Sugilanon: Habi ng Salaysay

Sugilanon: Habi ng Salaysay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sugilanon: Habi ng Salaysay, Education, Corazon Aquino Drive, Brgy. Taculing, Bacolod CIty.

Sugilanon ay isang publikasyong pangkampus na naglalathala ng mga balita, sanaysay, at malikhaing akda na sumasalamin sa tinig, karanasan, at diwa ng mga mag-aaral at ng bayan.

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐‚๐Ž๐„๐ƒ๐”๐Š๐€๐ƒ๐Ž๐’ | ๐”๐๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐’๐‡๐ˆ๐Ngayong araw, Setyembre 24, 2026 ang simula ng pagtapak ng mga Pre-Service...
24/09/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐‚๐Ž๐„๐ƒ๐”๐Š๐€๐ƒ๐Ž๐’ | ๐”๐๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐’๐‡๐ˆ๐

Ngayong araw, Setyembre 24, 2026 ang simula ng pagtapak ng mga Pre-Service Teacher ng Bacolod City College sa kani-kanilang itinalagang paaralan.

Ito ay pinangunahan ng College of Education Dean na si Dr. Reyan Ballaso. Kasama ang mga Program Head na sina Dr. Kerstien Trayco, Dr. Leda Villarosa at Dr. Romuel Alcantaradas at ilan sa pakultad.

Para sa High School, narito ang mga paaralang kanilang papasukan: Bacolod City National High School (BCNHS), Handumanan National High School (HNHS), Domingo Lacson National High School, Tay Tung High School, at Trinity Christian School.

Para naman sa Elementarya, narito ang mga paaralang huhubog pa sa kanilang pagtuturo: Apolinario Mabini Elementary School, Crispino V. Ramos Elementary School, CenterPhil Montessori, at Education and Training Center School (ETCS).

Habang sa darating naman na Biyernes ipapadala ang mga nakatalaga na Pre-Service Teacher sa Mansilingan Agro-Industrial High School (MAIHS) at sa Lunes naman ang mga nakatalaga sa University of Negros Occidental - Recoletos (UNO-R).

Ang internship ay hindi lamang pagpunta sa paaralan at pagharap sa mga mag-aaral. Ito ay bahagi ng pagkakatuto sa pamamagitan ng mga kaalaman mula sariling karanasan bilang paghahanda ng mga susunod g**o sa tunay na hamon sa mundo ng pagtuturo.

Sa ating mga Pre-Service Teacher, nawa'y maging maayos at makabuluhan ang inyong unang araw sa internship.

IRACC BCC!

๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‘๐ž๐ ๐ ๐ข๐ž ๐†๐š๐ฒ๐š๐›๐š๐ง
๐ˆ๐ค๐ข๐ง๐ฎ๐ฐ๐š๐๐ซ๐จ ๐ง๐ข: ๐‰๐ฎ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐๐š๐œ๐š๐จ๐œ๐จ

๐๐‚๐‚- ๐‚๐Ž๐„๐ƒ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐๐ƒ-๐Ž๐…๐… ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜: ๐Ž๐๐„ ๐“๐€๐Š๐„, ๐๐Ž ๐‘๐„๐“๐€๐Š๐„Nagsagawa ang College of Education ng Bacolod City College...
18/09/2026

๐๐‚๐‚- ๐‚๐Ž๐„๐ƒ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐๐ƒ-๐Ž๐…๐… ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜: ๐Ž๐๐„ ๐“๐€๐Š๐„, ๐๐Ž ๐‘๐„๐“๐€๐Š๐„

Nagsagawa ang College of Education ng Bacolod City College (BCC) ng LET 2026 Fellowship and Send-Off Ceremony na may temang โ€œPADAYON, FUTURE TEACHERS: Believe, Begin, Become", Setyembre 18 sa Activity Center.

Sinimulan ang programa sa panalangin, pambansang awit, Bacolodnon Hymn at BCC Hymn bago ang mga mensahe para sa mga LET takers.

Sa kanyang opening remarks, hinikayat ni Dr. Ma. Johanna Ann R. Bayoneta, College Administrator, ang mga future teachers na maging matatag at matapang sa pagharap sa kanilang mga hamon, batay sa Joshua 1:7โ€“9.

Binigyang-diin din niya na may layunin ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan bago makarating sa pagsusulit.

