ANG SINAG - Handumanan-NHS

ANG SINAG - Handumanan-NHS

Share

Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Handumanan

20/12/2025

HINUGYAW FESTIVAL 2025
Dec.16 - 21,2025
# Opening Parade

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 15/12/2025

Journalistiko - Filipino @ HINUGYAW FESTIVAL 2025

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 13/12/2025

DAY 3 JOURN CLASSES

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 07/12/2025

The KANLAON TOUCH
# Mission Accomplished

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 07/12/2025

THE TRAFFIC WHISTLE
# @ Sitio Alibabay, Brgy. Mabilog, Kanlaon City

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 07/12/2025

DAY 2 - Journ Training
rm. 32
#12/2/25

06/12/2025

Pag coach ka...
# Sample
# first to move

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 01/12/2025

JOURNALISTIKO - FILIPINO OUTREACH PROGRAM - 11/ 29 / 25

# Reading / Feeding
# National Reading Month
# International Youth Month

09/06/2025


‎ Nakakapanghinayang na maisip ang pagwawakas ng aking journey bilang isang miyembro ng ANG SINAG. Sa pagwawakas ng aking senior high school life, marami akong pintong naiwanan na nagdala sa akin kung ano ako ngayon sa hinaharap. Isa na rito ang pagiging isang miyembro ng club na ANG SINAG, marami akong natuklasan sa oragnisasyong ito, eksperyensa na nagdala sa akin ng kasiyahan at kabuluhan bilang isang estudyante. Hindi lamang ako naging isang journalist, ako ay naging isang kaibigan, kasangga, "mentee", at lider. Masasabi ko na ito ang pinakamagandang naibigay sa akin ng Bathala, ang makasama ang nakapambihirang mga tao, at ma eksperyensa kung paano maging isang journalist. Hindi lamang kompetisyon ang naging gampanin naming mga miyembro ng club, kundi bilang isang tagapaglaganap ng katotohanan na balita sa pangkalahatan.

‎ Dulot ng pandemya naantala ng humigit kumulang dalawang taon ang pag-aaral ko, sa pagbabalik ng klase sa ika-sampung baitang nagkaroon kami ng isang "screening" para maging miyembro ng aming school publication club. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang club na ito, pero ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makasulat ng makabuluhang papel. Naalala ko pa na napili ako bilang miyembro dahil sa aking sulat. Ito ay nagbigay sa akin ng isang kabuluhan bilang isang estudyante noon.
‎Nagkaroon ako ng direksyon, purpose at responsibilidad, at itinuri ko ito bilang regalo sa aking ng Diyos.

‎ Marami akong natutunan sa aming mentor na si Ma'am Viñarta. Siya ay naging mapasensya at maunawain sa pagtuturo sa amin. Hindi ko malilimutan ang pagmamahal na ibinigay niya sa aming lahat, palagi niyang sinisug**o na kami ay busog sa lahat ng oras ng aming pag-eensayo, bibilhan niya kami ng coke at tinapay, minsan ice cream, minsan biscuit. Sa simpleng "pamahaw" lamang pero ito ay malaking paalala sa amin na kami ay mahal niya. Maraming lubak na daan ang kanyang dinaan para sa amin, tiniyak niya na hindi kami mahihirapan sa mga kompetisyon. Hindi lang tungkol sa journalistiko ang ibinahagi niya sa amin, kundi ang mga leksyon na natamo niya sa ilang taon bilang isang eksperensyadong g**o, mentor, at bilang isang ina. Ang mga leksyon at payo na kanyang binahagi ay lubos kong isinasapuso at isa sa aking natatandaan mula ngayon ay kung ikaw ay isang journalist dapat na ikaw ay "kabalan". Nakakatawa man itong pakinggan ngunit ito ay totoo, sa pagiging "kabalan" natuto ako na maging confident sa aking sarili, magawa ang bagay na takot akong gawin noon, at makapunta sa mga lugar.

‎ Nagkaroon ako ng isang pamilya sa club na ito, kung saan kami ay naging totoo sa isa't isa, kung saan kami ay nagbahagi ng mga tawa, lungkot, luha, saya, at kaba. Naaala ko pa na kami ay sabay na mag eensayo sa Filipino Department tuwing pagkatapos ng klase, lahat kami ay pagod ngunit kami ay may iisang goal, ang makamtan ang pagkapanalo. Ito ay ang apoy na nagtulak sa amin na maging pursigido at matibay. Sa aming unang pagsalang sa kompetisyon nagbunga ang aming luha't pawis, lahat kami ay nakapasok kami na makalahok sa Regional School Pres Conference sa Iloilo. Iyon ang pagkakataong hindi ko mawala sa aking isipan, sa kadahilanan na ito ang kauna-unahang kompetisyon na aming naeksperyensa. Iyon ay ang aming golden era. Malaki ang naging dulot nila sa akin, marami akong natutunan sa kanila, sila ay may lugar sa aking puso't isipan. Malaki ang pasasalamt ko sa Panginoon na naging parte sila ng aking journey bilang student journalist.

