02/08/2026
TINGNAN — ANHS, Muling Nag-Uwi ng mga Parangal sa 4th CTP/MAPEH/DRRM Competition kahit Maulan!
Hindi naging balakid ang buhos ng ulan para sa ating mga mag-aaral upang muling ipamalas ang kanilang galing, disiplina, at dedikasyon sa katatapos lamang na 37th Sto. Domingo Pintakasi Parade: 4th CTP/MAPEH/DRRM Competition ngayong araw, Agosto 2, 2026.
Sa kabila ng madulas at maputik na kalsada, buong puso at may ngiti pa ring sumabak ang ating kinatawan sa pampublikong parada at kumpetisyon. Ito na ang ikalawang pagkakataon na sumabak ang ating grupo sa nasabing paligsahan, at muli nilang pinatunayan na ang pagsisikap at sakripisyo sa mga araw-araw na ensayo ay nagbunga ng napakalaking tagumpay.
🏆Buong pagmamalaking inuwi ng ating paaralan ang mga sumusunod na tropeo:
🥇 1st Place – Best Marching Majorettes (Category A)
🥈 2nd Place – Majorettes Exhibition Contest (Category A)
🥉 3rd Place – Best Marching CTP/DRRM - Girls (Category 1)
🏅 4th Place – Best Marching CTP/DRRM - Boys (Category 1)
🏅 4th Place – DXMC/DLC Exhibition Contest (Category A)
🏅 5th Place – Best Marching DXMC/DLC (Category A)
Hindi rin magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang buong-pusong gabay at suporta ng ating Punong G**o, G. Leonardo B. Balaton Nardz Biag Balaton, pati na rin ng ating mga nakatutok na coordinators at trainors:
Majorettes: Shiena S. Cadag Pot Sanqui at Mae Arroyo (Coordinators), kasama si Ryan Olitoquit (Trainor)
DLC: Ed Quinto (Coordinator) at Alexis Lompero (Trainor)
CTP-DRRM: Jerom Portacio at Angilbert Bricia Bert Bryatt Bricia (Coordinators), kasama si Jeric Baracena (Trainor)
Medic: Joan MontenegroBibares/Jocelyn Lhyn Prades
Hindi rin maipagkakaila ang napakalaking ambag ng ating mga magulang na walang sawang sumusuporta sa aspetong pinansyal at moral.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang patunay ng husay sa larangan ng musika at eksibisyon, kundi isang malinaw na simbolo ng katatagan at pagkakaisa ng buong komunidad ng ating paaralan.
Muli, isang mainit na pagbati sa ating mga mag-aaral, mentors, at mga magulang! Saludo kami sa inyong dedikasyon!