09/08/2026
📢 PUBLIC ADVISORY | WALANG PASOK
Alinsunod sa Executive Order No. 49, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, sa Lunes, Agosto 10, 2026, dahil sa patuloy na masamang panahon dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.
🌧️ Mangyaring manatiling ligtas, mag-ingat, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Municipality of Aringay page para sa mga susunod na updates.
Mag-ingat tayong lahat, Aringayeños! 💙