‎ Sa aking sunod na taon na paglahok sa Division School Pres Conference, hindi ako makapaniwalang makamtan ko ang 1st place sa kategorya ng isports. Napuno ako ng iba't ibang emosyon sa pagkakataong iyon, saya, kaba, lito, at excitement. Nagbunga ang aking practice at mga sakripisyo. Hindi lamang doon nagtapos ang bugso ng aking emosyon. Dahil nabigla na lamang ako ay sa susunod na mga araw ay nakaupo na ako sa isang radio station kasama ang aking mentor Ma'am Rosario T. Viñarta, ang aming principal at anchor ng My Titser on Air ng RMN DYHB Bacolod 747 na si sir Allan Pomada, at ang Education Program Supervisor ng SDO Bacolod na si Doc Jessica P. Gela. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam ako ng pressure dahil kasama ko ang mga kilalang tao sa iisang kwarto. Ito ay isang malaking karangalan para sa akin dahil ito ang unang pagkakataon na ako ay makapasok sa isang radio station at ma interview ng aming principal. Marami akong natutunan mula sa eksperyensang ito, nagpatibay ito ng aking confidence dahil nalagpasan ko ang aking kaba at takot, nakakuha rin ako ng importantanteng payo mula sa kanila. Ito ay hindi naging posible kung hindi sa gabay sa akin ng Panginoon.

‎ Sa aking pagpasok sa kolehiyo, maraming pinto ang maaring bumukas para sa akin, sa kabila ng lahat ng ito ipapatuloy ko parin ang aking legacy bilang isang journalist. Napagtanto ko na hindi lamang ito isang gampanin para makapanalo sa isang contest, ito ay isang responsibilidad na makapagbigay ng kabuluhan at totong balita sa lahat. Hindi nakakatakot ang pagiging isang journalist. Kompyansa at pagpupursige ang susi kung paano ang pagiging isang journalist. Ito ay makakapagdala sa iyo ng bagong experience, bagong kaibigan, at bagong direksyon sa buhay.

‎Paalam ANG SINAG,
‎ John Erick A. Salanap (Editor in Chief)

*This photo was the first time we competed in the DSPC, together with other journalists from the GLEAM. I will miss you all, see you around!

26/02/2025

VISUAL | " Pagod Na Ba Ang Lahat?"

“Beh, tapos ka na sa project?”
“Beh, nakapag-review ka ba?”
“May reviewer ka ba?”

Paulit-ulit. Walang katapusan. Kakatapos lang ng isang event, may bago na namang parating. Hindi pa nga nasisimulan ang isang requirement, may panibago na namang idadagdag. Minsan napapaisip ka, “Hanggang kailan ‘to?” Hindi na kaya ng tulog ang pagod. Kahit anong haba ng pahinga, parang wala nang epekto. Gigising ka, pero ramdam mo pa rin ang bigat ng katawan at isip.

Dati, isang quiz lang ang pinoproblema natin. Ngayon, may research, may project, may reports, may events—sabay-sabay. Hindi pa tapos ang isa, may kasunod agad. “Natapos mo na ba ‘yung Chapter 4 ng research?”—eh ni Chapter 3 nga, hindi mo pa fully na-edit. Hindi mo na alam kung ano ang uunahin.

At kahit gusto mong magpahinga, hindi mo magawa. Kasi sa oras na huminto ka, mas lalo kang mapag-iiwanan. Kaya kahit pagod, kahit puyat, kahit nangangapa, sige lang. Laban lang. Pero sa totoo lang, nakakapagod na.

Hindi lang ito tungkol sa pisikal na pagod. Nakakapagod din sa isip—yung pressure na dapat maipasa lahat on time, na dapat hindi ka mahuhuli, na dapat maganda ang output mo. Nakakapagod din sa emosyon—yung pakiramdam na parang hindi sapat ang effort mo, kahit binigay mo na lahat.

Minsan, kahit gusto mong bumawi sa motivation mo noon, hindi mo na magawa. Kasi kahit gaano mo pilitin ang sarili mong maging masipag, wala ka nang lakas para ipaglaban ‘yung dating ikaw na puno ng energy at pangarap.

