19/12/2023
Maligayang PAWsko! βοΈβ¨πΎ
Ngayong Disyembre, handog ng Samahang Filipino ang "Regalong PAWmasko," isang proyektong naglalayong magbigay tulong at ayuda sa mga alagang aso't pusang inampon at naisalba sa mga kalye ng probinsya bunga ng pang-aabuso, pangmamaltrato, at pagaabandona. Bilang bahagi ng misyon ng Samahang Filipino na magtaguyod ng mga programa sa paghahasa sa kaalaman ng mga mag-aaral na nauukol sa pamilya, paaralan, komunidad, at bayan, nagkaisa ang samahan na magtungo sa BACH Silong Shelter at magbigay ng munting sorpresa't regalo sa ating mga minamahal na alagang hayop.
Nais naming bigyang pagkilala ang BACH Project PH; isang organisasyong naglalayong masagip at matulungan ang mga aso't pusang gala, sa pangunguna ni Sir CJ, tagapangalaga ng shelter, sa pagpapaunlak sa amin. Kami ay lubos na sumasaludo at nagpapasalamat sa kabutihang loob na ipinakita niyo sa mga alagang hayop sa shelter. πΆπ
Ang proyektong ito ay hindi rin masasakatuparan kung hindi dahil sa mga mapagkalingang miyembro ng Samahang Filipino, sa pamumuno ni Kenjie S. Francisco, Pangulo ng Samahan, at Mercy Grace Lo, Club Adviser. Sa kabila ng distansiyang hinarap ng mga kasapi patungo sa shelter, matagumpay paring naipagsagawa ng samahan ang pagbigay tulong sa nangangailangan.
Taos puso rin kaming nagpapasalamat sa mga NOHSians na tumangkilik at sumuporta sa 'Ligaya sang Kinaiya' booth. ππ« Ang perang aming nalikom noong nakaraang Students' Week ay ibinahagi namin sa proyektong ito. πΎ
Sanaβy ipagpatuloy natin ang pagbabahagi ng ating biyaya at pagmamahal sa iba, hindi lamang sa ating kapwang tao kundi pati na rin sa ating mga alagang hayop. Maligayang PAWsko sa inyong lahat! πΊπΆπ
Sulat ni: Jann Daniel Jardinico at Ehra Teriz Pacificar
Sa karagdagang impormasyon at sa nais magbigay ng tulong, maaaring bisitahin at i-follow ang kanilang fb page:
https://www.facebook.com/bachprojectphilippines?mibextid=2JQ9oc