30/06/2025
PULIS NAG-ALAY NG BUHAY PARA ILIGTAS ANG IBA!!
QUEZON CITY — Nagluluksa ang buong Quezon City Police District (QCPD) sa pagkamatay ng isa sa kanilang pinakamatapang na pulis matapos ang madugong engkwentro sa isang holdapan na naganap madaling-araw ng Hunyo 30, 2025 sa Katipunan Street, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Kinilala ang bayaning pulis na si Patrolman Harwin Curtney Baggay, miyembro ng District Tactical and Motorized Unit (DTMU), na naka-duty noon sa Fixed Visibility Post (FVP) sa harap ng Benigno Aquino Elementary School kasama ang kanyang buddy. Bandang 25 metro mula sa kanilang puwesto, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at agad na rumisponde tumambad sa kanila ang nagaganap na holdapan.
Dalawa sa mga biktima na sina alias “Sonny” at alias “Irah Mae” ay tinamaan ng bala at agad isinugod sa Rosario Maclang Hospital para malapatan ng lunas.
Habang inaaresto ang suspek, tinamaan si Pat Baggay sa kaliwang braso na tumagos sa kanyang dibdib. Kahit sugatan, nagawa pa niyang gumanti ng putok habang tinapos ng kanyang buddy ang suspek.
Isinugod si Pat Baggay sa Rosario Maclang Hospital pero idineklarang patay bandang 3:38 AM.
Pahayag ng QCPD:
“Lubos ang aming pagdadalamhati sa pagkawala ng isang matapang at tapat na lingkod-bayan na buong pusong nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan at seguridad ng Quezon City.
Nakikiramay kami sa pamilya ni Patrolman Harwin Curtney Baggay at asahan nilang kaagapay nila ang QCPD sa panahong ito ng dalamhati.
Ang kabayanihan ni Pat Baggay ay magsisilbing inspirasyon upang mas pagtibayin ang aming paninindigan na itaguyod ang katahimikan at kaayusan sa Quezon City. Hindi kami titigil sa paghahatid ng hustisya at proteksyon para sa bawat mamamayan.”
SALUDO SA’YO, PAT. HARWIN CURTNEY BAGGAY — HUWARANG PULIS, BAYANI NG QUEZON CITY!
Courtesy: Quezon City Police District Pio Qcpd
24/09/2024
19/09/2024
06/09/2024
24/08/2024
13/08/2024