Ilaw at Panitik

Ilaw at Panitik Pagpapaunlad sa iba't ibang aspekto ng pagkatao

Lubos na ipinagmamalaki ng Ilaw at Panitik ang mga nagtapos na mga kasapi nito mula sa BSEd Filipinođź’™Sa inyong paglalakb...
20/06/2026

Lubos na ipinagmamalaki ng Ilaw at Panitik ang mga nagtapos na mga kasapi nito mula sa BSEd Filipinođź’™

Sa inyong paglalakbay bilang mga mag-aaral, naging saksi ang samahan sa inyong mga pagsisikap, mga sakripisyo, at mga hamong buong tapang ninyong hinarap. Hindi naging madali ang landas na inyong tinahak, ngunit sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at pagmamahal sa wikang Filipino at panitikan, matagumpay ninyong naabot ang isa sa pinakamahalagang yugto ng inyong buhay.

Kayo ay hindi lamang mga nagtapos kundi mga ilaw na magbibigay-liwanag sa larangan ng edukasyon at mga tinig na magpapatuloy sa pagpapayabong ng ating wika at kultura. Nawa’y dalhin ninyo saanman kayo dalhin ng inyong mga pangarap ang mga aral, pagpapahalaga, at diwang natutuhan ninyo bilang mga kasapi ng Ilaw at Panitik.

Ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng samahan. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral na nangangarap at nagsisikap upang makamit ang kanilang mga mithiin.

Muli, taos-pusong pagbati sa inyong pagtatapos. Dalhin ninyo ang liwanag ng kaalaman at ang alab ng panitikan sa bawat landas na inyong tatahakin. Ang Ilaw at Panitik at Kolehiyo ng Edukasyon ay lubos na nagmamalaki sa inyo🎓✨

Maligayang kaarawan🎉🎂 sa aming masipag at maaasahang Taga-ingat-Yaman, si Binibining Glaiza Babarano. Nawa’y maging maka...
18/06/2026

Maligayang kaarawan🎉🎂 sa aming masipag at maaasahang Taga-ingat-Yaman, si Binibining Glaiza Babarano. Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at masagana ang panibagong yugto ng iyong buhay. Dalangin namin na patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at katuparan ng iyong mga mithiin.

Mula sa iyong mga kasamahan sa Ilaw at Panitik, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong sipag, katapatan, at dedikasyon sa paglilingkod.

Mabuhay ka, at nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa aming lahat.

Dayaw: “Hugyaw sang Kadunggawan: Tuig sang Dungog kag Kadalag-an” Isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng mga ma...
17/06/2026

Dayaw: “Hugyaw sang Kadunggawan: Tuig sang Dungog kag Kadalag-an”

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng Medyor sa Filipino sa inyong mga natatanging tagumpay at karangalang natamo sa Taong Panuruan 2025–2026.

Ang inyong husay sa larangan ng wika at panitikan, pagkamalikhain, talino, at walang sawang dedikasyon ay muling nagpatunay na ang tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at patuloy na pagpupunyagi. Sa pagdiriwang ng taong ito ng dangal at tagumpay, nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba upang higit pang pagyamanin ang pagmamahal sa wikang Filipino at patuloy na magbigay karangalan sa ating kagawaran.

Muli, taos-pusong pagbati sa lahat ng mga mag-aaral ng Medyor sa Filipino! Tunay ngang ito ang inyong taon ng dangal, karangalan, at tagumpay💙✨

14/06/2026

Dayaw: “Hugyaw sang Kadunggawan: Tuig sang Dungog kag Kadalag-an”

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral ng Medyor sa Filipino na pinarangalan bilang Dean’s Lister at Comprehensive Examination Topnotchers para sa Taong Panuruan 2025–2026.

Binabati rin namin ang ating mga bagong Lisensiyadong G**o, na nagpapatunay na ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbubunga ng tagumpay at karangalan.

Ang mga natamong pagkilalang ito ay sumasalamin sa diwa ng temang “Hugyaw sang Kadunggawan: Tuig sang Dungog kag Kadalag-an”—isang pagdiriwang ng kahusayan, pagpupunyagi, at mga tagumpay na bunga ng walang sawang pagsisikap.
Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba upang patuloy na mangarap, magsikap, at magtagumpay.

Mabuhay ang mga Medyor sa Filipino! Padayon sa pag-angkon sang dungog kag kadalag-an! 💙✨

Ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-128 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.🇵🇭Alalahanin natin ang sakripisyo at katapa...
12/06/2026

Ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-128 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.🇵🇭

Alalahanin natin ang sakripisyo at katapangan ng mga bayaning nagbigay-daan sa ating kalayaan. Nawa’y patuloy nating mahalin, paglingkuran, at ipagmalaki ang ating bayan.

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Lubos naming binabati ang mga mag-aaral ng BSED Filipino 3A sa matagumpay na pagdaraos ng kanilang Pre-Oral Defense. Ang...
10/06/2026

Lubos naming binabati ang mga mag-aaral ng BSED Filipino 3A sa matagumpay na pagdaraos ng kanilang Pre-Oral Defense. Ang inyong dedikasyon, tiyaga, at pagsisikap sa pagsasagawa ng inyong mga pananaliksik ay tunay na kapuri-puri.

