Lakan ng Kalayaan
Christian Galvan (7-STV)

Lakambini ng Kalayaan
Linnea Emilsen (7-SAL)

Lakan ng Interioridad
Charles Toga (8-BGK)

Lakambini ng Interioridad
Khaelly Rippy (8-SJOS)

Lakan ng Katotohanan
Miguel Baylon (9-SADO)

Lakambini ng Katotohanan
Kisha Udani (9-SADO)

Lakan ng Komunidad
Franz Gampon (10-BJV)

Lakambini ng Komunidad
Jayreen Antolin (10-SP)

Balita | Janella Alcosaba
Mga Litrato | Janell Cantanilla


Photos from Starlight N-10's post 14/08/2026

๐—•๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ-๐Ÿฒ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ถ

๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž. Ipinagdiwang ng mga mag-aaral mula Baitang 1-6 ang Araw ng Lahi na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ€ sa Covered Court, Agosto 14.

Nagsimula ang programa sa isang panalangin na sinundan ng pambansang awit, pagkatapos nito, inihatid ni Gng. Verna Mae A. Flor, Katuwang na Punongg**o ng IS N-6, ang pambungad na mensahe.

Nagpakilala at nagpakita ng gilas ang pangkat ng bawat baitang, na sinundan ng masayang paghataw ng mga mag-aaral sa isang pang-aliw na bilang.

Itinampok din sa kaganapan ang Ginoo at Binibini ng Lahi 2026 para sa Baitang 4โ€“6, kasama ang panibagong pang-aliw na bilang mula sa Baitang 5โ€“6, kasunod nito ang pagpapakilala sa mga nagwagi sa iba't ibang timpalak tulad ng Pagguhit, Paggawa ng Poster, Kawangis-Bayani, at Ginoo at Binibini ng Lahi 2026.

Ipinagpatuloy ang programa sa pag-awit ng pampamayanang awiting โ€œIsigaw Mo, Galing Natin Ito,โ€ habang ang ikatlong bahagi naman ay nilahukan ng Sayaw Pangkalusugan at mga Larong Pinoy.

Sa pagtatapos, inihatid ni G. Peter D. Jaena, Pang-Akademikong Koordineytor ng IS N-6, ang pampinid na mensahe, pormal na nagtapos ang buong palatuntunan sa pag-awit ng Alma Mater Hymn.

Balita | Maive Gallo
Mga Litrato | Maxine Dayao


Want your school to be the top-listed School/college in Bacolod?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


51 Lizares Avenue
Bacolod
6100

Opening Hours

Monday 9am - 4am
Tuesday 9am - 4am
Wednesday 9am - 4am
Thursday 9am - 4am
Friday 9am - 4am