26/07/2026
Ang Hulyo ay !
Kaisa ang Paaralang Elementarya ng Muntindilaw sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang:
"Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."
Ngayong taon, binibigyang-diin ang mahalagang ugnayan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan. Sa isang malinis, ligtas, at masaganang kapaligiran nagmumula ang mga masusustansyang pagkain na kailangan upang mapanatiling malusog at matatag ang bawat isa.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maitataguyod natin ang wastong nutrisyon habang pinangangalagaan ang ating likas na yaman. Ang bawat mabuting gawain para sa kalikasan ay hakbang tungo sa mas malusog na pamayanan at mas maliwanag na kinabukasan.
Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon at pangalagaan ang ating kalikasan para sa mas malusog na kinabukasan!
26/07/2026
Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.
Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.
Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf
See less
01/07/2026
π΅πβΎ Kilalanin ang Opisyal na Philippines U-12 National Baseball Team!
Ipinagmamalaki ng MDES at ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na isa si BRENT NICOLLO M. SOLEDAD - Antipolo Tamaraw (RAAM 2025 Silver Medalist) sa opisyal na 15-manlalarong roster at coaching staff na kakatawan sa ating bansa sa BFA XII U-12 Asian Baseball Championship na gaganapin sa Guali, Hangzhou, China mula Agosto 7β16, 2026.
Sa pamamagitan ng isang merit-based na pambansang proseso ng pagpili, napatunayan ni SOLEDAD at ng mga batang atletang ito ang kanilang husay at dedikasyon upang mapabilang sa Philippines U-12 National Baseball Team. Ngayon, tangan nila ang karangalang katawanin ang Pilipinas at itaguyod ang mataas na antas ng baseball ng ating bansa sa entablado ng Asya.
Sama-sama nating suportahan ang ating mga batang bituin sa baseball habang buong pagmamalaki nilang kinakatawan ang Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon.
HATAW, PILIPINAS! π΅πβΎ
CTTO: Philippine Amateur Baseball Association (PABA)
31/05/2026
Tara na at makiisa sa isang pamayanang nagbabayanihan.
"BAYANIHAN PARA SA PAARALAN"
30/05/2026
Congratulations Yustin Curt N. Valencia!
Champion Baseball Elementary Boys
Palarong Pambansa 2026
2026 Palarong Pambansa Best Pitcher
πβΎ CONGRATULATIONS, CALABARZON TANAUAN BASEBALL TEAM! βΎπ
Palarong Pambansa 2026 Champions! Through hard work, discipline, teamwork, and determination, you have brought pride and honor to your families, coaches, schools, community, and the entire CALABARZON region.
A special congratulations to Curt Valencia, not only for helping lead the team to the championship but also for earning the prestigious Best Pitcher Award. Your outstanding performance, dedication, and passion for the game have made everyone proud and inspired countless young athletes to chase their dreams.
This championship is more than just a trophyβit is a symbol of perseverance, unity, and excellence. The entire community celebrates this remarkable achievement and stands proud of every player, coach, and supporter who made this journey possible.
Congratulations once again, Champions! You have made history and brought glory to CALABARZON and Tanauan Baseball. The whole community is proud of you! β€οΈπππ
11/05/2026
|BRIGADA ESKWELA 2026 |
Bayanihan para sa Paaralan
Ang Paaralang Elementarya ng Muntindilaw ay buong pusong nag-aanyaya sa ating mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, mga katuwang na ahensya, at buong komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, maihahanda natin ang paaralan upang maging mas ligtas, malinis, at mas maayos na lugar para sa pagkatuto ng ating mga kabataan.
Maaari po tayong magbahagi ng:
π§Ή Cleaning materials
π¨ Paint at painting materials
π School supplies
πΏ Gardening materials
π Construction at repair tools
Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay malaking ambag para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating buhayin ang diwa ng bayanihan para sa mas maayos na paaralan at mas magandang bukas para sa kabataan.
08/03/2026
Look! Muntindilaw ES Celebrates School-based National Arts Month 2026!
And here are the winners of Poster Making, Folk Song, and Folk Dance Competition...CONGRATULATIONS!!!