10/02/2026
Isang Maligayang Kaarawan sa Pangulo ng Ilaw at Panitik G. James Gumarao!
Tunay kang huwaran sa larangan ng pagpapalaganap ng kaalaman at sining. Bukod pa rito, sa iyong positibong pananaw at kakayahang magbigay ng aliw at pagaanin ang araw. Sa bawat salita at gawain mo, ipinakikita mo kung paano maging inspirasyon at liwanag para sa marami.Ikaw ay isang huwaran ng isang mabuting pinuno na hindi lamang nagtataguyod ng pag-unlad kundi nagbibigay din ng inspirasyon sa pamamagitan ng iyong mga salita at gawain. Nawa'y pagpalain ka pa ng Panginoon ng masaganang kalusugan, at bigyan ka ng sapat na biyaya para matupad ang lahat ng iyong mga pangarap at layunin.
Mula sa iyong IAP Family, Isang Mapagpalang Kaarawan. Mahal ka namin! ๐๐คโจ
25/01/2026
Pagpupugay sa mga Hinaharap na G**o at sa Ika-39 na Pinning Ceremony
Malugod naming binabati ang mga dating Opisyal ng IAP sa inyong karapat-dapat na pagpipin sa ika-39 na Pinning Ceremony na may temang โNangunguna sa Landas para sa mga Hinaharap na Lider.โ Ang inyong pamumuno at dedikasyon bilang mga magiging g**o ay nagsilbing huwaran ng tapat na paglilingkod at kahusayan.
Binabati rin namin ang mga Filipino Medyorโ mga g**ong hinuhubog pa lamang, handang humubog ng isipan, magbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral, at manguna sa mga henerasyon sa pamamagitan ng kaalaman at layunin.
Lubos naming ipinagmamalaki kayo patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap! ๐๐
Mabuhay ang Kolehiyo ng Edukasyon!โจ
25/01/2026
Malugod na pagbati ng isang maligayang kaarawan๐๐โจ sa aming pinakamamahal na g**o at tagapayo sa Ilaw at Panitik!
Sa bawat salitang binibigkas at aral na ibinabahagi, kayo po ang nagsisilbing gabay at inspirasyon namin. Ang inyong talino at malasakit ay naging tanglaw sa aming mga pangarap at patuloy na nagbibigay-liwanag sa landas na aming tinatahak. Hindi lamang po kayo isang g**o, kundi isang tunay na haligi ng kaalaman at pusong nag-aalab para sa sining at wika.
Nawaโy pagpalain po kayo ng mas mahabang buhay, masiglang kalusugan, at walang katapusang kaligayahan.
Maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal at pagkalinga sa amin, ang inyong mga mag-aaral na lubos na nagpapasalamat.
Mabuhay po kayo at maligayang kaarawan!
19/12/2025
We are swelling with pride as we celebrate the remarkable success of our new Licensed Professional Teachers! Your hard work, late-night reviews, and unwavering dedication have finally paid off.
STI West Negros University continues to surpass the national passing rates, demonstrating our commitment to excellence in teacher education.
BEED: 76.19% First Takers Passing Rate (National: 51.04%)
BSED: 80.56% First Takers Passing Rate (National: 72.62%)
To our new LPTs: Go forth and inspire the next generation. The classroom is waiting for you! ๐๐
18/12/2025
๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฒ๐๐ ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐
Buong pagmamalaki at galak naming ipinagdiriwang ang pagkakapanalo ng mga kasapi ng Ilaw at Panitik sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT). Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng talino, kundi ng walang sawang pagsisikap, pagpupuyat, pag-aalinlangan, at pananalig sa sariling kakayahan.
Sa bawat pahinang binasa, sa bawat luha ng pagod, at sa bawat dasal na inialayโnaroon ang apoy ng pangarap na patuloy na nagbigay-liwanag sa inyong landas. Pinatunayan ninyo na ang panitikan ay hindi lamang sining ng salita, kundi lakas ng loob at tibay ng puso.
Sa inyong tagumpay, dala ninyo ang pangalan ng Ilaw at Panitikโisang patunay na ang mga makata, manunulat, at mangingibig ng wika ay may lugar sa propesyon ng pagtuturo at sa mas malawak na lipunan.
Maligayang pagbati, mga ganap nang G**ong Lisensyado!
Nawaโy patuloy kayong maging ilaw sa silid-aralan at panitik sa puso ng bawat mag-aaral.
Ilaw at Panitik, patuloy na magniningning.
๐๐ข๐๐๐ง๐ฌ๐๐ ๐๐ซ๐จ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก๐๐ซ - ๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐๐๐
Kyrille Leann A. Reyes, LPT
Shaniel Ejlyn B. Rojo, LPT
Renz L. Obsequio, LPT
Jan Hansel O. Espiritu, LPT
Clyve F. Amarilla, LPT
Charina A. Millan, LPT
Chris Jane E. Ocillada, LPT
Ana Mariella C. Ocares, LPT
Trisha Ann I. Villorente, LPT
Zharilyn Kaye Trono, LPT
Aia A. Ledesma, LPT
Rona A. Austero, LPT
Aedriana Ysabelle S. Ya-un, LPT
Michellee Q. Taton,LPT
Shellerie Joyce Alsado, LPT
Simon M. Jimenea, LPT
Christine Mae M. Andres LPT
Ricah Mae G. Ogahayon, LPT
10/12/2025
Isang mainit na pagbati sa BSED FIL 3A sa inyong DEBATE!