Nagbigay naman si Pastor Celino P. Villarete ng mensahe tungkol sa pagtitiwala sa Diyos sa paglalakbay, na nakabatay sa Proverbs 16:3.

Para sa mga BEED takers, pinaalalahanan ni Dr. Leda M. Villarosa na mahalaga ang passion, love at compassion sa kanilang magiging tungkulin bilang mga g**o.

Hinikayat naman ni Dr. Kerstien B. Trayco ang mga examinee na harapin ang kanilang mga takot, magdasal at magtiwala sa kanilang paghahanda, lalo na ang mga Math takers.

Ibinahagi ni Dr. Romuel M. Alcantaradas na dala ng Filipino takers sa pagsusulit ang apat na taong paghahanda, pangarap, sakripisyo at pagsusumikap.

Samantala, ibinahagi ni Dr. Reyan B. Ballaso ang kanyang sariling karanasan sa pagkuha ng pagsusulit at pinaalalahanang maaaring kasama ng mga lapis ng examinee ang kanilang mga pagdududa.

Bahagi rin ng programa ang โ€œLook How Far Youโ€™ve Comeโ€ video presentation, โ€œThe Pencil of Purposeโ€ symbolic pencil sharpening at Future Teachersโ€™ Pledge.

Sa pagtatapos ng seremonya, hinikayat ang mga LET takers na magpatuloy, maging matapang sa pagsusulit at magtiwala sa Diyos habang tinutupad ang kanilang pangarap na maging mga g**o.

๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐๐ž๐š๐œ๐ก ๐“๐จ๐ ๐š๐๐จ

โ€Ž๐Ž๐€๐“๐‡-๐“๐€๐Š๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐ƒ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„โ€Žโ€ŽGinanap ngayong Setyembre 14, 2026, mula alas-8:00 hanggang al...
14/09/2026

โ€Ž๐Ž๐€๐“๐‡-๐“๐€๐Š๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐ƒ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„
โ€Ž
โ€ŽGinanap ngayong Setyembre 14, 2026, mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa Activity Center ng Bacolod City Collegeโ€“Taculing Campus ang Club and Organization Oath-Taking Ceremony, na pinangunahan ng Office of Student Affairs and Services (OSAS).
โ€Ž
โ€ŽLayunin ng seremonya na pormal na kilalanin at tanggapin ang mga bagong halal at itinalagang opisyal ng ibaโ€™t ibang club at organisasyon ng Bacolod City College. Kabilang dito ang The City Smile (TCS), Sugilanon, GUESS (Group of United Elementary Education Students), MEG (Mathematics Enthusiast Guild), KagumFil (Kapisanan ng mga Gurong Mag-aaral sa Filipino), BLACK (Bacolod City Collegeโ€“Language and Art Collective), Bakuran, Circle K, National Service Training Program (NSTP), The Inner Compass (TIC), PASOA, SDRRMU, CAD, YUHOM, at iba pa.
โ€Ž
โ€ŽPinangunahan ni Dr. Ma. Johanna Ann R. Bayoneta, Ph.D., College Administrator, ang Oath of Office bilang Inducting Officer. Sinundan ito ng isang special message mula kay Adnan N. Balisi, DrPH, PTRP, RGC, Director of Student Affairs and Services. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng closing remarks ni Angelica T. Apawan, LPT, MAEd, Student Development Officer.
โ€Ž
โ€ŽSa bawat paglipas ng panahon, may mga bagong lider na humahalili at nagpapatuloy sa tungkulin. Maaaring magbago ang mga namumuno, ngunit nananatili ang layunin ng paglilingkod. Sa pag-upo ng mga bagong opisyal, muling nabubuksan ang mga pagkakataon upang maglingkod sa kapwa mag-aaral at sa buong komunidad ng Bacolod City College.
โ€Ž
โ€Žโ€Ž๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐Œ๐š. ๐‰๐ž๐š๐ง ๐€๐ฅ๐ข๐› โ€Ž
๐Š๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐ข: ๐‘๐š๐ง๐ณ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ๐จ

โ€Ž"๐ด๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘˜๐‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘ก โ€” โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘– ๐‘š๐‘œ ๐‘š๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘›๐‘œ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž ๐‘–๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘š ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘– ๐‘š๐‘œ ๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘Ÿ๐‘–๐‘›."โ€Žโ€ŽSa paglalakba...
11/09/2026

