ApAn Hub with "MAM DATU"

Directions Contact the school

ApAn Hub with "MAM DATU" Araling Panlipunan

PLEASE BE GUIDED:ARALING PANLIPUNAN 9SESYON 2WEEK 2 — PAKSA: KONSEPTO NG PAMILIHANIKALAWANG TERMINOPamilihan at Makroeko...
25/09/2026

PLEASE BE GUIDED:
ARALING PANLIPUNAN 9
SESYON 2
WEEK 2 — PAKSA: KONSEPTO NG PAMILIHAN

IKALAWANG TERMINO
Pamilihan at Makroekonomiks (Pambansang Kita, Unemployment, at Implasyon)

Pamantayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang estruktura ng pamilihan.

SESYON 2:MGA ELEMENTO AT GAMPANIN NG PAMILIHAN

LAYUNIN:
Pagkatapos ng sesyon, maipapaliwanag ko kung paano nagkakaugnay ang mamimili, prodyuser, demand, suplay at presyo.

ISIPIN NATIN
Sa school canteen, biglang tumaas ang presyo ng bottled water. Ano ang maaaring dahilan? Tumaas ba ang demand? Bumaba ba ang supply? Tumaas ba ang gastos ng nagbebenta?
💭 Ano ang unang hinala mo?
💭 Anong impormasyon ang kailangan mo bago gumawa ng konklusyon?
PAANO NAGKAKAUGNAY ANG MGA ELEMENTO?
SIMPLE IDEA
Demand + Supply → Presyo → Desisyon ng Mamimili at Prodyuser

Ang mga desisyon sa pamilihan ay magkakaugnay. Kapag nagbago ang demand o supply, maaaring magbago ang presyo at dami ng produkto na naibebenta.

Elemento
1.Mamimili
2.Prodyuser
3.Demand
4.Supply
5.Presyo

Tungkulin
1.Nagpapakita ng demand at gumagawa ng purchasing decisions.
2.Nagbibigay ng supply at gumagawa ng production decisions.
3.Nagsasabi kung gaano karami ang nais at kayang bilhin.
4.Nagsasabi kung gaano karami ang nais at kayang ipagbili.
5.Nagbibigay ng signal sa mamimili at prodyuser.

CONTEXTUALIZED SCENARIO
Dahil sa malakas na ulan, nabawasan ang delivery ng gulay sa palengke. Mas kaunti ang gulay na available kaysa karaniwan.

ESRU CHECK
E-Ano ang nagbago? Supply ba o demand?

S- “Sa tingin ko, ______ ang nagbago dahil ______.”

R-May ebidensiya ba sa sagot ko? May ibang posibleng dahilan?

U-Gamitin ang impormasyon upang iguhit: Ulan → Supply ___ → Presyo ___ → Mamimili ___.

METASTRATEGIC SKILL
STRATEGY CHECK
Bago sumagot, piliin muna ang lens: demand–supply, presyo, production cost, o consumer behavior. Pagkatapos, tanungin: “Angkop ba ang strategy ko sa problemang sinusuri?”

PAGSASANAY
Kumpletuhin:
1. Kapag bumaba ang supply at hindi nagbago ang demand, maaaring __________ ang presyo.

2.Kung tumaas ang presyo, maaaring __________ ang gawin ng ilang mamimili.

3.Kung tumaas ang demand, maaaring kailanganin ng prodyuser na __________.

PLEASE BE GUIDED:SESYON-1WEEK 2 — PAKSANG:KONSEPTO NG PAMILIHANIKALAWANG TERMINOPamilihan at Makroekonomiks (Pambansang ...
25/09/2026

PLEASE BE GUIDED:
SESYON-1
WEEK 2 — PAKSANG:KONSEPTO NG PAMILIHAN

IKALAWANG TERMINO
Pamilihan at Makroekonomiks (Pambansang Kita, Unemployment, at Implasyon)

Nilalaman
1. Kahulugan ng Pamilihan
2. Iba’t ibang estruktura ng pamilihan

Pamantayang Pampagkatuto
Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang estruktura ng pamilihan.

KAHULUGAN NG PAMILIHAN
LAYUNIN
Pagkatapos ng sesyon, maipapaliwanag ko kung ano ang pamilihan at matutukoy ko ang mga pangunahing kalahok nito.