Nawa’y magsilbi itong mahalagang hakbang tungo sa higit pang paglinang ng inyong kaalaman, kasanayan, at kahandaan bilang mga magiging g**o sa hinaharap. Patuloy ninyong ipamalas ang kahusayan, determinasyon, at pagmamahal sa larangan ng edukasyon.

Muli, taos-puso naming binabati ang bawat isa sa inyong natamong tagumpay. Nawa’y maging daan ito sa mas marami pang tagumpay sa inyong akademikong paglalakbay. Padayon, BSED Filipino 3A!

01/06/2026

Nayanig ang entablado, nag-alab ang sining, at nagising ang kamalayan!

Sa bawat paghakbang at bigkas ng mga makasaysayang linya, buong giting na ipinamalas ng BSED FIL 3A ang kanilang pambihirang husay at pagmamahal sa kulturang Pilipino. Muli ninyong pinatunayan na ang teatro ay isang mabisang sandata upang gisingin ang kamalayan ng bayan at baguhin ang pananaw ng lipunan🎭✨

Buong kapurihan nating ipinagdiriwang ang tagumpay ng dulang “Apoy sa Ibayong Lupa,” isang obra-maestrong hango sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang inyong luha, pawis, at emosyon ay patunay ng hindi matatawarang dedikasyon sa sining at panitikan. Ipinakita ninyo na bilang mga susunod na g**o sa Filipino, taglay ninyo ang kapangyarihang magmulat at magpabago ng buhay.

Nawa'y hindi kailanman magmaliw ang apoy sa inyong mga puso. Patuloy ninyong pag-alabin ang pagmamahal sa ating wika, kultura, at lipunan. Lubos kaming ipinagmamalaki kayo! Isang mapagpalang pagbati at mabuhay kayong lahat!

Buong galak at pagpupugay naming binabati ang BSED Filipino 3A sa kanilang matagumpay na pagtatanghal ng dulang “Apoy sa...
01/06/2026

Buong galak at pagpupugay naming binabati ang BSED Filipino 3A sa kanilang matagumpay na pagtatanghal ng dulang “Apoy sa Ibayong Lupa.” Ang obrang ito ay hango sa walang kamatayang nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, na muli ninyong binigyang-buhay nang may pambihirang husay at lalim🎭

Ang inyong hindi matatawarang dedikasyon, pagsisikap, at alab ng puso para sa sining ay nasalamin sa bawat linya at emosyong inyong ipinamalas sa entablado. Pinatunayan ninyo na sa gitna ng makabagong panahon, ang mga kaisipan ni Rizal ay nananatiling buhay na mitsa sa ating kamalayan bilang mga Pilipino.

Nawa’y ang tagumpay na ito ay magsilbing inspirasyon upang patuloy ninyong pagyamanin ang inyong mga talento at mas lalong palalimin ang inyong pagmamahal sa ating wika at kultura. Ipinagmamalaki namin ang bawat isa sa inyo!

Buong galak at taos-pusong pagbati ang ipinapaabot namin sa mga mahuhusay at talentadong mag-aaral ng BSED FILIPINO-1A n...
27/05/2026

Buong galak at taos-pusong pagbati ang ipinapaabot namin sa mga mahuhusay at talentadong mag-aaral ng BSED FILIPINO-1A na nagbigay ng karangalan sa ating departamento sa patimpalak na Taliambong. Ang inyong tagumpay ay patunay ng walang sawang pagsisikap, dedikasyon, at pambihirang husay sa larangan ng sining, panitikan, at pagtatanghal. Tunay na kayo ay naging inspirasyon sa kapwa mag-aaral at patunay na ang talento ng BSED FILIPINO ay may kakayahang magningning saan mang entablado. ✨

Narito ang mga nagsipagwagi na nagbigay dangal at karangalan:

Vocal Solo | Carl Malone Montecido - Champion
Spoken Poetry | John Michael Miag -ao - Champion
Art Expo | Axcel Zuleta - 1st Runner up
Theatre | BSED Filipino 1A - 2nd Runner up

At higit sa lahat, isang mainit at taos-pusong pagbati sa buong BSED FILIPINO para sa pagkamit ng Overall Champion🏆

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy pang pagyamanin ang talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa sining at panitikan. Patuloy ninyong dalhin ang ningning ng husay at dangal ng BSED FILIPINO. Mabuhay ang ating mga kampeon! 👏

22/05/2026

Pagsasalin sa pabulang “THE BEAR AND THE BEE” sa asignaturang Introduksyon sa Pagsasalin (BSF108)

BSED-FILIPINO 2A - Unang Pangkat

No copyright infringement is intended.

Address

Burgos Street
Bacolod City
6100

Telephone

+639519739532

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ilaw at Panitik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Ilaw at Panitik:

Shortcuts

Share