15/06/2026
Tinabunan ng abo ang aming lupain, ngunit hindi ang aming pag-asa.
Ngayong Hunyo 15, 2026, inaalala natin ang ika-35 anibersaryo ng pagputok ng Bulkang Pinatubo โ isang pangyayaring nagmarka sa kasaysayan ng Pampanga.
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1280, idineklara ang araw na ito bilang Special Non-Working Day sa Lalawigan ng Pampanga bilang pagkilala sa makasaysayang pagputok ng bulkan at sa mga aral na iniwan nito sa mga Kapampangan.
Ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong Hunyo 15, 1991 ay kinikilalang ikalawang pinakamalakas na pagputok ng bulkan noong ika-20 siglo. Nagdulot ito ng malawakang pinsala sa Pampanga, Tarlac, at Zambales, gayundin sa mga karatig-lugar sa Gitnang Luzon, at naging isa sa mga pangyayaring nagpabago sa buhay ng libu-libong Pilipino.
Sa paggunita sa araw na ito, kinikilala natin ang katatagan at determinasyon ng mga taong nagtagumpay sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan at pinsalang naidulot ng pagputok ng bulkan.
โ๏ธ: Princess Nicole Quiroz
๐ป: Derick Beloria