21/06/2026
Sa aming minamahal na stakeholder JPMorganChase & Solar Hope Inc. Taos pusong pasasalamat po sa inyo 🫶🏻💜
Sa bawat tulong na inyong ibinibigay—malaki man o maliit—ay may katumbas na liwanag na nagliliwanag sa kinabukasan ng aming mga mag-aaral.
Ang inyong bukas-palad na puso ay nagsisilbing inspirasyon at lakas para sa aming munting paaralan upang patuloy na mangarap, magsikap, at tumindig sa gitna ng mga hamon.
Hindi lamang materyal na bagay ang inyong ibinabahagi, kundi pag-asa at pagkakataon para sa aming mga kabataan. Sa bawat aklat, kagamitan, aral at suporta na aming natatanggap, ay may kasamang kwento ng malasakit at pagmamahal na hindi matutumbasan.
Sa ngalan ng buong paaralan—mga g**o, mag-aaral, at mga magulang—kami po ay taos-pusong nagpapasalamat. Kayo ay naging instrumento upang mas mapalawak ang kaalaman at pangarap ng aming mga mag-aaral.
Dahil sa inyo, mas nagiging maliwanag ang kanilang landas tungo sa tagumpay.
Nawa’y patuloy ninyong madama ang aming taos-pusong pasasalamat. Ang inyong kabutihan ay hindi kailanman malilimutan at mananatiling inspirasyon sa aming lahat.
Maraming salamat po, at nawa’y pagpalain pa kayo nang higit pa.
18/06/2026
ALERTO. HANDA. LIGTAS. 🚨
Isang matagumpay na pakikilahok sa 2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill!
Tuloy-tuloy ang pagsasanay para sa seguridad ng lahat. 💯
18/06/2026
Thank you so much Mam Rachel Domingo Abejero our beloved PSDS for your meaningful technical assistance and guidance to us —empowering our schools to deliver quality education through innovation.
We value your visit! 🫶🏻
18/06/2026
With sincere appreciation, we thank our Mathematics Supervisor Ma'am Nombres for the valuable technical support provided to us.
“Behind every achievement is the quiet strength of reliable technical guidance.”
07/06/2026
📣📣OPLAN BALIK ESKWELA 2026📣📣
Public Assistance Command Center (PACC)
SY. 2026–2027
Ang OBE-PACC Committee ng paaralang elementarya ng CANUMAY ay nakahandang tumulong at magbigay ng agarang serbisyo upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagbubukas ng klase para sa ating mga mag-aaral.
Kung mayroon po kayong mga katanungan, mungkahi, o iba pang concern kaugnay ng enrolment, pagbubukas ng klase, at mga programa at serbisyong inihahandog ng paaralan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga miyembro ng OBE-PACC Committee na nakasaad sa larawan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagtitiwala, suporta, at pakikipagtulungan para sa ikatatagumpay ng edukasyon ng ating mga mag-aaral.
📌Simula ng Klase: Hunyo 8, 2026
05/06/2026
Friendly reminder po mga ka eskwela na umiiral ang ating
"No Collection Policy" — ibig sabihin, wala pong kailangang bayaran o kolektahin sa loob ng paaralan.
Salamat sa inyong pakikiisa at pagsuporta para sa isang maayos at patas na school environment para sa lahat! 💙
Kung may tanong, huwag mahiyang mag-message o dumaan sa office. 😊
19/05/2026
📣 ENROLMENT NA! 📚✨
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral, magulang, at tagapag-alaga na makilahok sa Enrolment para sa Taong Panuruan 2026–2027 sa Canumay Elementary School.
Halina’t ipagpatuloy ang paghubog ng kaalaman at kakayahan ng ating mga kabataan sa isang ligtas, maayos, at masiglang kapaligiran ng pagkatuto.
📌 Ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1 to 6, transferees, at balik-aral ay inaanyayahang magpatala.
📅 Petsa ng Enrolment: HUNYO 1-5, 2026
📍 Lugar: Canumay Elementary School
⏰ Oras: 8:00 ng umaga hanggang 12:00.
Dalhin lamang po ang mga kinakailangang dokumento gaya ng SF9, Birth Certificate, at ang enrolment form upang maging maayos at mabilis ang proseso ng enrolment.
Sama-sama nating ihanda ang ating mga anak para sa panibagong yugto ng kanilang pagkatuto. ✨
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!
19/05/2026
📣 Tara na’t magtulungan para sa mas handang paaralan! ✨
Buong puso po naming inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, boluntaryo, at mga katuwang ng paaralan na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2026 na may temang:
💙💛 “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Maging kabahagi po tayo ng isang makabuluhang layunin—ang ihanda ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral. Ang bawat oras, lakas, kagamitan, at tulong na inyong maiaambag ay napakahalaga upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating eskwelahan para sa ating mga mag-aaral. 🏫🫶🏻
Ang Brigada Eskwela ay higit pa sa simpleng paglilinis at pagkukumpuni—ito ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at diwa ng bayanihan ng buong komunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan. 🌱
Sa sama-samang pagkilos, ating mapagtitibay ang pundasyon ng edukasyon at maipapakita na ang tunay na lakas ay nagmumula sa pagkakaisa.
🗓️ Hunyo 1–5, 2026 8:00 am - 5:00 pm
🏫 Canumay Elementary School
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Inaasahan namin ang inyong buong pusong pakikiisa! 💙🩷
10/05/2026
“Canumay ES proudly joined the 2026 Youth Leadership Excellence Awards by JCI —shaping today’s learners into tomorrow’s leaders. 🌟”
Congratulations Princess Shanel 🎉🎉🎉