DepEd Muntindilaw National High School Antipolo City

DepEd  Muntindilaw National High School Antipolo City This is the Official page of Muntindilaw National HIgh School

06/09/2026

๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ'๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—บ๐—ฎ'๐—ฎ๐—บ/๐˜€๐—ถ๐—ฟ?

Mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, ating pinagdiriwang ang kadakilaan ng bawat g**ong tumayo bilang ikalawang magulang ng bawat mag-aaral.

Hindi biro ang maging g**o, sakripisyo ng pawis at minsan buhay pa ang kapalit maprotektahan lamang at masig**ong ligtas ang bawat isa. Kayo ang nagsisilbing tulay patungo sa pangarap ng bawat kabataan at ang liwanag na nagtuturo sa bawat isa na maniwala sa sariling kakayahan. Hindi lamang kayo nagtuturo ng leksyon sa klase, kayo rin ang nagtuturo ng kabutihan, katapatan, at pag-asa. ๐Ÿ’›

Kaya naman, sa lahat ng Maโ€™am at Sir, salamat sa pagmamahal, sakripisyo, dedikasyon at sa walang sawang paggabay. Kayo ang aming bayani sa loob at labas ng silid-aralan. Wala kami kung wala kayo.


**oNgBayan


๐Ÿ–ผ: Rheya Shainaya C. Layson || SSLG President
โœ๏ธ: Mae Franchette G. Varona || SSLG Documentation and Publication Committee

06/09/2026

๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐Ÿ“…
Para sa mga nag-aabang kung โ€œMay pasok ba? May event ba? O tulog na lang?โ€ eto na ang sagot! HAHAHA

Get ready dahil September 7-8, ay puno ng ganap! From Variety Show,Club Day, hanggang Battle of Wits, bawal ang "๐‘จ๐’š ๐’…๐’Š ๐’Œ๐’ ๐’‚๐’๐’‚๐’Ž!" kasi naka-post na!

Save the dates, set your alarms, and bring your energy!
Kita-kits, students! Letโ€™s make these two days fun, chaotic, and unforgettable!




โœ๏ธ: Mary Rose B. Solomon || SSLG P. O
๐Ÿ–ผ: Sevita Ellaine L. Horton || SSLG P.I.O

06/09/2026
04/09/2026
03/08/2026

Kapatid, Invited ka!
Handa na ba kayong muling tumindig? Kasabay ng pag-ulikid na may pagmamahal?๐Ÿ˜Œ

Kung gayon, HALIKA NA! Sumama kana sa YOUTH WALK WITH CHRIST 2026!
EXPERIENCE CHECKโœ…
NEW FRIENDS CHECKโœ…
AND OFCOURSE...
CLOSER TO GOD CHECKโœ…

Gaganapin na ito sa August 9, 2026 @ St. Paul University Quezon City! Tindig Ulikid!๐Ÿค๐Ÿ™

25/07/2026

Sa mga Magulang, Mag-aaral at mga G**o, Staff ng Muntindilaw NHS,

Ang nakarating na mensahe sa Paaralan ngayong araw ay naipabatid na sa mga kinauukulan (Konseho ng Barangay at Kapulisan), magkakaroon po ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa nabanggit na pangyayari. Hangad ng Paaralan ang ligtas at maayos na pag-aaral ng mga bata sa Paaralan. Makiisa at makipagtulungan po tayo sa mga hakbang ng Paaralan at Barangay upang mapanatili ang katahimikan, kapayapaan at kaligtasan ng bawat Isa.

Maraming salamat Po.

24/06/2026

PAALALA SA MGA MAGULANG

Bilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng bawat mag-aaral ng mga Paaralan sa Deped Antipolo hinihiling ng pamunuan ng FPTA ang aktibong pakikilahok ng mga magulang sa paghubog at paggabay sa kanilang mga anak. Sa harap ng mga nagaganap na insidente ng karahasan sa ilang paaralan sa bansa, mahalagang magtulungan ang pamilya, paaralan, at komunidad upang mapanatiling ligtas ang ating mga mag-aaral. Mangyari lamang po na isaalang-alang at gawin ang mga sumusunod:

1. Kumustahin ang inyong anak araw-araw, hindi lamang tungkol sa kanyang mga aralin kundi pati na rin ang kanyang mga karanasan, damdamin, at mga kaganapan sa paaralan.

2. Buksan at suriing mabuti ang mga gamit sa bag ng inyong anak bago siya pumasok at pag-uwi niya mula sa paaralan upang matiyak na wala siyang dalang ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan.

3. Bulatlatin ang mga notebook, papel, at iba pang personal na gamit ng inyong anak kung kinakailangan upang malaman kung may mga suliranin o sitwasyong nangangailangan ng agarang atensyon.

