22/01/2025
Tips sa pagrereview:
1. Time:
Piliin ang oras na kayo ay nasa mood magreview.Hindi kailangan na 4:00am dahil sinabi ng iba na mas madali para sa kanila na mag-aral,o kaya 10 ng gabi dahil sabi ng iba mas nakakapagconcentrate sila.Iba-iba po tayo ng kondisyon ng isipan, katawan at sitwasyon. Maaaring epektibo sa kanila pero hindi sa iyo,wala din namang mawawala if susubukan mo ang suggestions ng nila baka nga ok din para sa iyo.
2. Paraan ng pag-aaral
Isaalang-alang kung anong estudyante ka dati.Di po ba,merong Auditory, Virtual, Reading and based learners sa school?If paano po kayo nakapasa sa school dati ganun din gawin nyo sa pagrereview.
Maraming pwedeng references.If auditory learner ka makinig sa YouTube,pwede namang ulit-ulitin.Ok lang din kung ayaw nyo ng may nagsasalita habang nagrereview ka mute nyo na lang o kaya magbasa sa mga fb pages at magcomment.
3. Lugar
Maghanap ng lugar kung saan sa pakiramdam nyo mas aliwalas sa pakiramdam at madali kayong nakakapag-aral.kung gusto nyo sa room,sa kusina,labas ng bahay,o kaya habang nagkakape ka,nakain,naliligo o kahit sa cr😊.
4. ProEd,GenEd o Majorship?
Huwag nyong i-stress ang sarili nyo if hindi pa kayang pagsabayin.Sa gened mag "by subject" ka muna halimbawa sa science,sa dami ng topics di mo na naman alam ano uunahin?😅,mag "by topic" ka lpara mas maraming mareview.
Halimbawa:
Subjec: Science
Topic: Human Body
Sa topic na eto may ang marerefresh mo ay tungkol sa:
1.Skin. 5. Muscles 9.Kidneys
2. Brain. 6. Stomach. 10. Gall Bladdet
3. Heart. 7. Liver
4. Bones. 8. Intestines
di ba nakarami ka na?sa Skin pa lang may dermis at epidermis na,sa Brain Cerebrum,Cerebellum at brain stem .
Pagkatapos sa ibang topic naman,atoms,animals...etc.kapag ok na at organize at systematic na ang iyong pagreview mag ProfEd ka na.Ang majorship kasi parang kasama na din ya sa pagreview mo ng GenEd nadagdagan lang ng ibang subjects.
5. Schedule
Dahil organized at systematic na by subject o by topic man, magtime management ka naman.gawa ka schedule. Halimbawa,
Mon- English at Filipino
Tue- Socsci
Wed- Math
Thu- Science
Friday- ProfEd
Kayo na ang bahala,basta kumportable kayo.
6. Laging magtiwala sa sarili at Panginoon
Pray lang lagi.Huwag pansinin ano mang toxic sa paligid nyo.kayo lang po ang makakatulong sa sarili nyo.Tiwala sa Panginoon.🙏