ASIKO Barrio School

ASIKO Barrio School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ASIKO Barrio School, Elementary School, ASIKO BARRIO SCHOOL BANGKATAN, Baco.

08/04/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Rionel Padrquilla, Arra Laura

Photos from ASIKO Barrio School's post 01/04/2026

"Our kind of PAHINGA"

Salamat sa gutom na tiniis nang magkakasama
Sa mga gabi nang umuwi pero tanglaw ang isa't-isa
Sa mga ibinahaging talento at ideya
Sa malulutong na tawa,
Sa mga ambagan sa meryenda
Sa simpleng ulam na pinagkakasya
Sa mga matang pinipilit imulat kahit sukong-suko na
Tunay na wala tayong di kaya
Dahil tayo ang magkakasangga

Cheers sa matagumpay na pagtatapos,
Kampay sa samahang tumatagos 🥰

Photos from ASIKO Barrio School's post 01/04/2026

Panibagong talata ang naisulat at natuldakan. Panibagong tula ang nakompleto ang taludtod at saknong. Panibagong awit na nahimig. Panibagong kuwento na may bukas na wakas.
Salamat sa nagdaang yugto at pagbuklat sa susunod na kabanata.

Isang matagumpay na pagtatapos ang ginanap sa ASIKO Barrio School, Marso 31 . Ramdam ang natatanging halaga nito mula sa panalangin, pagbati, pagtanggap hanggang mensahe at awit ng pasasalamat. Lubos na naantig at humanga ang mga panauhin sa mensahe ng mag-aaral na nagtamo ng mataas na karangalan 🥰

Ang naturang matagumpay na gawain ay hindi magiging posible kung wala ang mga taong nasa likod nito. Ang mga g**o, school head at mga magulang na nagtulungan sa buong preparasyon. Ang mga tao na hindi kami iniwan mula umpisa hanggang dulo.

Lubos na pasasalamat din ang aming ipinaaabot sa mga nagsipagtapos, kanilang mga magulang lalong higit sa mga nagsilbing panauhin mula sa iba't ibang paaralan na mas nagpatingkad sa diwa ng selebrasyon. At sa aming panauhing tagapagsalita Bb. JANE D. YAMBAO, salamat sa inspirasyon na ibinahagi mo sa amin lalong higit sa mga nagsipagtapos. Nawa ay mas maraming punla pang tulad mo ang aming madiligan at mapayabong.

Congratulations Batch 2025-2026,
Hangad namin ang tagumpay ninyong lahat 😇

Photos from ASIKO Barrio School's post 26/03/2026

"We are powerful than we know"

Celebrating women, celebrating success ❤️

Sa pangunguna ng school head ng paaralan - Sir Rowelson A. Dilay, sa tulong ng AO - Sir Von Lester A Cabatay , ASS - Sir Jonathan Axalan at Admin Aide, Sir Dyrel Bangcaya, (ang aming F4) ay naging matagumpay ang simple ngunit makabuluhang sorpresa para sa mga babaeng g**o ng paaralan. Nasa likod din ng matagumpay na Women's Month celebration ang GAD coordinator, madam Dyan Agillon at mga SELG Officers.

Handog ay awit, sayaw, regalo, papremyo, pagkilala at saya.
Salamat sa pagtatampok sa aming kakayahan at pagpaparamdam ng aming halaga bilang mga babaeng hindi babae lang ❤️

Photos from ASIKO Barrio School's post 14/03/2026

"Project CLEAN"
SELG officers (2025-2026)

Sa pagtatapos ng sampung buwang proyekto ng SELG officers ay naghandog sila ng mga papremyo para sa bawat baitang. Ang naturang proyekto ay nakaangkla sa layuning mapanatili ang malinis at kaaya-ayang silid-aralan at kapaligiran para sa lahat. Nakatanggap ng laminator ang 5 baitang bilang consolization prizes at mini cabinet naman para sa:

🏆1st PLACE
Grade 5A
Adviser: Miriam Banta Valencia
🏆 2nd Place
Kindergarten
Adviser: Dyan Agillon
🏆 3rd Place
Grade 6
Adviser: Harlene Harlene

Sa pangalawang taon ng proyektong ito, muli itong naging matagumpay at mas magtatagumpay pa sa mga susunod na taon sa tulong ng mga g**o, mga magulang at school head ng paaralan.

Kudos SELG officers!
Maraming salamat sa inyong pagsisikap at dedikasyon 💗

Photos from ASIKO Barrio School's post 14/03/2026

"LUTONG BAHAY NI NANAY"

Bukod sa family fun games at "magpasikat" ay hindi rin nagpahuli ang mga dakilang ilaw ng tahanan sa pagpapakita ng kanilang talento sa pagluluto at pagpapatikim ng natatanging putahe mula sa gabi.

Photos from ASIKO Barrio School's post 14/03/2026

FAMILY DAY 2026
"PAMILYAkap sa Isa't isa, Magdiwang, Magsaya kasama ang Pamilya"

Bilang pagpapahalaga at pagkilala sa pamilya bilang pangunahing sandigan ng mga mag-aaral sa pagkatuto at paglago ay nagsagawa ang paaralan ng natatanging araw para sa bawat pamilya. Naghanda ang mga g**o sa tulong ng mga PTA officers at ilang indibidwal ng mga palaro at patimpalak. Naghandog din sila ng mga regalo sa mga magulang na dumalo at mga pa-raffle.

Layunin ng gawain na mas maging matibay ang ugnayan ng mga g**o, magulang at pamilya tungo sa pagpapaunlad ng kasanayan, pagkatuto at talento ng bawat bata ng Asiko.

14/03/2026

"Kapag sinabi mo na sumayaw sila, dapat sumayaw ka muna"

From teaching to dancerist, real quick 😅
Bilang pangunguna sa patimpalak na "Magpasikat" ay nagbahagi rin ng talento sa pagsayaw ang mga g**o na labis na kinagiliwan ng mga mag-aaral, mga magulang at mga panauhin.

14/03/2026

"Piliin ninyong maging masaya upang magawa ninyong makapagbigay ng saya"

Matapos magpalaro at mamigay ng mga papremyo, deserve natin ang tawanang ito 💗

Photos from ASIKO Barrio School's post 14/03/2026

"Together we can do so much"

Muli na naman nating napatunayan na walang imposible kapag nagtutulungan. Pagpupugay sa isang matagumpay na gawain at siguradong marami pa ang paparating.

Want your school to be the top-listed School/college in Baco?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


ASIKO BARRIO SCHOOL BANGKATAN
Baco
5201