Sa bawat salitang binitawan, sa bawat argumentong pinaglaban, at sa bawat minutong ginugol sa paghahandaโpinatunayan ninyo na hindi lamang talino kundi puso at paninindigan ang tunay na lakas ng isang mahusay na debater.
Ang inyong matagumpay na debate ay hindi lang simpleng pagtatanghal; itoโy patunay ng lalim ng inyong pag-unawa, husay sa pangangatwiran, at galing sa paggamit ng wikang Filipino bilang sandata ng lohika at katotohanan. Ipinakita ninyong ang diskurso ay hindi tunggalian ng boses, kundi pagtatagpo ng ideya para sa mas makabuluhang pagkatuto.
Ipagmalaki ninyo ang tagumpay na itoโhindi lamang dahil nanalo kayo, kundi dahil naipamalas ninyo ang dangal ng pagiging BSED Filipino: may tapang magsalita, may respeto sa kapwa, at may malalim na pagnanais na maghatid ng kaalaman.
Mabuhay ang BSED FIL 3A!
Patuloy kayong maging tinig ng talino, kultura, at katotohanan.
09/12/2025
Pagbati sa BSED Filipino 4A, higit pa sa isang requirement ang Final Defense na inyong hinarap. Ito ay naging salamin ng bawat puyat, pagod, pagkabigo, at muling pagbangon. Lahat ng โdi napansing sakripisyo mula sa pag-eedit ng papel hanggang sa pagsasanay ng presentasyon ay naging hakbang papunta sa araw na ito. At ngayon, napatunayan ninyo sa inyong sarili na kaya ninyong lampasan ang anumang pagdududa.
Sa bawat sandaling pinakinggan ninyo ang tanong ng panel at tumugon nang may lakas ng loob, ramdam ang puso ninyong handang ipaglaban ang gawaing buong puso ninyong binuo. Hindi lang talino ang bumida rito kundi ang tapang, ang determinasyon, at ang pagmamahal ninyo sa propesyong pinili. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang sa inyo, kundi sa lahat ng taong naniwala at sumuporta sa inyong paglalakbay.
Nawaโy manatili ang diwang ito habang tinatahak ninyo ang mundo ng pagtuturo. Iba ang g**ong dumaan sa pagsubok, at kayo iyon matatag, mapagmahal, at may pusong para sa bayan. Maligayang pagbati, BSED Filipino 4A. Ang tagumpay na ito ay simula pa lamang ng mas magagandang kwento na bubuuin ninyo sa buhay.
14/11/2025
Maligayang kaarawan๐๐โจ sa aming Pang. Pangulo, Bb. Glaiza Pearl Pastor!
Nawaโy maging makulay, masaya, at makahulugan ang araw na ito para sa iyo. Nawaโy matupad ang lahat ng iyong mabubuting hangarin at patuloy kang pagpalain sa bawat landas na iyong tinatahak. Ipagpatuloy mo lamang ang pagkakaroon ng malinis at tapat na puso sa iyong paglilingkod, sapagkat ito ang nagbibigay-inspirasyon sa iyong mga kasamahan.
Sa muli, isang taos-pusong maligayang kaarawan!
Mula sa iyong mga kasamahan sa Ilaw at Panitik.
10/11/2025
Maligayang kaarawan๐๐ sa aming auditor na si Binibining Ginette Alit. Nawaโy maging makabuluhan at masagana ang panibagong taon ng iyong buhay. Mula sa iyong mga kasamahan sa Ilaw at Panitik, na taos-pusong nagpapasalamat sa iyong sipag, katapatan, at dedikasyon sa serbisyo.
Mabuhay ka, at nawaโy patuloy kang maging inspirasyon sa aming lahatโจ
21/10/2025
Isang matagumpay na presentasyon mula sa BSED FILIPINO 1A sa kanilang parada ng Mitolohiyang Pilipinoโจ๐
Isang pagpupugay sa yaman ng ating pamana. Ipinagmamalaki naming isabuhay at ipakita ang kagitingan at hiwaga ng mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Pilipino. Ang proyektong ito ay naglalayong bigyang-halaga at patuloy na ikintal sa kamalayan ng kasalukuyang henerasyon ang mga sinaunang salaysay at paniniwala na bumubuo sa ating pagkakakilanlan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang mga larawang ito upang lalo pang saliksikin at yakapin ang ating natatanging kultura.
๐จ: James Gumarao
21/10/2025
Isang matagumpay na presentasyon mula sa BEED GEN 1A sa kanilang parada ng Mitolohiyang Pilipinoโจ๐
Isang pagpupugay sa yaman ng ating pamana. Ipinagmamalaki naming isabuhay at ipakita ang kagitingan at hiwaga ng mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Pilipino. Ang proyektong ito ay naglalayong bigyang-halaga at patuloy na ikintal sa kamalayan ng kasalukuyang henerasyon ang mga sinaunang salaysay at paniniwala na bumubuo sa ating pagkakakilanlan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang mga larawang ito upang lalo pang saliksikin at yakapin ang ating natatanging kultura.
๐จ: James Gumarao