27/08/2026
Cutar ES Feeding Program: Kalinga sa Bawat Bata
CUTAR, ARITAO β Isang makabuluhang feeding program ang isinagawa sa Cutar Elementary School noong Agosto 27, 2026, na naglalayong maitaguyod ang kalusugan, nutrisyon, at kapakanan ng mga mag-aaral.
Naging posible ang programa sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng mga indibidwal at organisasyong handang magbahagi ng kanilang oras, serbisyo, at resources para sa mga bata. Kabilang sa mga nanguna sa pagbibigay ng suporta ang GPTA Officers, sa pamumuno ni Genaro M. Evangelista Jr., kasama sina Ms. Remelyn Galutan, Ms. Herlyn Joy Castulo, at Hyra Mae Labaro.
Nagkaroon din ng Free Gupit para sa mga mag-aaral na isinagawa ng LGAA (Le***an Gay Aritao Association) sa pamamagitan ng inisyatiba ni Hon. RJ Lamigo. Bukod dito, nagpaabot ng suporta sina Mr. & Mrs. RJ Pacimio bilang Gas Sponsor, habang si Mrs. Laila Gamido naman ay nagkaloob ng kaldero na ginamit sa paghahanda ng pagkain.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at malasakit ng mga sponsors, GPTA officers, community partners, at ng buong paaralan, naging matagumpay ang programa. Higit sa isang simpleng feeding activity, ipinakita nito na ang kalinga at pagkakaisa ng komunidad ay mahalagang bahagi sa paghubog ng mas malusog, mas masaya, at mas maayos na kinabukasan ng bawat bata.