17/02/2026
YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
1. Kung bobo ang tawag sa akin dahil naglaan ako ng pera para makabili ng laptop na gagamitin sa pagtuturo, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
2. Kung bobo ang tawag sa akin dahil ginagamit ko ang bahagi ng sweldo ko para bumili ng materyales para sa klase, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
3. Kung bobo ang tawag sa akin dahil nag-home visit ako sa batang hindi pumapasok, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
4. Kung bobo ang tawag sa akin dahil galing sa bulsa ko ang ginagastos ko para matulungan ang estudyante na manalo sa contest, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
5. Kung bobo ang tawag sa akin dahil nag-overtime ako para matapos ang grades kahit lampas na sa working hours, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
6. Kung bobo ang tawag sa akin dahil nagbabantay at gumagabay ako sa estudyante kahit hindi ko na siya subject, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
7. Kung bobo ang tawag sa akin dahil inuuna ko ang kapakanan ng mga bata kaysa sa sarili kong pahinga, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
8. Kung bobo ang tawag sa akin dahil ginagabayan ko ang estudyanteng walang internet para lang makasabay sa klase, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
9. Kung bobo ang tawag sa akin dahil ako ang bumibili ng printer, tinta, at bond paper para lang may maipaprint na worksheets ang mga bata, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
10. Kung bobo ang tawag sa akin dahil kahit pagod, stress, at halos wala nang laman ang wallet, nakangiti pa rin ako sa harap ng klase, YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
YES, BOBO AKO, BOBO!!!!!
Dahil ang BOBong ito ang naging Tagahubog ,Tagapagpanday ng lahat ng Professional at Vocational na Tao sa buying mundo.