โ€Ž"๐ด๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘˜๐‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘ก โ€” โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘– ๐‘š๐‘œ ๐‘š๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘›๐‘œ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž ๐‘–๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘š ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” โ„Ž๐‘–๐‘›๐‘‘๐‘– ๐‘š๐‘œ ๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘Ÿ๐‘–๐‘›."
โ€Ž
โ€ŽSa paglalakbay ng bawat tao, may mga pagkatataong mapapatanong ka kung nasa tamang landas ka ba. At tulad ng dagat, hindi mo malalaman ang lalim nito kung hindi mo susubukang lumusong, lumangoy, at sumisid. Gaya ng pagdiskubre ng mga bagay sa karagatan, kinakailangan mong gawin ang bawat hakbang.
โ€Ž
โ€ŽNgayon, kahit ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘ค๐‘Ž๐‘–๐‘ก ๐‘–๐‘  ๐‘›๐‘œ๐‘ก ๐‘ฆ๐‘’๐‘ก ๐‘œ๐‘ฃ๐‘’๐‘Ÿ ngunit malayo ka na โ€” isang hakbang na lamang mula sa pagtatapos ng buhay-kolehiyo at pagbubukas ng mga bagong pinto.
โ€Ž
Sa mga natitirang araw ninyo bilang mag-aaral sa Bacolod City College, marami ka pang mararanasan, maraming pagbabago ang kailangan mong harapin, at ang tila kumunoy na realidad na dapat mong lampasan. Sa mga panahong ito, nawa'y maalala ninyo: hindi nasusukat ng tinta ang inyong kakayahan, hindi numero ang magtatakda ng inyong halaga, at hindi buhay ng iba ang magiging batayan ng pag-unlad. Dahil bawat isa may sariling daan na tinatahak na tanging pangalan niyo lamang ang nakalatag.
โ€Ž
โ€ŽPara sa lahat ng nasa ika-apat na taon ng Kolehiyo ng Edukasyon: ๐‘๐‘–๐‘›๐‘›๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘  ๐‘œ๐‘›๐‘’ ๐‘œ๐‘“ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘ฆ ๐‘ ๐‘ก๐‘’๐‘๐‘  ๐‘ค๐‘’'๐‘ฃ๐‘’ ๐‘ก๐‘Ž๐‘˜๐‘’๐‘›, ๐‘ค๐‘’ ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘ ๐‘ก๐‘–๐‘™๐‘™ ๐‘ค๐‘Ž๐‘™๐‘˜๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘ก๐‘œ ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘“๐‘ข๐‘ก๐‘ข๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘ค๐‘’ ๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘Ž๐‘™๐‘™ ๐‘‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘Ž๐‘š๐‘–๐‘›๐‘”. Sa susunod na yugto ng buhay-kolehiyo, nawa'y mahubog kayo bilang tunay na g**ong Pilipino na kahit ang daluyong ay walang kakayahan na mataob kayo sa larangan na siyang humubog sa inyo.
โ€Ž
โ€ŽSa muli, sa lahat ng mag-aaral mula sa ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™จ๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™š๐™ง ๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™™๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ , ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™จ๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™š๐™ง ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™จ๐™š๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™™๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ˆ๐™š๐™™๐™ฎ๐™ค๐™ง ๐™จ๐™– ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค, ๐™„๐™ฃ๐™œ๐™ก๐™š๐™จ, ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™ž๐™ฅ๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ โ€” binabati namin kayo!
โ€Ž

๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‰๐š๐ง ๐‡๐ž๐š๐ซ๐ญ ๐๐š๐๐ฎ๐š
๐Š๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐ข: ๐€๐š๐ซ๐จ๐ง ๐„๐ฏ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐š

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—›๐—œ๐—ฌ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—œ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—”๐—ข๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ขMay temang โ€œAurescere: Illu...
10/09/2026

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—˜๐—›๐—œ๐—ฌ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐——๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—œ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—”๐—ข๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข

May temang โ€œAurescere: Illuminating the Path to Excellence in Education,โ€ matagumpay na isinagawa ang seremonya bilang paghahanda sa mga magiging g**o

Ang Kolehiyo sa Edukasyon ng Bacolod City College ay matagumpay na idinaraos ang Ika-24 na Pinning Ceremony na may temang โ€œAurescere: Illuminating the Path to Excellence in Education,โ€ bilang paghahanda sa mga estudyanteng g**o. Binubuo ang pangkat ng 32 mula sa BSEd Filipino, 17 mula sa BSEd Math, 66 mula sa BSEd English, at 55 naman mula sa BEEd. Sa pamamagitan ng gawaing ito, lalo pang masusubok at makikita nila ang tunay na mundo ng pagiging g**o.