MAGSIMULA TAYO
Isipin ang isang araw na bumili ka ng pagkain sa school canteen, nag-order online, sumakay ng tricycle, o bumili sa sari-sari store.
💭 Saan naganap ang palitan?
💭 Sino ang bumili? Sino ang nagbenta?
💭 Ano ang ipinagpalit at magkano ang halaga nito?
ANO ANG PAMILIHAN?
Ang pamilihan ay isang sistema o mekanismo kung saan nagkakaroon ng palitan at nagkokoordina ang mga mamimili at nagbebenta. Hindi lamang ito isang pisikal na lugar. Maaari rin itong maging online o iba pang mekanismo kung saan nagkikita ang mga kalahok upang bumili at magbenta.
TANDAAN
Pamilihan = Mamimili + Nagbebenta + Produkto/Serbisyo + Palitan + Presyo

MGA PANGUNAHING KALAHOK
Mamimili
Prodyuser/Nagbebenta
Pamilihan

Ano ang ginagawa niya?
Bumibili ng produkto o serbisyo.
Gumagawa o nag-aalok ng produkto/serbisyo.
Nagbibigay ng mekanismo para sa palitan.

Halimbawa
Mag-aaral na bumibili ng pagkain.
Canteen operator.
Palengke, online marketplace.

MGA ELEMENTO NG PAMILIHAN
Konsepto Simpleng Kahulugan
Produkto/Serbisyo Bagay o gawaing ipinagpapalit.
Presyo Halagang ibinabayad sa produkto o serbisyo.
Demand Dami na handa at kayang bilhin.
Suplay Dami na handa at kayang ipagbili.
Kompetisyon Pakikipagkumpitensya ng mga kalahok sa pamilihan.
ESRU CHECK

E — ELICIT
Ano ang alam ko tungkol sa pamilihan? Saan ako nakaranas nito?

S — STUDENT RESPONSE
Tapusin: “Ang pamilihan ay… dahil…”

R — RECOGNIZE
Tama ba ang aking paliwanag? May nakalimutan ba akong elemento?

U — USE EVIDENCE
Gamitin ang halimbawa upang ayusin o dagdagan ang aking paliwanag.

AKTIBIDAD — HANAPIN ANG PAMILIHAN
Magbigay ng tatlong halimbawa ng pamilihan na nakikita mo sa iyong komunidad.
Halimbawa Mamimili Nagbebenta Ano ang ipinagpapalit?
1. __________ __________ __________ __________
2. __________ __________ __________ __________
3. __________ __________ __________ __________
METACOGNITIVE EXIT TICKET
Ano ang bagong natutuhan ko?
Ano ang dating akala ko na kailangan kong baguhin?
Anong halimbawa ang pinakamalinaw para sa akin?

🎮 WORDWALL GAMESHOW QUIZEKWILIBRIYO SA PAMILIHAN: Hanapin ang Tamang Sagot!📚 Sesyon 2 – Ekwilibriyo sa PamilihanPag-aral...
23/09/2026

🎮 WORDWALL GAMESHOW QUIZ
EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN: Hanapin ang Tamang Sagot!
📚 Sesyon 2 – Ekwilibriyo sa Pamilihan
Pag-aralan ang Sesyon 2, at subukan ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng Wordwall Gameshow Quiz. Ang sesyon ay nakatuon sa Market Equilibrium, Equilibrium Price, Equilibrium Quantity, Surplus, at Shortage.
🔗 WORDWALL GAME LINK:
👉 https://wordwall.net/play/119747/701/583?wwmethod=link
🎯 PANUTO SA LARO
1. I-click ang Wordwall link sa itaas upang simulan ang laro.
2. Basahin at unawain ang bawat tanong bago pumili ng sagot.
3. Piliin ang isang pinakatamang sagot sa bawat tanong.
4. Sagutin ang lahat ng 15 tanong.
5. Maaari mong ulitin ang laro upang mapahusay ang iyong score at oras.
6. Pagkatapos maglaro, itala ang iyong pinakamataas na score, pinakamabilis na oras, at bilang ng paglalaro.
💬 I-POST SA COMMENT SECTION
Ilagay sa COMMENT SECTION ng post na ito ang iyong resulta:
👤 Pangalan:
🏫 Section:
🏆 Pinakamataas na Score:
⏱️ Pinakamabilis na Oras:
🎮 Bilang ng Paglalaro:
💭 REFLECTION
Sa parehong comment, sagutin ang tanong:
“Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo tungkol sa ekwilibriyo sa pamilihan, at paano mo ito magagamit sa pag-unawa sa pagbabago ng presyo at dami ng mga produkto?”

