23/02/2023
Idinaos ng Grade 9 Curriculum ng APARRI-SAT ang kanilang Recognition Day para sa Ikalawang Markahan nitong Lunes ika-20 ng Pebrero,2023 sa 9 Gmelina Room.
Ang programa ay nagsimula sa isang panalangin na pinangunahan ni Ma'am Jamaica Antonio,9-Lauan adviser sunod ay nag alay ng saglit na katahimikan bilang pakikiramay sa mga nasawi sa isang trahedya nang nagdaang araw.
Nagbigay ng mensahe ang Curriculum chairman at 9-Narra adviser na si Ma'am Maida Doniego kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagtitipong iyon at kung gaano siya natutuwa dahil sa magandang pagtatapos ng markahan. Muli niyang pinasalamatan ang pagdalo at walang sawang pagsuporta ng mga magulang na naroon. Ibinihagi rin ng ginang ang kanyang galak sa presensya ng JHS coordinator na si sir Sol U. Calata at ang pagbibigay ng permiso ng Principal na si Ma'am Mary Ann C. Madrid sa naturang programa. Matapos nito ay iginawad na ang sertipiko ng pagkilala sa 4 na WITH HIGH HONORS at 73 na WITH HONORS na mag-aaral mula sa sampung seksyon sa curriculum kasama ang kanilang mga magulang at adviser.
Nagtapos ang programa sa pagbati sa mga estudyante ng tumayong MC ng programa at 9-Acacia Adviser na si sir Dialo Calina kasama ang iba pang adviser, Ma'am Lorena Calantas ng 9-Molave, Ma'am Cielo Addatu ng 9-Gmelina, Ma'am Carmencita Mallanao ng 9-Talisay, Ma'am Marilou Ferry ng 9-Ebony, Ma'am Hermie Javier ng 9 Maple, sir Anderson Marantan ng 9-Mahogany at Ma'am Kenneth Doroteo ng 9- Ilang-Ilang. Dumalo rin sa pagtitipon si Ma'am Maricris Cadauan na g**o sa Entrep at miyembro rin ng naturang curriculum. Hiniling ng mga ito na panatilihin at mas pagbutihan pa ng mgaag aaral ang susunod namang markahan.
Muli, pagbati sa lahat ng Grade 9🎉 PADAYON!❤️
—Kenzhue✍️📸