BCC Alumni-Parents Concerns

BCC Alumni-Parents Concerns

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BCC Alumni-Parents Concerns, Education, Antipolo.

30/05/2020

OPEN LETTER TO MY ALMA MATER – BINANGONAN CATHOLIC COLLEGE

Ako po ay isang alumni ng aking Alma Mater, sa kasalukuyan po ay may anak na ako at napili kong pag-aralin sa aking Alma Mater dahil alam ko ang kalidad ng pagtuturo sa BCC.

Sa panahon ngayon na may kinakaharap tayo na krisis ng COVID-19 at lahat tayo ay apektado mula sa mahirap at mayaman, mga bata at matanda. Maging ang pamahalaan ay hindi pa makapaglatag ng maayos na patakaran sa pagbubukas ng pag-aaral ngayong school year na darating. Nagagalak kami na may initiative ang ating alma mater sa pagsusulong ng online classes, kahit na maraming katanungan pa sa paano ito ipapatupad, paano yung walang laptop at internet, paano yung walang magulang na magbabantay habang gumagamit ng computer.

Nais kong linawin na hindi rin ako sang-ayon na matigil ang pag-aaral ng mga bata ngayong taon na ito dahil maaari itong magbunsod sa kawalan ng trabaho sa maraming minamahal kong g**o.

Kaya Muli, KUDOS sa ating Alma Mater-BCC sa pagsusulong ng online class,

NGUNIT, nais ko pong manguna sa sa ngalan ng mga magulang na nagtatanong din. MAWALANG GALANG na po, NAGTATANONG lang po, bakit naman po kinakailangan magtaas ng TUITION FEE sa panahong ito?

Sa panahong ito na maraming “UNCERTAINTY”, sa panahong marami ang apektado sa krisis at pandemyang ito. Marahil, may mga magulang na nakaambang mawalan ng mga trabaho. Mga pamilyang nabago ang lifestyle matapos ang lockdown…

BAKIT PO KAILANGAN MAGTAAS NG TUITION FEE kung walang face to face classes kung saan makakatipid ang paaralan sa mga utility bills tulad ng kuryente, tubig at cleaning works.

BAKIT PO KAILANGAN MAGTAAS NG TUITION FEE kung maaring tumaas ang gastusin ng mga magulang sa pagbili ng computer sa mga walang computer, dadagdag ang gastusin pagpapakabit ng internet (monthly bill) sa dating hindi kailangan ng internet sa bahay, sa maaring pagtaas ng konsumo sa kuryente dahil sa computer na dati rati ay walang gumagamit?

BAKIT PO KAILANGAN MAGTAAS NG TUTION FEE sa panahong kailangan ng “COMPASSION” sa bawat isa na panawagan ng ating SIMBAHAN sa mga taong nahihirapan sa buhay?

Muli Mahal kong ALMA MATER, AKO PO AY NAGTATANONG LAMANG.

Ang iyong kapitbahay sa Calumpang-Layunan ay NO TUITION FEE INCREASE.

Nawa ay maisip mo mahal kong ALMA MATER na maari kang mabawasan ng mga mag-aaral kung sakaling ipagpapatuloy mo ang planong PAGTATAAS NG TUITION.

HUWAG mo sanang ipahintulot mahal kong ALMA MATER, na maging dahilan ang SALAPI upang maging hadlang na makapag-aral ang mga dati mong anak na mag-aaral.

SA MAHAL KONG ALMA MATER, KAPARIAN, MGA GINAGALANG NA OPISYAL at KAGURUAN sa BCC. BAKIT PO KAILANGAN MAGTAAS NG TUITION FEE?

Ako po ay nagtatanong lamang.

Want your school to be the top-listed School/college in Antipolo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Antipolo