Pero alam mo, malapit na. Kaunti na lang. Hindi man ito ang katapusan ng laban, pero malapit na rin tayong makarating sa isang pahingahan. Konting hinga pa, konting kapit pa.

At kapag dumating na ‘yung araw na makakapagpahinga ka na, sana ipaalala mo rin sa sarili mong tao ka lang. Hindi mo kailangang tapusin ang lahat sa isang upuan. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong lumaban nang walang pahinga.

Sa dulo ng lahat ng ito, may isang bagay na sigurado—magbubunga ang lahat ng pagod mo. Kaya laban lang. Kaunti na lang, beh!

Cada, Kyle - Talaghay Member
12 (STEM) - Our Lady of Manaoag

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 03/05/2024

Paglalakbay tungo sa Tagumpay ng DSPC 2024

Umarangkada na naman ulit ang mga mamahayag ng Handumanan National Highschool sa ikalawang araw ng Division Schools Press Conference sa Unibersidad ng Negros Occidental-Recoletos nitong ika-3 ng Mayo 2024.

Handang sinubok ng mamahayag ng Ang Sinag ang hamon ng DSPC na may temang "Campus Journalism: Defenders of Truth Upholding Editorial Judgement and Human Agency in the face of AIs Invasion of Media Literacy".

Sa pamamagitan ng DSPC, ang mga mamahayag ay binibigyan ng pagkakataon na maging tunay na tagapagdala ng impormasyon at pagbabago.

Patuloy nating subaybayan at suportahan ang mga mamahayag ng Handumanan National Highschool sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.

Nawa'y sumainyo ang magandang kapalaran, Handumanan Journalist!

Isinulat ni: Jacqueline F. Rosatace

Photos from ANG SINAG - Handumanan-NHS's post 03/05/2024

Pagbubukas ng DSPC 2024: Pagmamayagpag ng mga Batang Mamahayag

Sa pamamagitan ng pagsindi ng tanglaw, ganap ng nagsimula ang pagbubukas ng Division Schools Press Conference 2024 sa temang "Campus Journalists: Defenders of Truth Upholding Editorial Judgement and Human Agency in the face of AIs Invasion of Media Literacy" nitong ika-2 ng Mayo 2024 sa Unibersidad ng Negros Occidental-Recoletos.

Sinimulan ang seremonya sa entrance of color, pagpasok ng mga kinatawan ng iba't ibang paaralan na sinundan ng pag-awit ng lupang hinirang, panalangin, regional hymn, at bacolodnon.

Mainit na tinanggap ang mga mamahayag galing sa iba't ibang paaralan, parehong nasa elementarya at high school, mga tagapayo ng pahayagan ng paaralan, mga opisyal na tao sa pamahalaan kabilang na si Mayor Alfredo Abelardo Benitez ng Bacolod City, at si Vice Mayor El Cid Famillaran ng Bacolod City, at iba pa.

"The city is always behind you, supporting you, you are the pride and glory of our city" sambit ni Mayor Albee Benitez sa kanyang message of support sa mga batang mamahayag.

Dagdag pa ni Vice Mayor El Cid Famillaran, "We are here to extend our support the journalism for defending the ethical in the world of AI literacy."

"Show them your best shot" ang mungkahi naman ng Assistant Schools Division Superintendent na si Lynee A. Peñaflorida, PhD, hinihikayat ang mga mamahayag na gawin ang kanilang makakaya sa hamon ng DSPC.

Sinundan naman ng Lighting of Urn of Unity and Friendship na pinangunahan ng NSPC Qualifier 2023 na si Trixie N. Verana, sunod nito ang Journalist's creed na si Keanu Vince D. Mediodia, NSPC Qualifier 2023, ang nanguna.

Nagbigay din ng mensahe ang DepEd Western Visayas Director Ramir B. Uytico para sa mga mamahayag.

Sambit pa nito na "Journalism does not talk about life but Journalism is life", linyang tumatak sa mga batang mamahayag.

Matapos ang lahat ay opisyal na idineklara ni Superintendent Reynaldo G. Gico, EDD, CESO VI ang pormal na pagbubukas ng DSPC na nagsimula nitong ika-2 ng Mayo hanggang ika-4 ng Mayo 2024.

Ang DSPC ay naglalayon na maging daan upang hubugin ang mga susunod na henerasyon ng mga mamamahayag na may malasakit sa pagbabalita at paglilingkod sa bayan.

Isinulat ni: Jacqueline F. Rosatace
Litrato kuha ni: John Erick A. Salanap

Want your school to be the top-listed School/college in Bacolod CIty?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Neg. Occ. Bacolod City, Zone 5
Bacolod City
6100