07/01/2020
"Naniniwala ako na ang pagbabasa ay susi sa kabuoan ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Isa itong hamon para sa aming mga g**o lalong-lalo na sa "primary level".
Masasabi kong ang pagpapabasa, sa simula, ay isa sa mahirap na pagsubok sa buhay ng isang g**o. Samu't saring "challenges" ang kailangang harapin upang maisakatuparan ang matagumpay na pagpapabasa. Nariyan ang pagpapaunawa sa mga mag-aaral na ang pagbabasa ay isang napakagandang kaalaman o talento na habang buhay nilang pakikinabangan. Ang paghingi ng suporta sa mga magulang upang ituloy ang adhikain sa pagpapabasa ay isa ring paraan upang tuluy-tuloy ang pagkatuto ng isang bata.
Ang lahat ng ito ay taos-pusong tinatanggap ng isang g**ong tulad ko upang ang mga mag-aaral na itinuring na naming mga anak ay makabasa. Napakasarap sa pakiramdam sa tuwing ang mga batang tinuturuan ko ay unti-unti nang nagkakaroon ng interest na humawak ng aklat at basahin ang mga nilalaman nito. Hindi nila pansin na hinahanap-hanap na nila ang masambit ang bawat letra o salita na nakikita nila sa kanilang paligid. Nakaluluhang masaksihan na ang batang dati'y walang pakialam sa mga "signages", ngayon ay pabulong nang sinasambit ang mga ito. Ang mga pagkakataong kusang-loob na silang nagsusulat ng anumang nasa kanilang isipan upang bumuo ng kwento, o sumulat sa isang kaibigan, ay tunay na kumukurot sa aking puso, dahil sa kagalakan. Ang pagpapabasa ay tunay na hamon at maituturing na tropeyo ng isang matagumpay na g**o.
Ako ay si Teacher Melodie, isang grade 2 teacher mula sa Concepcion Elementary School ng Marikina City, at naniniwala ako na may pag-asa sa pagbasa."
Tara, Basa Tayo! is a campaign that showcases the different stories of our school's reading advocates. To know more about them, like and follow our page!