📌 Halimbawa ng Comment:
Juan Dela Cruz – 9-Mabini
🏆 Score: 14/15
⏱️ Time: 1:25
🎮 Plays: 3
💭 Reflection:
Natutuhan ko na ang ekwilibriyo ay nangyayari kapag magkapantay ang quantity demanded at quantity supplied. Makakatulong ito sa akin upang maunawaan kung bakit nagkakaroon ng surplus o shortage sa pamilihan.

📌 Tandaan: Sa ekwilibriyo, Quantity Demanded = Quantity Supplied (QD = QS).
🌟 Basahin → Suriin → Laruin → Ulitin → I-post ang Resulta at Reflection!

Gameshow quiz - A multiple choice quiz with time pressure, lifelines and a bonus round.

19/09/2026

📈🚀

Please be guided:SESYON 5 — Demand–Supply Analysis sa Pang-araw-araw na BuhaySa huling sesyon, ilalapat ng mag-aaral ang...
17/09/2026

Please be guided:

SESYON 5 — Demand–Supply Analysis sa Pang-araw-araw na Buhay
Sa huling sesyon, ilalapat ng mag-aaral ang konsepto sa tunay na sitwasyon at gagamitin ito bilang batayan ng matalinong pagsusuri at pagdedesisyon.
5.1 Apat na Hakbang sa Pagsusuri
HAKBANG 1 — Tukuyin ang Pamilihan
Ano ang produkto o serbisyong sinusuri?
Halimbawa: Bigas
HAKBANG 2 — Tukuyin ang Nagbago
Demand ba o supply?
Halimbawa: Nasira ang mga palayan dahil sa bagyo.
→ Supply ang nagbago.
HAKBANG 3 — Tukuyin ang Direksiyon
Supply ↑ o Supply ↓?
→ Supply ↓
HAKBANG 4 — Suriin ang Epekto sa Ekwilibriyo
Supply ↓
→ Equilibrium Price ↑
→ Equilibrium Quantity ↓, ceteris paribus.
________________________________________
5.2 Application Matrix
Sitwasyon Demand Supply Posibleng Epekto sa Equilibrium
Tumaas ang kita para sa normal good ↑ — Price ↑, Quantity ↑
Naging popular ang produkto ↑ — Price ↑, Quantity ↑
Bumaba ang production cost — ↑ Price ↓, Quantity ↑
Gumanda ang teknolohiya — ↑ Price ↓, Quantity ↑
Malakas na bagyo sa agricultural area — ↓ Price ↑, Quantity ↓
Bumaba ang interes sa produkto ↓ — Price ↓, Quantity ↓
Paalala: Ang mga resultang ito ay ceteris paribus—ipinapalagay na hindi nagbabago ang ibang mahalagang salik. Kapag sabay na nagbago ang demand at supply, kailangang suriin ang direksiyon at laki ng bawat pagbabago bago gumawa ng konklusyon.
________________________________________
5.3 Demand, Suplay at Matalinong Pagdedesisyon
Ang pag-unawa sa demand at supply ay tumutulong sa sambahayan na masagot ang mga tanong tulad ng:
• Bakit tumaas ang presyo ng isang produkto?
• Kakulangan ba talaga ang dahilan?
• Nagbago ba ang demand?
• Nagbago ba ang supply?
• May substitute ba?
• Pansamantala o pangmatagalan ba ang pagbabago?
• Paano dapat baguhin ang household budget?
• Kailan dapat bumili at gaano karami?
Halimbawa
Kung tumaas ang presyo ng gulay pagkatapos ng bagyo:
Hindi agad dapat isipin na “pinapataas lamang ng mga nagtitinda ang presyo.”
Sa halip, suriin:
Ano ang nangyari sa supply?
→ Nasira ang pananim.
Ano ang epekto?
→ Supply ↓
Ano ang maaaring mangyari sa presyo?
→ May upward pressure sa equilibrium price.
Ano ang matalinong tugon ng sambahayan?
→ Maghambing ng presyo
→ Pumili ng available na alternatibo
→ Ayusin ang budget
→ Iwasan ang panic buying
→ Isaalang-alang ang seasonal products
________________________________________
5.4 Pag-uugnay sa Implasyon
Mahalagang huwag ituring na ang demand–supply model lamang ang nagpapaliwanag sa lahat ng implasyon. Gayunpaman, nakatutulong ito upang maunawaan ang mga pagbabago sa presyo ng partikular na produkto o pamilihan.
Halimbawa:
Supply shock
→ tumataas ang gastos o nababawasan ang produksiyon
→ bumababa ang supply
→ tumataas ang presyo ng ilang produkto.
Sa susunod na mga aralin sa makroekonomiks, maaaring palawakin ang pagsusuri tungo sa pangkalahatang antas ng presyo o inflation, na mas malawak kaysa sa pagbabago ng presyo ng isang produkto lamang.
________________________________________
5.5 Demand, Suplay at Likas-Kayang Pag-unlad
Ang pamilihan ay hindi lamang tungkol sa “magkano?” at “gaano karami?” Mahalaga ring itanong:
Paano ginawa ang produkto?
Gaano karaming likas na yaman ang ginamit?
Gaano karaming basura ang nalikha?
Napangalagaan ba ang kapaligiran?
Ang SDG 12: Responsible Consumption and Production ay naglalayong itaguyod ang sustainable consumption and production, kabilang ang mahusay na paggamit ng likas na yaman at pagbawas ng basura.
Samakatuwid, maaaring gamitin ng mag-aaral ang demand–supply analysis hindi lamang upang maunawaan ang presyo kundi upang makapagpasya bilang responsableng mamimili at mamamayan.
________________________________________
Pangwakas na Konseptuwal na Mapa
DEMAND
Mamimili
↓
PAMILIHAN
↕
SUPPLY
Prodyuser
↓
INTERAKSYON
↓
EKWILIBRIYO
QD = QS
↓
Equilibrium Price + Equilibrium Quantity
↓
Pagbabago sa Demand/Supply
↓
Pagbabago sa Presyo at Quantity
↓
MATALINONG PAGDEDESISYON
↓
Sambahayan • Prodyuser • Pamahalaan
↓
MATATAG AT RESPONSABLENG PAMILIHAN

