30/08/2025
Sa katatapos na pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng paaralan ay nagdulot na naman ng makabuluhang kasiyahan at karanasan ng mga mag-aaral na tunay na naghasa ng kanilang katalinuhan at kakayahan sa iba't-ibang larangan ng paligsahan.
Taos pusong pagbati sa mga nagwaging mag-aaral at pati na rin sa mga magulang sa walang sawang pagsuporta sa kanilang mga anak sa mga aktibidad ng paaralan. Sa pagtulong sa mga anak na isaulo ang kanilang tula at balagtasan, paghanda ng kanilang susuotin.
At higit sa lahat sa mga g**o na patuloy na naghuhubog sa mga mag-aaral. Ang walang kapantay na dedikasyon at pagmamahal sa tungkulin ang siyang nagsisilbing liwanag ng mga mag-aaral tungo sa kanilang tagumpay.
Maraming salamat din sa mga Barangay officials at mga magulang na nakiisa sa pagdiriwang na ito.
Mabuhay ang Yaway ES Family! Mabuhay ang Wikang Filipino at Katutubong Wika!
❤️YAWAY ES BIDA BEST!❤️