Nahati ang programa sa dalawang bahagi. Sa umaga, isinagawa ang oryentasyon ukol sa mga alituntunin at kaligiran ng Internship. Ang unang bahagi ng pagtitipon ay pinangunahan nina Dr. Romuel Alcantaradas, Dr. Leda Villarosa, at Dr. Kerstien Trayco, kung saan ibinahagi nila ang mahahalagang gabay at impormasyon bilang paghahanda sa pagpasok ng mga estudyante sa kanilang pagtuturo.

Sa hapon, sinundan ito ng mismong seremonya kung saan pinangunahan ni Dr. Romuel Alacantaradas ang pambungad na pananalita. Sinabi niyang: โ€œDear Interns, today we are not simply seeing you as student interns; we are welcoming you into the community of future educators.โ€

Sumunod na nagsalita si Dr. Ma. Johanna R. Bayoneta na nagbahagi ng mensahe ng inspirasyon na nakatuon hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga magulang. Binigyang-diin niya na hindi lamang pinansyal na pangangailangan ang dapat matugunan kundi pati na rin ang emosyonal na pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa kanyang mensahe, binanggit niya: โ€œDear parents, upod kamo namon sa ini nga mga challenges โ€” bilang institusyon, kami man ang ikalawang pag-asa sang aton mga estudyante.โ€

Sumunod na nagsalita ang panauhing tagapagsalita at nagtapos din sa Kolehiyo sa Edukasyon ng Bacolod City College na si Bb. Angela Yatasil, LPT. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan upang magsilbing inspirasyon sa lahat โ€” kung paano niya nakamit ang tagumpay na matagal na niyang inaasam para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Ayon sa kanya: โ€œDo not be afraid to start on. Your first lesson may not be perfect, your first demonstration may not be perfect, your first classroom experience may be messy, and that is okay. You do not become an excellent teacher on your first day; you become one through continuous learning.โ€ Ang kanyang mensahe ay tunay na umantig sa puso ng bawat g**o sa hinaharap, na naghihikayat na abutin ang kanilang mga pangarap hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa kanilang pamilya.

Kasunod nito ay ang pinakahihintay na bahagi ng lahat โ€” ang pagkakabit ng mga pin sa uniporme ng mga estudyanteng g**o bilang tanda ng kanilang patuloy na pag-abot sa pangarap. Pagkatapos nito, pinangunahan naman ni Bb. Queenie Ann A. Rico, Tagapangulo ng Teacher Education Senior Organization, ang Panunumpa ng Pangako.

Sa pagtatapos ng seremonya, nagbigay ng pangwakas na mensahe si Dr. Trayco, na nagpasalamat sa mga magulang at nagpugay sa tagumpay ng mga estudyante. Ibinahagi niya ang bahagi ng akdang Desiderata ni Max Ehrmann (1927): โ€œYou are a child of the universe no less than the trees and the stars; you have a right to be here. And whether or not it is clear to you, no doubt the universe is unfolding as it should. Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be. And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life, keep peace in your soul. With all its sham, drudgery, and broken dreams, it is still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.โ€

Isinulat ni: Mekyla Lavadia
Ikinuwadro ni: Noelyn Agona

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š: ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ž๐—” ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ž๐—”!Hindi ibig sabihin na kapag kailangan mo na ng tulong, ay mahin...
10/09/2026

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š: ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ž๐—” ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ž๐—”!

Hindi ibig sabihin na kapag kailangan mo na ng tulong, ay mahina ka na. Minsan sa buhay kailangan mo lang ng taong handang makinig sayo.

