Kapisanan ng mga Guro sa Filipino - Schools Division of Bacolod City

Kapisanan ng mga Guro sa Filipino - Schools Division of Bacolod City

Share

G**ong Filipino para sa bayang makabago.

10/01/2026
10/01/2026

Nayanig ang buong Dibisyon ng Lungsod ng Bacolod sa balitang pagpanaw ng Superbisor sa Filipino na si Doc.Aldrin Vingno, Enero 8, 2025.
Napag-alamang halos tatlong araw na itong walang buhay bago pa siya natagpuan sa kanyang bahay sa San Dionisio ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa kanyang katiwala sa kanyang tanggapan, na si Gng. Lea Fondador, pumasok pa si Vingno noong Lunes, Enero 5, ngunit umalis din nang umagang yaon dahil ito ay nagpatingin sa doktor at nagpasuri sa isang laboratoryo sanhi ng iniindang karamdaman.
Bumalik daw ito ng hapon at nagpaalam na uuwi nang maaga upang makapagpahinga, dagdag pa ni Fondador.
Ito na ang huling pagkakataon na nakita at nakausap ang Superbisor dahil kinagabihan, hanggang sa sumunod pang mga araw ay wala na itong komunikasyon sa mga kakilala.
May lumabas namang impormasyon mula sa Taxi Driver na siyang tinawagan niya bandang alas 2:30 ng madaling araw, ng Enero 6, ngunit hindi nito nasagot bagama't tinatawagan siya nito bandang alas 3:00 ng madaling araw sa parehong petsa, na wala na ring sumasagot sa kabilang linya.
Bagaman ipinagpalagay na atake sa puso ang sanhi ng kamatayan ni Vingno, sinusuri pa rin ang iba't ibang anggulo upang matiyak na walang "foul play" sa insidente.
Labis-labis ang paghihinagpis ng lahat ng nasasakupang departamento sa biglaang pagkawala ni Vingno lalo't wala man lang itong habilin o anumang pahiwatig sa kanyang pagpanaw, bagkus, nag-iwan pa ito ng mga alaalang halos hindi maiwaglit sa puso at isipan ng lahat.
Si Doc. Aldrin ay kilalang isang taong may malawak na sirkulo ng mga kaibigan lalo na sa kagawarang (Filipino) kanyang nasasakupan dahil sa iba't ibang programang isinasagawa nito mapasekundarya o elementaya man.
Sa kanyang pagpanaw, mapatotohanang unang mawawala sa mundo ang mababait na siyang magsisilbing anghel na gagabay sa ating mga landasin.
Ang kabutihang kanyang iniwan ay nag- iwan ng markang nakaukit sa puso ng bawat isa na siyang babaunin habambuhay.

09/01/2026

Buong pagdadalamhati naming ibinabalita ang biglaang pagpanaw ng aming mahal na superbisor na si Aldrin G. Vingno noong Enero 8, 2026.

Ang kaniyang alaala ay mananatiling buhay sa bawat pusong kanyang naantig—sa mga ngiting kaniyang naibahagi, sa kabutihang kaniyang iniwan, at sa pagmamahal na hindi kailanman mawawala. Siya patuloy na mamahalin ng lahat nang nagkaroon ng pribilehiyong makilala siya.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong mga panalangin, pakikiramay, at pagdamay sa kaniyang pamilya sa panahong ito ng matinding kalungkutan.

Lamay:
Enero 11–13, 2026
La Villa Co**ha Plains Phase 2, Brgy. Hilamonan, Kabankalan City

Misa ng Libing:
Enero 14, 2026 | 2:00 ng hapon
Sto. Niño Parish Shrine (Old Cathedral), Kabankalan City

Libing: Angels’ Memorial Park, Kabankalan City

Ang iyong presensiya at panalangin ay lubos naming pahahalagahan.

Photos from Kapisanan ng mga G**o sa Filipino - Schools Division of Bacolod City's post 23/11/2025

Courage is contagious.
When brave man take a stand, the spine of others are often stiffened.
> Billy Graham

KAGUFIL and FILIPINO LEAD Team has a brave man not just standing behind, but lead with integrity and strength drawn from within, his character that speaks discreetly who really he is inside. With his passion to uplift the spirit of the lowly, his courage to begin an advocacy is contagious. With his excellent leadership and consistent action, Sir Aldrin Vingno is the man of this group.
BAYANIHAN 2025 started with careful planning and eventually preparing towards the realization of goals.

Thanking everyone and extending appreciation to all who in one way or another gave their share to the best they could,in monetary, in-kind and moral support! KUDOS to you all of you. You are the reason why the KAGUFIL have gone this far.
God bless you all..🙏
From 11/13-11/22/2025



>1st Stop at Brgy. RSB, La Carlota City
>2nd Stop at Brgy. Robles, La Castellana.

Photos from Kapisanan ng mga G**o sa Filipino - Schools Division of Bacolod City's post 22/11/2025

# BRGY. RSB
# 11/22/25

Photos from Kapisanan ng mga G**o sa Filipino - Schools Division of Bacolod City's post 22/11/2025

TULONG SA PANGANGAILANGAN
# KANLAON CITY
# 11/16/25

Want your school to be the top-listed School/college in Bacolod CIty?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Rosario-San Juan Streets
Bacolod City
6100