12/02/2024
Kung Hei Fat Choi.. pero dapat daw pala ako din magbibigay na😅 bawi na lang next year😅
Nakakatuwa naman first time kong mag celebrate ng chinese new year dito sa bansang Hong Kong as an OFW and natuwa ako kasi during the New Year eh lahat nagbibigayan ng mga sobre.. Yung naobserbahan ko yung mga single pa sila yung madalas tumatanggap ng sobre na may lamang cash. At yung mga married na sila naman yung madalas nagbibigay ng sobre at yung mga matatanda ganun din.. ang isang ikinatuwa ko is kahit magkano ang laman ng sobre is hindi nila alintana kung mas mataas ba yung naipigay nila kesa sa natanggap nila kaya hindi ka madadalang magbigay walang kang pintas na maririnig kaya hindi ka magihiyang magbigay at hindi ka mahihiyang tumanggap. Hindi ko tuloy maiwasan na maihambing kapag pasko sa pinas kaya minsan madalas magtatago ka pag pasko kasi pag may namasko sayo expected agad liman daan ibibigay mo😅🤦♂️ hayyzz.. hindi man lang naisip na sa dami mong friends at mga kakilala na gusto mong bigyan eh hindi naman ganun kalaki ang sahod mo.. sana maging aral din sa mga mamamasko na makuntento sa kung ano lang ang kayang ibigay ng nagbibigay at magpasalamat na kahit paano naisipang magbigay kahit na sa hirap ng buhay.. Amen.. again Kung Hei Fat Choi sa lahat and salamat sa wonderful Experience na ito.. 2024.
01/01/2024
29/09/2023
30/04/2023
24/04/2023
07/04/2023
07/04/2023
07/04/2023
02/04/2023