18/09/2026
π π
ππππΏπππΎππ: 009 βοΈπ
Alam mo ba? π€
Hindi lahat ng sinasabi ay naririnig. Minsan, ang isang simpleng salita ay may mensaheng hindi agad napapansin. Ang βOkay lang akoβ ay maaaring may kasamang pagod na hindi masabi. Ang βBahala kaβ ay maaaring may halong tampo, pag-aalala, o pagnanais na sana ay maintindihan siya.
Teka, wika check muna! ποΈβ
Sa komunikasyon, hindi lang salita ang mahalaga. Kasama rin dito ang tono, ekspresyon, kilos, konteksto, at maging ang katahimikan. Dahil dito, ang isang salita ay maaaring magkaroon ng ibang kahulugan depende sa paraan ng pagsasabi nito. Minsan, hindi ang βanoβ ang dapat nating pakinggan, kundi ang paraan ng pagsambit nito.
Bonus thought π§ β¨
May mga pagkakataong malinaw naman ang salita, pero hindi malinaw ang mensahe. May mga taong nagsasalita nang pabiro para maitago ang sakit, nananahimik dahil hindi alam kung paano magsisimula, o nagsasabing βokay langβ dahil ayaw nilang maging pabigat.
Kaya bago natin sabihing, βSinabi naman niya na okay lang,β subukan muna nating makinig nang higit sa narinig natin. Dahil ang tunay na pakikipagkomunikasyon ay hindi lamang tungkol sa pagsasalitaβito rin ay tungkol sa pag-unawa. π«
Hindi lahat ng mensahe ay nasa salita.
Minsan, nasa paraan kung paano ito sinabi.
At minsan, ang kailangan lang natin ay makinig nang kaunti pa. πβ¨
βπ»: Jhon Michael M. Nicolas
π¨: Mica Clarisse A. Banca