07/08/2026
๐ขABISO SA MGA KAWANI AT MAMAMAYAN NG LALAWIGAN NG QUEZON
Batay sa Memorandum Order No. 16, Series of 2026 na inilabas ng Office of the Provincial Administrator, ipatutupad ang half-day work schedule sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ngayong Agosto 7, 2026, bilang pag-iingat kasunod ng naganap na lindol at sa rekomendasyon ng Quezon Provincial Emergency Response (QPER).
Ang lahat ng tanggapan ay mag-ooperate lamang hanggang 12:00 ng tanghali, maliban sa mga opisina na nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness at response, at iba pang mahahalagang serbisyo, na magpapatuloy sa kanilang regular na operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, mag-ingat sa posibleng aftershocks, at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang awtoridad.
Samantala, ang suspensyon ng klase at operasyon sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ay nakabatay sa direktiba ng mga namumuno sa LGUs sapagkat sila ang nakakaalam ng epekto ng nasabing lindol sa kanilang nasasakupan.
Stay Safe Quezonians.