10/01/2026
Nayanig ang buong Dibisyon ng Lungsod ng Bacolod sa balitang pagpanaw ng Superbisor sa Filipino na si Doc.Aldrin Vingno, Enero 8, 2025.
Napag-alamang halos tatlong araw na itong walang buhay bago pa siya natagpuan sa kanyang bahay sa San Dionisio ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa kanyang katiwala sa kanyang tanggapan, na si Gng. Lea Fondador, pumasok pa si Vingno noong Lunes, Enero 5, ngunit umalis din nang umagang yaon dahil ito ay nagpatingin sa doktor at nagpasuri sa isang laboratoryo sanhi ng iniindang karamdaman.
Bumalik daw ito ng hapon at nagpaalam na uuwi nang maaga upang makapagpahinga, dagdag pa ni Fondador.
Ito na ang huling pagkakataon na nakita at nakausap ang Superbisor dahil kinagabihan, hanggang sa sumunod pang mga araw ay wala na itong komunikasyon sa mga kakilala.
May lumabas namang impormasyon mula sa Taxi Driver na siyang tinawagan niya bandang alas 2:30 ng madaling araw, ng Enero 6, ngunit hindi nito nasagot bagama't tinatawagan siya nito bandang alas 3:00 ng madaling araw sa parehong petsa, na wala na ring sumasagot sa kabilang linya.
Bagaman ipinagpalagay na atake sa puso ang sanhi ng kamatayan ni Vingno, sinusuri pa rin ang iba't ibang anggulo upang matiyak na walang "foul play" sa insidente.
Labis-labis ang paghihinagpis ng lahat ng nasasakupang departamento sa biglaang pagkawala ni Vingno lalo't wala man lang itong habilin o anumang pahiwatig sa kanyang pagpanaw, bagkus, nag-iwan pa ito ng mga alaalang halos hindi maiwaglit sa puso at isipan ng lahat.
Si Doc. Aldrin ay kilalang isang taong may malawak na sirkulo ng mga kaibigan lalo na sa kagawarang (Filipino) kanyang nasasakupan dahil sa iba't ibang programang isinasagawa nito mapasekundarya o elementaya man.
Sa kanyang pagpanaw, mapatotohanang unang mawawala sa mundo ang mababait na siyang magsisilbing anghel na gagabay sa ating mga landasin.
Ang kabutihang kanyang iniwan ay nag- iwan ng markang nakaukit sa puso ng bawat isa na siyang babaunin habambuhay.