02/08/2022
TULOY-TULOY ANG ENROLLMENT SA MGA PAARALAN!
Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 ngayong Agosto 2, 2022, 7:00 AM, umabot na sa kabuuang 13,152,065 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral mula nitong Hulyo 25 para sa darating na taong panuruan.
Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 1,979,232 na sinusundan ng NCR (1,646,628), at Region III (1,309,625).
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022. Tandaan na mayroon tayong tatlong pamamaraan sa pagpapatala: in-person, remote, at dropbox enrollment.
Dagdag pa rito, ang ating mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na ring magpatala nang in-person o digital.
Sa pagpunta sa mga paaralan, ating panatilihin ang proteksyon ng bawat isa. Huwag kalimutang sundin ang ating mga health and safety protocols.
Sama-sama sa ligtas na balik-aral! Magparehistro na sa inyong paaralan!
Para sa karagdagang detalye, basahin ang DepEd Order No. 35, s. 2022: bit.ly/DO35S2022