30/03/2026
SULONG-DUNONG: 12 HUMSS A Durkheim, Matagumpay ang isinagawang Community Outreach sa Brgy. Banao.
Matagumpay na naisakatuparan ng mga mag-aaral ng Grade 12 HUMSS A Durkheim ang kanilang Community Outreach sa Barangay Banao, Bacacay, Albay noong Marso 29, 2026. Isinagawa ito sa ilalim ng temang โJourney with Us: Bagong Kaalaman, Hakbang sa Kinabukasan,โ na nilahukan ng mga mag-aaral ng ika-6 na baitang mula sa Banao Elementary School.
Layunin ng programang ito na makapagbahagi ng kaalaman, kasiyahan, at inspirasyon sa mga kabataan. Tampok sa nasabing gawain ang ibaโt ibang makabuluhang aktibidad tulad ng Zumba, oryentasyon, mga palaro, at pakain, na nagbigay ng saya at dagdag kaalaman sa mga kalahok.
Nagkaroon ng orientation na nakatuon sa transisyon mula Grade 6 patungong high school kung saan ipinaliwanag ang mga pagbabago, hamon, at oportunidad na kanilang haharapin. Sinundan ito ng mga interaktibong palaro na nagbigay saya at nagpalakas ng samahan ng mga mag-aaral. Naging masigla rin ang programa sa pamamagitan ng Zumba na nagbigay enerhiya at kasiyahan sa lahat ng kalahok.
Sinuportahan ang nasabing programa ng Zamora Memorial College Administration sa pangunguna ni Atty. Madonna N. Clarino, Chief Operating Officer; Dr. Hazel B. Vergara, ZMC President; at Dr. Irene A. Marquez, ZMC Principal.
Nais ding ipahatid ng HUMSS A Durkheim ang pasasalamat kina Hon. Mayor Nookie Bombales, Mrs. Leizel, Mr. Bryan Bello at Mrs. Nemia Bermas g**o ng Banao Elementary School, Principal Mariz G. Ocampo na naging parte at umalalay sa nasabing aktibidad.
Lubos din ang pasasalamat sa g**o na sina G. Clark Bercilla at Bb. Jenessa Barrameda, na buong puso ang paggabay sa lahat ng gawain, kay Ms. Jhomz Baliza, g**o ng Trends, Networks, and Critical Thinking in the 21st Century, kasama ang kanyang student teacher na si G. Jonel B. Basquiรฑas, at sa dalawang executive leaders na sina Bb. Leiyan B. Bello at G. Allan Junil Pancho, sa kanilang mahalagang kontribusyon sa bawat hakbang ng programa.
โ๏ธ: Adrian Paga and John Mark Barquilla
๐ธ: Shiena Baรฑez and Sir Jonel Basquiรฑas