25/08/2026
๐ช๐ถ๐ด๐ท๐จ๐บ๐บ: ๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐
๐๐๐' ๐ป๐๐๐๐๐๐๐ & ๐พ๐๐๐๐๐๐๐ '๐๐
Isang makabuluhan at pormal na hakbang tungo sa paghubog ng mga susunod na henerasyon ng mga tapat at epektibong lider ang naganap sa pagsasama-sama ng ating mga Young Leaders mula sa Baitang 4 hanggang 6 at ng mga Pupils Assembly Officers (PAO) para sa COMPASS: Young Leaders' Training & Workshop '26.
Sa ilalim ng temang "One Mind, One Heart: Leading for Sustainable Change," ang dalawang araw na pagsasanay na naglayong palakasin ang kamalayan, pananampalataya, at kakayahan ng mga mag-aaral na mamuno nang may malasakit at integridad.
Nagsimula ang Unang Bahagi ng programa noong ika-22 ng Agosto, 2026 sa Activity Center ng UNO-R Integrated School, kung saan ginanap ang mga makabuluhang talakayan ukol sa pamumuno, Digital Literacy, at Cybersecurity, na sinundan ng masiglang Team Building Activities sa Covered Court. Ipinagpatuloy naman ang Ikalawang Bahagi noong ika-22 hanggang 23 ng Agosto, 2026 sa Natoโs Farm, Brgy. Granada, Bacolod City. Dito ay mas naging malalim ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga sesyon patungkol sa Augustinian Leadership at Spirituality in Action, Breakout Sessions, Zumba Fitness Dance, at ang inaabangang Amazing Race na lalong nagpatatag sa pagkakaisa ng bawat lider.
Patuloy nating suportahan ang ating mga kabataang lider sa kanilang paglalakbay tungo sa makabuluhang pagbabago at matatag na paglilingkod!