4. Alamin ang dahilan kung may pagbabago sa oras ng pagpasok at pag-uwi ng inyong anak, pati na rin ang kanyang mga pinupuntahan pagkatapos ng klase.

5. Kilalanin ang mga kaibigan at mga taong madalas niyang nakakasama sa loob at labas ng paaralan. Hikayatin silang magkaroon ng mabubuting samahan at positibong impluwensya sa isaโ€™t isa.

6. Siguruhing walang access ang inyong anak sa anumang uri ng baril, bala, patalim, o iba pang mapanganib na kagamitan sa tahanan. Kung may lisensyadong baril sa bahay, tiyaking ito ay nakaimbak nang maayos, nakakandado, at hindi maaabot ng mga bata.

7. Maging mapagmatyag sa mga pagbabago sa pag-uugali, emosyon, at pakikisalamuha ng inyong anak. Ang labis na pag-iisa, matinding galit, pagbabanta, o pagkahumaling sa karahasan ay maaaring senyales na nangangailangan siya ng paggabay at suporta.

8. Subaybayan ang paggamit ng social media at iba pang online platforms. Makipag-usap sa inyong anak tungkol sa responsableng paggamit ng teknolohiya at agad na aksyunan kung may nakikitang nilalamang may kaugnayan sa karahasan, pananakot, o pagbabanta.

9. Hikayatin ang inyong anak na magsumbong sa mga magulang, g**o, adviser, o kinauukulan kung may nalalaman siyang banta, pang-aapi, o anumang sitwasyong maaaring magdulot ng panganib sa kapwa mag-aaral.

10. Panatilihin ang bukas at mapagkalingang komunikasyon sa inyong anak. Ang mga batang nakararamdam na sila ay pinakikinggan at inuunawa ay mas malamang na magbahagi ng kanilang mga alalahanin at suliranin.

11. Makipag-ugnayan agad sa adviser, guidance counselor, o pamunuan ng paaralan kung may napapansin kayong nakakabahalang pag-uugali o impormasyon na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

12. Turuan ang inyong anak ng kahalagahan ng paggalang sa buhay, disiplina, pananagutan, at mapayapang paglutas ng alitan. Ang mabuting asal at wastong pagpapahalaga ay nagsisimula sa tahanan at pinatitibay ng paaralan.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay hindi lamang tungkulin ng paaralan kundi pananagutan ng buong komunidad. Sa pamamagitan ng maingat na paggabay ng mga magulang, masusing pagbabantay ng paaralan, at sama-samang pagkilos ng lahat, maiiwasan natin ang anumang banta sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng ating mga anak.

KAILANGAN PO NAMIN ANG INYONG TULONG AT PAKIKIISA.

โ€œIT TAKES A VILLAGE TO EDUCATE AND PROTECT A CHILD.โ€

Para sa ligtas, mapayapa, at maayos na Paaralan

-Federation of Parents Teachers Association
Deped Antipolo
Antipolo City

-SPTA, Muntindilaw National High School

Good afternoon , Pasagot po netong survey. Pa share na din po sa ibang mga Teachers and Students.  Safetipolo- Road Safe...
24/06/2026

Good afternoon , Pasagot po netong survey. Pa share na din po sa ibang mga Teachers and Students. Safetipolo- Road Safety Survey of CSDO Antipolo City for 301423 Muntindilaw National High School. Encourage po SSLG natin. Thanks

Ang Muntindilaw National High School ay buong pusong nagbubukas ng panibagong yugto ng paghahanda para sa pagbabalik Esk...
05/06/2026

Ang Muntindilaw National High School ay buong pusong nagbubukas ng panibagong yugto ng paghahanda para sa pagbabalik Eskwela. Ang Paaralan ay bumuo ng komite na tutugon sa inyong mga pangangailan sa pagbubukas ng klase ito ay ang Oplan Balik Eskwela (OBE) Committee para sa School Year 2026โ€“2027. Sa patnubay ng Kagawaran ng Edukasyon, layunin ng programang ito na matiyak ang isang maayos, ligtas, at handang kapaligiran para sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan.

Sa pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders, patuloy nating isusulong ang kahandaan, malasakit, at kahusayan upang maging matagumpay ang pagbubukas ng panibagong taong panuruan.

Sama-sama para sa ligtas, maayos, at handang pagbabalik-eskwela!

Address

St. Martin De Porres Street Brookside Hills Subd. Brgy. Muntindilaw
Antipolo
1870

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Muntindilaw National High School Antipolo City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Muntindilaw National High School Antipolo City:

Shortcuts

Share

Category