11/07/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!๐
Taos-puso pong nagpapasalamat ang Balete Elementary School sa lahat ng mga magulang, guardians, PTA officers, mga g**o, barangay officials at iba pang stakeholders na nakiisa at dumalo sa ating Unang General Parent-Teacher Association (PTA) Convergence Meeting na ginanap noong Hulyo 9, 2026 sa Balete Elementary School Function Hall.
Ang inyong aktibong pakikilahok at suporta ay nagpapatunay ng ating iisang layuninโang maitaguyod ang de-kalidad na edukasyon at matiyak ang kapakanan, kaligtasan, at tagumpay ng bawat mag-aaral ngayong School Year 2026โ2027.
Sa ating pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang programa, polisiya, at mga inisyatiba ng paaralan, kabilang ang:
๐ Ang pagpapatupad ng Three-Term School Calendar;
๐ Mahahalagang probisyon ng DepEd Order No. 15, s. 2026;
๐ Integrasyon ng ARAL Program upang higit na mapaigting ang pagkatuto ng mga mag-aaral;
๐ก๏ธ Child Protection Committee (CPC): Learners' Rights and Protection, bilang pagpapatibay ng ligtas at mapagkalingang kapaligiran sa paaralan; at
๐ฒ Ang School-Based Feeding Program (SBFP) Hot Meals Implementation na bahagi ng mas pinaigting na school nutrition initiatives ng DepEd para sa SY 2026โ2027.
Ang matagumpay na pagpupulong na ito ay naging daan upang mapalakas ang ugnayan ng paaralan, tahanan, at komunidad. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pagtutulungan, at sama-samang pagkilos, mas marami pa tayong maisasakatuparan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Muli, maraming salamat sa inyong oras, tiwala, at patuloy na suporta sa Balete Elementary School. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paghubog ng isang ligtas, masaya, at de-kalidad na kapaligiran sa pagkatuto para sa ating mga kabataan.
"Kapag nagkakaisa ang paaralan, magulang, at komunidad, mas maliwanag ang kinabukasan ng bawat batang Baleteรฑo."