Ngayong buwan ng Setyembre ay tinaguriang ๐™Ž๐™ช๐™ž๐™˜๐™ž๐™™๐™š ๐™‹๐™ง๐™š๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ˆ๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™. Kung saan ipinagdiriwang taon-taon tuwing Setyembre 10. Ito ay inorganisa ng ๐™’๐™ค๐™ง๐™ก๐™™ ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐™Š๐™ง๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ (๐™’๐™ƒ๐™Š) at ng ๐™„๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ค๐™˜๐™ž๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™Ž๐™ช๐™ž๐™˜๐™ž๐™™๐™š ๐™‹๐™ง๐™š๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ (๐™„๐˜ผ๐™Ž๐™‹). Layunin nito na ipaalam sa mga tao ang kahalagahan ng mental health at kahalagahan ng buhay ng tao.

Sa paggunita sa buwang ito, hinihikayat ang bawat isa na maging mapanuri, mapagmasid, at makiisa sa pagsusulong ng mental health. Lalo na sa mga taong dumaranas ng matinding problema at emosyon o mental na pinagdaraanan. Sa simpleng "๐™†๐™–๐™ข๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™ ๐™–?" ay isang malaking tulong na ito sa mga taong hindi na maabot ang liwanag sa kanilang buhay.

Ngunit sa bawat daan na tinatahak ay unti-unting sumisibol ang liwanag kapag bawat isa ay marunong umunawa at gumabay. Lahat ng tao ay may pinagdadaraanan sa buhay kaya't hindi ito kahinaan ito ay gagabay sayo sa matuwid na buhay at hanggang makaabot ka sa iyong paglalakbay masasabi mo sa iyong sarili: "๐™†๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ. ๐™†๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ, ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™ค ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ."

Kung ikaw, o isang taong kakilala mo, ay nakararanas ng matinding emosyonal na pinagdaraanan, huwag mag-atubiling humingi ng tulong.

NCMH CRISIS HOTLINE:
๐Ÿ“ž 1553 โ€” National Center for Mental Health Crisis Hotline
๐Ÿ“ฑ 0917-899-8727
๐Ÿ“ฑ 0966-351-4518

Ito ay hindi lamang ngayong buwan ng Setyembre kundi sa bawat araw dapat bawat tinig pakinggan, bawat buhay pahalagahan.

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ | ๐€๐’๐„๐€๐ ๐„๐—๐‚๐‡๐€๐๐†๐„ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐‘๐Ž๐Ž๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”โ€œ๐‚๐จ๐ง๐ง๐ž๐œ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐œ๐ซ๐จ๐ฌ๐ฌ ๐€๐’๐„๐€๐ ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ซ๐จ๐จ๐ฆ๐ฌโ€An...
08/09/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ | ๐€๐’๐„๐€๐ ๐„๐—๐‚๐‡๐€๐๐†๐„ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐‘๐Ž๐Ž๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

โ€œ๐‚๐จ๐ง๐ง๐ž๐œ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐€๐œ๐ซ๐จ๐ฌ๐ฌ ๐€๐’๐„๐€๐ ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ซ๐จ๐จ๐ฆ๐ฌโ€

Ang programang ito ay pinangungunahan ng Bacolod City College (BCC) โ€“ Bacolod City, Philippines, at Sivilay School โ€“ Luang Prabang, Laos PDR. Ito ay isang programang virtual international classroom exchange na naglalayong isulong ang isang silid-aralan para sa mga g**o sa hinaharap at mga mag-aaral sa high school na magpapaunlad ng intellectual competencies, global awareness, at innovative mathematics learning.

Ang proyektong ito ay may daloy ng mga gawain at sesyon. Una rito ay ang Sesyon 1: Classroom Tour; Sesyon 2: Cultural Icebreaker; Sesyon 3: Mathematics Collaboration; Sesyon 4: Teaching Collaboration; at Sesyon 5: Reflection Forum.

Hindi lamang ito simpleng programa, ito ay isang aktibidad na naglalayong isulong ang kolaborasyon para sa mga g**o sa hinaharap upang ihanda ang bawat isa sa tinatawag na pagtuturo.

Ito ay isang proyekto ng Kolaborasyon, Kultura, Matematika, at Koneksyon.

๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‘๐ž๐ ๐ ๐ข๐ž ๐†๐š๐ฒ๐š๐›๐š๐ง
๐ˆ๐ค๐ข๐ง๐ฎ๐ฐ๐š๐๐ซ๐จ ๐ง๐ข: ๐‰๐ฎ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐๐š๐œ๐š๐จ๐œ๐จ

08/09/2026

Ang wika ay dinamiko, isa sa mga katangian nito. Makikita ito sa wikang Filipino na kung saan upang mas pagyabungin at pagyamanin ito ay may napakalaking hakbang na ginawa ang Komisyon sa Wikang Filipino.