Please be guided:SESYON 4 — Pagbabago ng Demand, Suplay at EkwilibriyoIto ang pinakamahalagang bahagi ng pagsusuri.Hindi...
17/09/2026

Please be guided:

SESYON 4 — Pagbabago ng Demand, Suplay at Ekwilibriyo
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pagsusuri.
Hindi nananatiling pareho ang demand at supply. Nagbabago ang mga ito dahil sa iba't ibang salik.
4.1 Kapag Tumaas ang Demand
Halimbawa: naging popular ang isang produkto.
Demand ↑
↓
Demand curve shifts right
↓
Equilibrium Price ↑
Equilibrium Quantity ↑
Halimbawa sa pang-araw-araw na buhay
Naging popular ang isang uri ng school bag.
Panlasa/Preference ↑
→ Demand ↑
→ maaaring tumaas ang equilibrium price
→ maaaring tumaas ang equilibrium quantity.
________________________________________
4.2 Kapag Bumaba ang Demand
Demand ↓
↓
Demand curve shifts left
↓
Equilibrium Price ↓
Equilibrium Quantity ↓
Halimbawa: bumaba ang interes ng mga mamimili sa isang produkto dahil may bagong substitute.
________________________________________
4.3 Kapag Tumaas ang Supply
Halimbawa: bumaba ang presyo ng mga input o gumanda ang teknolohiya.
Supply ↑
↓
Supply curve shifts right
↓
Equilibrium Price ↓
Equilibrium Quantity ↑
________________________________________
4.4 Kapag Bumaba ang Supply
Halimbawa: sinalanta ng bagyo ang mga taniman.
Supply ↓
↓
Supply curve shifts left
↓
Equilibrium Price ↑
Equilibrium Quantity ↓
Halimbawa: Gulay Pagkatapos ng Bagyo
Bagyo
↓
Nasirang pananim
↓
Supply ↓
↓
May pressure pataas sa presyo
↓
Equilibrium quantity ↓
Gayunman, ang aktuwal na laki ng pagbabago sa presyo at quantity ay nakasalalay rin sa kalakhan ng pagbabago sa demand at iba pang kondisyon ng pamilihan.

