18/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Kahapon, ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, naging makulay at makabuluhan ang pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ง๐ฅ๐จ๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ,na isinagawa bilang bahagi ng Programa ng Pagtitipon.
Buong puso at siglang nakiisa ang mga g**o at kawani ng paaralan at mga mag-aaral ng Sonlon NHS sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsusuot ng ibaโt ibang tradisyunal na kasuotang Pilipino, Filipiniana, at Barong Tagalog. Sa bawat kasuotan, nasilayan ang kagandahan, kasaysayan, at mayamang kulturang tunay na atin.
Mas naging masigla ang pagdiriwang sa pamamagitan ng makukulay na pagtatanghal ng mga mananayaw mula sa Baitang 12-Gold at Hugyaw Mananayaw na nagbigay-buhay sa ating mga katutubong sayaw at sining.
Nagbigay ng Pambungad na Pananalita si ๐๐ง๐ . ๐๐ข๐๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ ๐. ๐๐๐ ๐จ๐,
kung saan kaniyang ipinaliwanag ang tema ng pagdiriwang ngayong taon โ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ.โ Sa temang ito, binibigyang-diin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino at makabagong teknolohiya bilang mga kasangkapan sa pananaliksik, pagkatuto, at pagbabahagi ng kaalaman. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, patuloy nating pinahahalagahan ang ating sariling wika bilang tulay sa kaalaman at tagapangalaga ng ating kultura at pagkakakilanlan.
Samantala, nagbigay rin ng Mensahe ng Inspirasyon ang ating butihing ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ, ๐. ๐๐ซ๐๐๐ง๐จ ๐. ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฆ๐ข๐ฅ ๐๐ซ., ๐๐๐, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wika at kultura sa paghubog ng mga mag-aaral at respeto sa bawat isa.
Ang pagdiriwang na ito ay isang paalala na ang pagmamahal sa bayan ay nagsisimula sa pagpapahalaga sa sariling wika at kultura. Sa bawat salitang ating binibigkas, kulturang ating isinasabuhay, at kaalamang ating ibinabahagi, patuloy nating pinananatiling buhay ang ating pagka-Pilipino.
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!
,Padayon!