At ngayong buwan ng wika na may temang โ€œ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ€

Alamin ang pananaw, paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral mula sa College of Education sa eksklusibong panayam.

[๐ˆ๐ง ๐๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ฌ] ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ญ๐š๐ง๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐šNoong ika-4 ng Setyembre, 2026, ipinagdiriwang ng Bacolod ...
06/09/2026

[๐ˆ๐ง ๐๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ฌ] ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ญ๐š๐ง๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š

Noong ika-4 ng Setyembre, 2026, ipinagdiriwang ng Bacolod City College โ€” College of Education ang Buwan ng Wika sa Activity Center na kung saan tampok ang natatanging kultura ng mga Pilipino na binigyang buhay ng mga COEdukados.

Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ng Program Head ng Medyor sa Filipino na si Dr. Romuel Alcantaradas, Tagapangulo ng KaGumFil na si Justin Torquido at mga kasapi nito. Kasama sa pagdiriwang na ito ang pakultad ng College of Education at mga bisitang nagsilbing hurado sa mga aktibidad na inihandog ng mga mag-aaral.

Ang pagdiriwang ito ay hindi isang pag-gunita lamang sa nakaraan o pagdiriwang sa kasaysayan, ito ay pagsasabuhay sa kulturang ating kinagisnan. Isang nararapat gawin hindi lamang sa buwan ng Agosto kundi sa pang-araw araw na buhay ng bawat Pilipino.

Ngayon, ating tingnan, balikan, at damhin ang nakaraan hindi lamang ng kahapon maging ang aral, pagmamahal at angking ganda ng kulturang Pilipino na kayo mismo ang nagbigay buhay at sigla sa pamamagitan ng mga larawang nakuha.

๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‰๐š๐ง ๐‡๐ž๐š๐ซ๐ญ ๐๐š๐๐ฎ๐š
๐Š๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ก๐š ๐ง๐ข๐ง๐š: ๐‹๐จ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ž ๐€๐ฅ๐ฉ๐ž๐œ๐ก๐ž ๐š๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ณ๐ž๐ฅ ๐๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ๐จ

๐Œ๐„๐ƒ๐˜๐Ž๐‘ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž, ๐๐€๐’๐”๐๐†๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐๐–๐„๐’๐“๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐ˆ๐†๐’๐€๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐’๐”๐‹๐€๐“ ๐๐† ๐’๐€๐๐€๐˜๐’๐€๐˜โ€Žโ€ŽNasungkit ng Batsilyer ng Sekundar...
06/09/2026

๐Œ๐„๐ƒ๐˜๐Ž๐‘ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž, ๐๐€๐’๐”๐๐†๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐๐–๐„๐’๐“๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐ˆ๐†๐’๐€๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐’๐”๐‹๐€๐“ ๐๐† ๐’๐€๐๐€๐˜๐’๐€๐˜
โ€Ž

โ€ŽNasungkit ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino ng Bacolod City College ang kampeonato sa pagsulat ng sanaysay, Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na ginanap sa loob ng paaralan.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, itinanghal bilang ikalawang gantimpala ang Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Sipnayan, habang nakamit naman ang ikatlong gantimpala ng Batsilyer sa Elementaryang Edukasyon sa naturang patimpalak.
โ€Ž
โ€ŽIsinagawa ang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ€ na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng wikang Filipino sa makabagong panahon.
โ€Ž
โ€ŽSa pagkilala sa mga nagwagi, ipinakita lamang ng patimpalak ang kahalagahan ng pagsusulat bilang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan at pagbabahagi ng kaalaman hinggil sa paggamit ng teknolohiya gayundin ng wikang Filipino.
โ€Ž
โ€Ž๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ฌ ๐“๐จ๐ ๐š๐๐จ
๐ˆ๐ค๐ข๐ง๐ฎ๐ฐ๐š๐๐ซ๐จ ๐ง๐ข: ๐‰๐ฎ๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐๐š๐œ๐š๐จ๐œ๐จ ๐š๐ญ ๐๐จ๐ž๐ฅ๐ฒ๐ง ๐€๐ ๐จ๐ง๐š

Address

Corazon Aquino Drive, Brgy. Taculing
Bacolod City
6100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sugilanon: Habi ng Salaysay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category