06/04/2024
πππ ππππ’ π¬π π₯ππ‘ππ π§π π§ππ€πππ’π₯ππ§π π¬π ππππ§'π¬ ππ’π¬πππ«!!βοΈπ
Sa pagtatapos ng isang semestreng puno ng kaalaman, pinatuyan ng lahat ang kanilang tinataglay na kahusayan. Sa bawat oras na ating inilaan, ang mga hirap, pagpupuyat, pagpapalipas-gutom, at sari-saring sakripisyo para sa gawaing pang-akademiko ay nagbunga na. Totoo nga ang katagang "pag may tiyaga, may nilaga" - naging mahirap man pero kinaya, iba't ibang pagsubok man ang dumaan hinarap natin ito ng may determinasyon at kahusayan.
Lahat tayo ay nag-asam at nagpakita ng kagalingan upang mapabilang sa listahang ito, kaya binabati namin ang lahat dean's lister man o hindi. Hindi matatawaran ang determinasyon, dedikasyon, sipag at tiyaga na ipinamalas ng bawat isa. Totoong hindi naman nasusukat ng karangalang ito ang ating kaalaman, ngunit hindi rin matatawaran ang kasiyahang naidudulot nito sa atin. Kaya, isang maligayang pagbati sa lahat ng umangat sa unang semestre mula sa ating seksyon, pinatuyan ninyo na ang 1C ay hindi basta-basta. Hindi madali pero kinaya, kaya naniniwala kami na kung kaya ng iba ay kaya ng lahat. Nawa'y sa mga susunod na semestre ay sama-sama na tayo sa listahang ito. Mas lalo pa nating paghusayan, magpakita tayo ng pagtutulungan dahil ang tagumpay ng isa ay tagumpay nating lahat.
Muli, pagbati sa lahat, ang inyong pagiging Dean's Listers ay patunay na ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng tagumpay. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa inyong sarili kundi pati na rin para sa mga taong sumusuporta at nagtitiwala sa inyo. Sana ay patuloy kayong magpabatid ng kahusayan, magsilbi kayong inspirasyon at modelo ng tagumpay.π₯³
βοΈ Kristine Mae N. Bicaldo