Please be guided:WEEK1_TERM-2SESYON 3 — SHORTAGE AT SURPLUSPag-unawa sa hindi pagkakatugma ng Quantity Demanded at Quant...
11/09/2026

Please be guided:
WEEK1_TERM-2
SESYON 3 — SHORTAGE AT SURPLUS
Pag-unawa sa hindi pagkakatugma ng Quantity Demanded at Quantity Supplied.
3.1 SURPLUS — LABIS NA SUPLAY
Nangyayari ang surplus kapag Quantity Supplied > Quantity Demanded. Karaniwang nangyayari ito kapag ang presyo ay mas mataas kaysa equilibrium price.
HALIMBAWA: Presyo = ₱10 | QD = 100 | QS = 300
Konsepto Pormula Sagot
Surplus QS − QD 300 − 100 = 200 units
Daloy: SURPLUS → Hindi lahat ng produkto ay nabibili → maaaring magkaroon ng pressure pababa sa presyo → paglapit sa equilibrium.
3.2 SHORTAGE — KAKULANGAN SA SUPLAY
Nangyayari ang shortage kapag Quantity Demanded > Quantity Supplied. Karaniwang nangyayari ito kapag ang presyo ay mas mababa kaysa equilibrium price.
HALIMBAWA: Presyo = ₱4 | QD = 250 | QS = 150
Konsepto Pormula Sagot
Shortage QD − QS 250 − 150 = 100 units
Daloy: SHORTAGE → Mas maraming gustong bumili kaysa available → maaaring magkaroon ng pressure pataas sa presyo → paglapit sa equilibrium.
3.3 MAHALAGANG KAISIPAN
SURPLUS SHORTAGE
QS > QD
Sobra ang nais ipagbili kumpara sa nais bilhin.
QD > QS
Sobra ang nais bilhin kumpara sa nais ipagbili.
SURPLUS = QS > QD | EQUILIBRIUM = QD = QS | SHORTAGE = QD > QS

3.4 PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
• Kapag kulang ang suplay ng gulay pagkatapos ng bagyo, maaaring magkaroon ng pressure pataas sa presyo.
• Kapag sobra ang suplay ng produktong kakaunti ang bumibili, maaaring magbigay ng diskuwento ang ilang nagbebenta.
• Maaaring maghambing ng presyo, pumili ng alternatibo, at mag-adjust ng badyet ang sambahayan.

3.5 UGNAYAN SA MATALINONG PAGDEDESISYON
Ang pag-unawa sa shortage at surplus ay tumutulong sa mamimili at prodyuser na maunawaan ang pagbabago sa presyo at availability ng produkto. Sa pagsusuri ng pamilihan, kailangang tingnan ang parehong demand at supply.
SANGGUNIAN
Mankiw, N. G. (2024). Principles of economics. Cengage Learning.

Please be guided:WEEK-1_TERM-2SESYON 2 — Ekwilibriyo sa Pamilihan2.1 Ano ang Market Equilibrium?Ang ekwilibriyo sa pamil...
11/09/2026

Please be guided:

WEEK-1_TERM-2
SESYON 2 — Ekwilibriyo sa Pamilihan
2.1 Ano ang Market Equilibrium?
Ang ekwilibriyo sa pamilihan (market equilibrium) ay kalagayan kung saan:
QUANTITY DEMANDED = QUANTITY SUPPLIED

Sa puntong ito, nagkakatugma ang dami na nais bilhin ng mga mamimili at ang dami na nais ipagbili ng mga prodyuser.

Equilibrium price — ang presyong nagtatapat sa dalawang planong ito; equilibrium quantity — ang daming aktuwal na ipinagbibili at binibili sa equilibrium.

2.2 Graphic Organizer
DEMAND ↓
SUPPLY ↑
↓
PAMILIHAN
↓
QD = QS
↓
EKWILIBRIYO
↓
Equilibrium Price + Equilibrium Quantity

2.3 Halimbawa
Presyo Quantity Quantity Kalagayan
Demanded Supplied
₱10 100 300 Surplus
₱8 150 250 Surplus
₱6 200 200 Equilibrium
₱4 250 150 Shortage
₱2 300 100 Shortage
Sa halimbawang ito:
Equilibrium Price = ₱6
Equilibrium Quantity = 200 units
Mahalagang Kaisipan: Sa ekwilibriyo, QD = QS.

