05/06/2025
๐ค Sama-sama para sa Bayang Bumabasa โจ
Inaanyayahan ang lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2025 ng Apitong National High School na gaganapin ngayong Hunyo 9 at 10. Sama-sama nating linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. Ang oras, lakas, at tulong na inyong ibabahagi ay malaking ambag sa mas ligtas at maayos na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Tampok sa unang araw ng Brigada Eskwela ang Pormal na Kick-Off Program sa Hunyo 9, 2:00 ng hapon. Inaanyayahan po namin ang bawat magulang, mag-aaral, at miyembro ng komunidad na dumalo bilang patunay ng ating pagkakaisa at dedikasyon bilang tunay na mga katuwang sa edukasyon. Ipakita natin ang ating malasakit sa paaralan at sa kinabukasan ng mga mag-aaral ng ApHigh.
Maging bahagi ng tunay na diwa ng bayanihan at bolunterismo. Tayong lahat ay may papel sa tagumpay ng paaralan. Tara naโt makiisa sa Brigada Eskwela! ๐ช๐ฝ๐ซโจ