Please be guided:ARALIN 6: INTERAKSYON NG DEMAND AT SUPLAY SA PAMILIHANUnang Linggo — Unang Bahagi ng Ikalawang TerminoB...
11/09/2026

Please be guided:
ARALIN 6: INTERAKSYON NG DEMAND AT SUPLAY SA PAMILIHAN
Unang Linggo — Unang Bahagi ng Ikalawang Termino
Batayang Paksa: Interaksyon ng Demand at Suplay sa Pamilihan
Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang interaksiyon ng demand at suplay at implikasyon nito sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa sistema ng pamilihan, paikot na daloy ng ekonomiya, at pagsukat ng pambansang kita sa harap ng mga suliraning tulad ng implasyon at unemployment.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagmumungkahi ng solusyon sa mga napapanahong suliraning pang-ekonomiya tulad ng implasyon at unemployment upang mapatatag ang ekonomiyang pambansa at pamilihan.
________________________________________
Pangkalahatang Pokus ng Limang Sesyon
Sa pagtatapos ng limang sesyon, inaasahang mauunawaan ng mga mag-aaral na ang presyo at dami ng produktong naipagbibili sa pamilihan ay nabubuo sa interaksiyon ng demand at suplay. Susuriin nila kung paano nagbabago ang ekwilibriyo kapag may pagbabago sa demand, suplay, o pareho, at iuugnay ito sa mga aktuwal na sitwasyon tulad ng pagbabago ng presyo ng pagkain, kakulangan ng produkto, surplus, kalamidad, pagbabago ng kita, at kondisyon ng produksyon.
Sa modelong demand–supply, ang equilibrium ay nabubuo kung saan nagtatagpo ang quantity demanded at quantity supplied. Kapag mas mataas sa equilibrium ang presyo, maaaring magkaroon ng surplus; kapag mas mababa naman, maaaring magkaroon ng shortage.
________________________________________
WEEK-1_TERM-2
SESYON 1 — Pag-uugnay ng Demand at Suplay
1.1 Mula sa Mamimili Patungo sa Prodyuser
Sa mga naunang aralin, natutuhan na ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba't ibang presyo. Samantala, ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba't ibang presyo.
Magkaiba ang pananaw ng dalawang pangunahing kalahok sa pamilihan:

Demand — Mamimili
1.Nais bumili
2. Presyo ay nakaaapekto sa dami ng gustong bilhin
3. Karaniwang negatibong ugnayan ng presyo at Qd
4.Layunin: matugunan ang pangangailangan/kagustuhan sa loob ng budget

Supply — Prodyuser
1.Nais magbenta
2.Presyo ay nakaaapekto sa dami ng gustong ipagbili
3.Karaniwang positibong ugnayan ng presyo at Qs
4. Layunin: makapagprodyus at makapagbenta nang kapaki-pakinabang

Ang demand at supply ay hindi hiwalay na puwersa. Nagkakaugnay ang mga ito sa pamilihan upang mabuo ang presyo at dami ng produktong ipinagbibili.

1.2 Pangunahing Daloy
MAMIMILI
↓
DEMAND
↓
PAMILIHAN
↑
SUPPLY
↑
PRODYUSER
Ang pamilihan ang nagsisilbing mekanismo kung saan nagkikita ang desisyon ng mamimili at prodyuser.

Halimbawa: Presyo ng Kamatis
Kung maraming mamimili ang gustong bumili ng kamatis ngunit kakaunti lamang ang suplay:
Demand ↑ + Supply ↓
→ maaaring magkaroon ng pressure pataas sa presyo
Samantala, kung maraming kamatis ngunit kakaunti ang bumibili:
Supply ↑ + Demand ↓
→ maaaring magkaroon ng pressure pababa sa presyo.
Mahalagang paglilinaw: Hindi sapat na sabihing “mataas ang demand kaya mataas ang presyo.” Kailangang tingnan din ang kalagayan ng suplay at ang laki ng pagbabago sa parehong puwersa.

📍📊🇵🇭
31/08/2026

📍📊🇵🇭

Address

Justino Sevilla High School
Arayat

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ApAn Hub with "MAM DATU" posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to ApAn Hub with "MAM DATU":

Shortcuts

Share

Category